1 of 22

Pagsulat ng Malalaki at Maliliit na Letra

FILIPINO 1

Quarter 2 Week 3

2 of 22

Sa araling ito, inaasahang makasusulat ka ng malalaki at maliliit na letra na may tamang layo sa isa’t isa.

3 of 22

Ang salita ay maaaring magsimula sa malaki at maliit na letra.

4 of 22

Narito ang ilan sa mga kailangang tandaan sa paggamit ng malaking letra:

5 of 22

  • Ginagamit ang malaking letra sa pagsisimula ng pangungusap.

ahilig akong gumuhit at magkulay.

m

M

asaya kami sa aming pag-aaral.

m

M

atapos ko ang aking gawain.

n

N

6 of 22

  • Ginagamit din ang malaking letra sa tanging ngalan ng tao, bagay, pook o lugar o pangyayari.

Marie

Gng. Reyes

Pedro

Quiapo Church

Laguna

Sunstar Mall

Adidas

Bearbrand

Mongol

Sinulog Festival

Bagong Taon

Pasko

7 of 22

Ang kaalaman sa pagsulat ng malaki at maliit na letra ay mahalagang pundasyon sa pagsulat.

8 of 22

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Isulat muli ang mga salita, parirala o pangungusap sa pamamagitan ng tamang layo sa isa’t isa. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

9 of 22

  1. antipolo city

2. leonora briones

Antipolo City

Leonora Briones

10 of 22

3. ako ay mapagmahal sa kalikasan.

Ako ay mapagmahal

sa kalikasan.

11 of 22

4. malamig ang klima sa baguio.

5. tayo ay bumasa at sumulat.

Tayo ay bumasa at sumulat.

Malamig ang klima sa Baguio.

12 of 22

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Isulat ang mga pangungusap nang wasto at may tamang layo sa isa’t isa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

13 of 22

1. maging malinis sa katawan upang maiwasan ang pagkakasakit.

Maging malinis sa katawan upang maiwasan ang pagkakasakit.

14 of 22

2. itapon ang mga Basura sa tamang lalagyan.

Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.

15 of 22

3. sagana sa isda ang karagatan.

Sagana sa isda ang karagatan.

16 of 22

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang buong pangungusap gámit ang malaki at maliit na letra na may tamang layo sa isa’t isa.

17 of 22

1. Ano ang pangalan mo?

Ako po si __________________.

18 of 22

2. Saan ka nakatira?

Nakatira po ako sa _____________________.

19 of 22

3. Sino ang guro mo sa Filipino?

Ang guro ko po sa Filipino ay si __________.

20 of 22

4. Ano ang pangalan ng iyong matalik na kaibigan?

Ang matalik kong kaibigan ay si _________________.

21 of 22

5. Ano ang pangalan ng iyong paaralan?

_____________ Elementary School ang pangalan ng aming paaralan.

22 of 22

Binabati kita! Natapos mo na �ang ika-3 linggo sa ika-2 markahan ng ating aralin!