1 of 14

thank

you!

2 of 14

“Gratitude is the memory of the heart”

3 of 14

Mga ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat

1.Magkaroon ng ritwal na pasasalamat. Isang magandang halimbawa nito ay kapag ipinapapasalamat mo ang mga bagay at tao sa iyong pagdarasal.

2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa taong nagpakita ng kabutihan o higit na nangangailangan ng iyong pasasalamat. Ang pagsasabi ng salitang “Thank you!”, “Salamat”, o “Thanks” ay maaaring simple ngunit maaari itong magparamdan ng malalim na pagpapasalamat sa taong dapat mong pasalamatan. Maipapakikita rin ito kahit sa pagsususlat ng liham-pasasalamat, chat o eMail.

4 of 14

Mga ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat

3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan. Mahalagang maipadama mo ang iyong lubos na pasasalamat sa pamamagitan ng simpleng yakap o tapik sa balikat. Wala man itong kasamang salita, ito rin ay magpaparamdan ng lubos mong pasasalamat

4. Magpasalamat sa bawat araw. Dapat tayong mabuhay sa isang positibong pananaw. Ang araw-araw nating paggising ay isang biyaya na kauilangang ipagpasalamat.

5 of 14

Mga ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat

5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam. Ito na marahil ang ating nakasanayang gawin lalo na kung tayo ay gumagamit ng Facebook o messenger upang magpahiwatig ng pasasalamat sa ating mga kaibigan o kamaganak. Ang mga qoutations galing

internet ay isang magandang alternatibo

kung tayo ay may gustong pasalamatan.

Mangyari lamang na hindi natin dapat angkinin ang mga quotations na ito, bigyan natin ng kredit ang may-ari.

6 of 14

Mga ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat

6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapuwa nang hindi naghihintay ng kapalit. Lagi nating tandaan na ang kabutihang loob ay hindi naghihintay ng kapalit. Ito ay kusang loob at dapat ding ipagpasalamat.

7. Magbigay ng munti o simpleng regalo. Isang simpleng regalo ngunit ng pag-alaala sa taong gumawa sa iyo ng kabutihan ay tunay na nagbibigay kasiyahan. Ang mahalaga lamang ay bukal ito sa iyong loob.

7 of 14

Ang Kawalan ng Pasasalamat

Ang kabaligtaran ng pagiging mapagpasalamat ay masasalamin sa Entitlement Mentality.

- Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasahan

ng isang tao ay Karapatan niya na dapat bigyan ng daliang pansin. Iniisip niya na kailangang ibigay ang kanyang mga Karapatan kahit walang katumbas na tungkulin o gampanin.

8 of 14

“Ang pasasalamat ay hindi lamang ang pinakadakilang birtud, ngunit ang magulang ng lahat ng mga birtud,” ayon kay Marcus Tulius Cicero. Kung maisasabuhay mo ang birtud ng pasasalamat, magiging madali para sa iyo na maisabuhay mor in ang iba pang birtud tulad ng katapatan, paggalang, pananagutan, at iba pa. Ang pasasalamat ay isang paraan tungo sa magandang pakikitungo sa kapwa.

9 of 14

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga paraang ito ang nagawa mo na sa mga taong gumawa sa iyo ng kabutihan?

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

10 of 14

2. Alin naman ang hindi mo pa nagagawa? Bakit

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

3. Ano naman ang hindi mo kayang gawin? Bakit? Ipaliwanag.

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

4. May iba ka pang kayang gawing pagpapasalamat maliban sa mga nasa itaas? Ano-ano ito ang mga ito?

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

11 of 14

Humanap ng kapareha, umisip kayo ng isang slogan na tumutukoy sa kawalan ng pagpapasalamat. Gawin ng 5 minuto

12 of 14

Sagutin ang mga katanungan:

1. Paano naipakikita ang kawalan ng pasasalamat?

2. Ano ang Entitlement Mentality? Magbigay ng halimbawa.

13 of 14

Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa kawalan ng pagpapasalamat.

14 of 14

thank

you!