FILIPINO 4
Ikalawang Markahang Pagsusulit
QUARTER 3 WEEK 1
DAY 1
Panalangin
Kamustahan
Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng klase
Pag-check ng attendance
Pagsasaayos ng upuan
Pagbibigay ng tuntunin bago simulan ang pagsusulit.
Hayaang maghanda ang mga mag-aaral bago isagawa ang pagsusulit
Pagbibigay ng gamit sa pagsusulit (Test Paper)
Pagkolekta ng mga Test papers.
Pagwawasto at pagtatala ng resulta ng pagsusulit.
FILIPINO 4
Ikalawang Markahang Pagsusulit
QUARTER 3 WEEK 1
DAY 2
Panalangin
Kamustahan
Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa loob ng klase
Pag-check ng attendance
Pagsasaayos ng upuan
Pagbibigay ng tuntunin bago simulan ang pagsusulit.
Hayaang maghanda ang mga mag-aaral bago isagawa ang pagsusulit
Pagbibigay ng gamit sa pagsusulit (Test Paper)
Pagkolekta ng mga Test papers.
Pagwawasto at pagtatala ng resulta ng pagsusulit.
FILIPINO 4
AKDANG NARATIBO:
Mitolohiya
QUARTER 3 WEEK 1
DAY 3
Pagkuha ng Dating Kaalaman
Magkaroon ng balik-aral at talakayan tungkol sa mahihirap na tanong sa nakaraang ikalawang markahang pagsusulit.
Paglalahad ng Layunin
Hularawan: May ipakikitang mga larawan ang guro at huhulaan ng mag- aaral kung ano ang mga ito. Gawing gabay ang mga patlang upang mabuo ang salita. Pangkatin sa dalawang grupo ang mga mag-aaral at magpaunahan sa pagsagot. Ang pinakamaraming puntos ang tatanghaling panalo.
Paglinang at Pagpapalalim
Hanap-Kalap: Bago basahin ang kuwento ng mitolohiya, basahin ang bawat pangungusap. Humanap ng kapareha at mangalap ng mga kahulugang maiuugnay sa mga salitang nakatala. Magtala hanggang tatlong salita ukol sa nakasaad.
1. diyos-
2. ninuno-
3. nilalang -
4. pulo -
5. makapangyarihan -
Pangkatang Gawain :
Ipagamit sa pangungusap ang salitang bingyang kahulugan.
Bago babasa ng mitolohiya ay aalamin muna natin ang kahulugan nito .
Ano ang mitolohiya ?
Mitolohiya ay mga kuwento o alamat na naglalaman ng mga paniniwala at tradisyon ng isang kultura. Karaniwang ito ay kwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani. Ang mga mitolohiya ay ginagamit upang ipaliwanag ang
mga likas na pangyayari at mga kaganapan sa paligid natin. Sa iba't ibang bahagi ng mundo, ang mga mitolohiya ay nag-aalok ng mga aral at nagpapalaganap ng mga kasaysayan ng isang lahi.
Paglalahat
Ano ano ang kahulugan ng mga sumusunod na salita ?
Ano ang mitolohiya ?
Pagtataya
Isulat ang letra ng tamang sagoot sa inyong sagutang papel.
1.Ano ang pangunahing paksa ng mitolohiya?
a) Kasaysayan ng mga bayan
b) Kwento ng mga diyos at bayani
c) Mga tsismis ng mga tao
2. Ano ang layunin ng mitolohiya?
a) Magpatawa ng mga tao
b) Magbigay ng impormasyon sa kasalukuyang panahon
c) Magbigay ng paliwanag at aral
3.Alin sa mga sumusunod ang hindi karaniwang bahagi ng mitolohiya?
a) Mga alamat
b) Mga paboritong pagkain
c) Mga salaysay ng mga bayani
4.Anong elemento ang madalas na matatagpuan sa mitolohiya?
a) Mga makabagong teknolohiya
b) Mga mahiwagang nilalang
c) Mga bagong balita
5. Bakit mahalaga ang mitolohiya sa isang kultura?
a) Dahil naglalaman ito ng mga modernong ideya
b) Dahil ito ay nagbibigay ng gabay at aral sa mga tao
c) Dahil ito ay nagpapakita ng mga bagong teknolohiya
FILIPINO 4
AKDANG NARATIBO:
Mitolohiya
QUARTER 3 WEEK 1
DAY 4
Pagkuha ng Dating Kaalaman
Balikan natin muli ang mga salitang binigyang kahulugan natin kahapon.
1. diyos-
2. ninuno-
3. nilalang -
4. pulo -
5. makapangyarihan -
Paglalahad ng Layunin
Nakabasa o nakapanood ka na ba ng mitolohiya?
Anong uri ng mitolohiya ang nabasa mo?
Paano mo ilalarawan ang mga tauhan sa mitolohiyang nabasa o napanood mo?
Paglinang at Pagpapalalim
Pagbasa ng Mitolohiya.
Babasahi ng guro ng malakas ang mittolohiya na “Ang Diyos ng Ating mga Ninuno at Pinagmulan ng Unang Pulo” Kinuha mula sa: https://www.kapitbisig.com/
Magpangkatan na may limang miyembro. Balikang muli ang tampok na teksto: “Ang Diyos ng Ating mga Ninuno at Pinagmulan ng Unang Pulo.” Pag-usapan ang mga tanong na nakatala at pagkasunduan ang isasagot sa mga ito.
1.Sa inyong palagay, sino kaya ang nagsasalaysay sa mitolohiya? Paano ninyo nasabi?
2.Batay sa pinagmulan ng unang babae at lalaki, alin sa binasa ang pinaniniwalaan ninyo? Bakit?
3.Kung kayo ang susulat ng mitolohiya, paano niyo lilikhain ang mga unang babae at lalaki? Ipaliwanag.
4.Ano ang inyong opinyon at reaksiyon hinggil sa mito ng mga bathala?
5. Sa mga Diyos na binanggit sa kuwento, sino ang higit ninyong pinaniniwalaan? Ipaliwanag ang sagot.
6. Paano ninyo ilalarawan ang Diyos bilang nasa ikaapat na baitang?
7. Ano-ano ang mga ginagawa ninyo sa pagsamba ninyo sa Diyos?
8. Ano ang pagkaintindi ninyo sa salitang sampalataya?
9.Ano ang ginagawa ninyo bilang bahagi ng inyong pananampalataya?
10. Bakit kaya mahalaga ang pananampalataya?
Paghinuha sa Susunod na Pangyayari
Sa binasang mitolohiya, ano kaya ang mahihinuha sa susunod na pangyayari batay sa nakasaad:
1. Sa mitolohiya ng mga Tagalog, si Amihan at si Habagat ay nagpakasal. Sila ay nakita sa isang kawayang lulutang-lutang sa dagat. Ang biyas ng kawayan ay tinuka ng ibon at nabutas. Ang sumunod na nangyari ay ______________ .
2. Sa paglikha ng mga tao sa Maguindanao, ang diyos na si Sitli Paramisuli bago namatay ay nagtagubilin sa kaniyang mga lalaking anak na ang kaniyang suklay ay ibaon sa pinaglibingan sa kaniya. Nang maitanim ito, sumibol at lumaki ang isang puno ng
kawayan. Sa biyas ng kawayan nagmula si Putri-Turina na napangasawa ni Kabanguan. Nagkaroon sila ng mga anak. Pagkatapos ay ___________ .
3. Sa paniniwala ng karamihan, nang lalangin ng Diyos ang daigdig, siya ay nasa langit. Pagkatapos siya ay _______ .
4. Karaniwan, kapag nag-asawa ang babae at lalaki sila ay ______________
5. Sa mga pangkat-etniko sa Pilipinas, may iba-ibang paniniwala ng pinagmulan ng unang babae at lalaki. Madalas sila ay nagmula sa
________________
Paglalahat
Sino sino ang mga tauhan sa mitolohiya na binasa ?
Tungkol saan ang mitolohiya na inyong binasa ?
Pagtataya:
Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1.Bakit mahalaga ang mitolohiya?
a.upang maipaliwanag ang kasaysayan
b.upang magdulot ng takot at pag-asa
c.upang malaman ang pinagmulan
d. upang magbigay- aral
2.Paano inilarawan ang bathala ng mga taga-Luzon?
a. Siya ay tumitira sa bundok ng Arayat
b. Siya ang gumawa ng kalawakan
c. Siya ang nagpabaha sa daigdig
d. Siya ang lumikha ng uwak
3. Ano ang pangalan ng ibong bumungkal sa kailaliman ng dagat?
a. Baul
b. Binaul
c. Manaul
d. Minaul
4. Pinaniniwalaan na ang diyos ng mga taga-Ifugao ay naninirahan sa a. ikaapat na pinakamataas na lugar ng daigdig
b. ikalimang pinakamataas na lugar ng daigdig
c. ikaanim na pinakamataas na lugar ng daigdig
d. ikapitong pinakamataas na lugar ng daigdig
5. Bakit naiiba ang kuwento ng pagkakalikha ng mga Maguindanao?
a. ang kaniyang suklay ay ipinabaon sa pinaglibingan sa kaniya at ipinatanim, sumibol at lumaki ang isang puno ng kawayan
b. ang kawayan ay ipinabaon sa pinaglibingan sa kaniya at ipinatanim, sumibol at lumaki ang isang puno ng kawayan
c. ang kaniyang saklay ay ipinabaon sa pinaglibingan sa kaniya at ipinatanim, sumibol at lumaki ang isang puno ng kawayan
d. ang kaniyang damit ay ipinabaon sa pinaglibingan sa kaniya at ipinatanim, sumibol at lumaki ang isang puno ng kawayan