Araling Panlipunan 2
Quarter 2 Week 4
Mga Sagisag at Kasaysayan ng Komunidad
WELCOME
Sa araling ito ay inaasahang maiugnay mo ang kaalaman tungkol sa mga sagisag
(halimbawa: natatanging bantayog)
na matatagpuan sa komunidad at
ng kasaysayan nito.
Kumusta! Ako si Minda, ang bago mong kaibigan. Bagong lipat lang kami rito. Tara! samahan mo akong maglibot sa ating komunidad.
Kalapit ng aming bahay ay ang simbahan na kung saan ay sabay-sabay kaming nagsisimba ng aking pamilya. Mayroon din ditong health center, barangay at parke. Mayroon din bang ganitong sagisag o simbolo sa inyong komunidad?
Bawat komunidad ay may makikitang simbolo at sagisag na may kani-kaniyang kahulugan. Ito ay kumakatawan sa mga bagay, makasaysayang lugar at sa alin
mang maaaring pagkakilanlan. Makikita
rin sa mapa ang mga sagisag upang
madali itong makilala o malaman
ang lugar na kinaroroonan.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 1!
Sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Aling sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit sa pagkakakilanlan ng komunidad?
A. sagisag o simbolo
B. kasaysayan
C. pangalan
D. tirahan
2. Saang lugar pinaka-angkop gamitin ang sagisag at simbolo?
A. sa paaralan
B. sa kapaligiran
C. sa mapa
D. sa tahanan
3. Karaniwang makikita sa komunidad ang mga sumusunod, maliban sa ______________.
A. simbahan
B. mall
C. tindahan
D. paaralan
4. Saan ka pupunta kung nais mong mag-aral?
A. simbahan
B. paaralan
C. ospital
D. bahayan
5. Kung ikaw ay may karamdaman, saang lugar ka pupunta?
A. simbahan
B. paaralan
C. ospital
D. bahayan
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 2!
Isulat ang pangalan ng bawat sagisag sa iyong kuwaderno.
1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________
5. ___________________
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 3!
Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_______1. Ang pamumuhay ng mga tao noong araw ay payak lamang.
_______2. Noong araw, ang pangunahing
hanapbuhay ng mga tao ay
pagsasaka at pangingisda.
_______3. Ang mga kasuotan ng babae
noong araw ay maiiksi lámang gaya
ng shorts at sando.
_______4. Ang komunikasyon ng mga tao noong araw ay sa pamamagitan ng cellphone o computer.
_______5. Mayaman pa noon sa likas na
yaman ang komunidad.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 4!
Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga simbolo sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
A. bahay-pamahalaan
B. himpilan ng pulisya
C. ospital
D. paaralan
E. simbahan
HANAY A
HANAY B
1.
A. bahay-pamahalaan
B. himpilan ng pulisya
C. ospital
D. paaralan
E. simbahan
HANAY A
HANAY B
2.
A. bahay-pamahalaan
B. himpilan ng pulisya
C. ospital
D. paaralan
E. simbahan
HANAY A
HANAY B
3.
A. bahay-pamahalaan
B. himpilan ng pulisya
C. ospital
D. paaralan
E. simbahan
HANAY A
HANAY B
4.
A. bahay-pamahalaan
B. himpilan ng pulisya
C. ospital
D. paaralan
E. simbahan
HANAY A
HANAY B
5.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 5!
Tukuyin ang mga sagisag na mababasa sa loob ng puzzle. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 6!
Gumuhit ng mapa ng inyong komunidad. Isulat ang mga sagisag o simbolo na makikita sa inyong kapaligiran at ibigay ang mga kahulugan nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 7!
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa komunidad. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano-ano ang mga simbolo na nakita mo sa pamayanan?
2. Bakit mahalaga na malaman mo ang kahulugan ng mga simbolo sa inyong komunidad?
3. Paano makakatulong ang mga simbolong
ito sa bawat isa?
Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pangungusap tungkol sa araling ito.
Ang __________ ay ginagamit bilang __________ ng isang komunidad. Bawat simbolo na makikita sa komunidad ay
may kani-kaniyang __________.
komunidad detalye pagtatanong kasaysayan
pagbabago
THANK YOU