EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Modyul 3: Kagalingan sa Paggawa
Mga Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pagunawa:
Kaalaman: Nakapagbibigay ng mga hakbang upang ang isang gawain o produkto ay magkaroon ng kalidad o kagalingan.
Saykomotor: Nakaguguhit ng isang gawain o produkto na may kalidad o kagalingan.
Apektiv: Nakakilala ng mga pagpapahalaga na may kalidad o kagalingan
SUBUKIN
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakitan sa kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.
1. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakitan sa kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
B. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.
2. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “ Ang latang naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa inyo” upang makaipon ng maraming lata na ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan.Kung ikaw ang lilikha ng produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa sumusunod ang dapat mong isaalang –alang?
A. Gumawa ng produktong kikita ang tao
B. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
C. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
D. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
3. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
A. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kaniyang tungkulin B. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang katrabaho C. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap
D. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa.
4. Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglilingkuran ng mahigit sa 40 taon. Bukod dito, binigyan din siya nang plaka ng pagkilala bilang natatanging manggawa ng pabrika. Palatandaan ng kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene?
A. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod
B. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi nang kaniyang karapatan bilang isang manggagawa.
C. Oo, hindi ibinigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito.
D. Hindi, binigay lang nang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sae dad na mayroon siya.
5. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?
A. Masipag, madiskarte, at matalino
B. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
C. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa.
D. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili
6. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa nng mga palamuti dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang nang gumagawa ng mga ito?
A. Material na bagay at pagkilala ng lipunan
B. Personal na kaligayahan na makukuha muka dito
C. Pag-unlad ng sarili, kapuwa, at bansa
D. Kaloob at kagustuhan ng Diyos
7. Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narrating ng huli. Alin sa sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kaniya?
A. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng datoing punong-guro
B. Gamitin ang ganda,angking kurisma, talino, at kasipagan
C. Maging masipag, masigasig, at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho
D. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito.
8. Bata pa lang si Juan Daniel, pinapangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang. Alin sa sumusunod and dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kaniya na upang maabot ang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
A. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili
B. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling nmakipag-usap
D. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
9.Hindi nagging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s. Sa kabila ng mga pagsubok, napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tinibnan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?
A. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan
B. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
C. Ang pagkabigo ayvparaan ng pagsusulit sa aniya
D. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
10. Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama?
A. Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumenting pangmusika si Roberto del Rosaryo,imbentor ng karaoke
B. Gumugugol na maraming oras si Leonard de Vinci upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon
C. Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na ecosystem. D. Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanialng specimen bago bumuo ng konklusyon tungkol dito.
BALIKAN
Panuto: A. Suriing mabuti ang larawan
B. Sagutin ang mga katanungan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Sino ang nakikita mo sa larawan?
2. Ano- ano kaya ang taglay nilang kagalingan?
3. Ano-anong indikasyon ng kagalingan sa paggawa ang Ipinapakita sa larawan
TUKLASIN
1. Suriin kung iyong taglay ang sumusunod na palatandaan. Sa kanan ng bawat aytem, lagyan ng tsek( / ) ang angkop na kolum. Kopyahin ang chart , gawin ito sa kuwaderno
2. Pagkatapos, bilangin ang kabuuang iskor sa bawat kolum.
Mga palatandaan
Ako ito
Hindi Ako Ito
1 Ginagawa ang mga bagay na dapat gawin.
2.Nagdarasal muna bago gawin ang anumang bagay.
3.Tinapos lagi nang may kalidad ang anumang gawain
4.Laging may bagong ideya at konsepto sa isang particular na gawain.
Mga palatandaan
Ako ito
Hindi Ako Ito
5.Nagpaplano ng paraan kung paano gagawin ang isang gawain bago simulan ito.
6. Nirerebisa ang Gawain batay sa punang angkop sa kraytirya ng output.
7. Laging nagpapasalamat sa Diyos sa mga natapos na Gawain at takdang aralin na nagawa nang maayos.
8. Palatanong sa mga bagay nabago sa aking paningin
Mga palatandaan
Ako ito
Hindi Ako Ito
9. Hindi sumusuko sa hamon ng anumang Gawain kahit mahirap ito
10. Inuunawa ang panuto bago simulant ang gawain
3. Sagutin ang mga tanong:
a. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili pagkatapos mong sagutin ang Tseklist? Ipaliwanag?
b. Sa kabuuan, masasabi mo bang may kalidad ang iyong paraan sa paggawa? Ang output o produkto ng iyong paggawa? Patunayan.
c. Ano- ano ang indikasyon na ang isang gawain o produkto ay may kalidad o kagalingan (excellence)? Ipaliwanag ang bawat isa.
KATARUNGANG PANLIPUNAN
SURIIN
Mahalagang maunawaan mo ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng paggawa. Nalaman mo na ito ay daan upang makamit mo ang iyong kaganapan bilang tao. Sa modyul na ito, inaasahang maunawaan mo na hindi sapat ang paggawa lamang. Mahalagang laging isaalang-alang ang kalidad ng serbisyong ibinigay o produktong ginawa upang maging gawi ng bawat kabataan ang
ANG KAGALINGAN SA PAGGAWA
“Ang galing naman nila! Sana makaimbento rin ako ng katulad ng artipesyal na coral reef na gamit sa mga palaisdaan sa Timog-Silangang Asya, na naimbento ni Angel Alcala, o kaya ng videoke na inimbento ni Robert del Rosario, parehang Pilipino!
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto na nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin sa paggawa . May mga partikular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa. Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat isaalang-alang, ngunit hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung taglayin mo ang isa sa mga katangian na nagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan. Bukod sa mga kasanayan sa basic literacy( tulad ng pagbasa, pagsulat, pagkuwenta, pakikinig, pagsasalita), mahalaga rin ang mga kasanayan sa pagkatuto na may tatlong yugtoang Pagkatuto Bago ang Paggawa, Pagkatuto Habang Ginagawa, at Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang Gawain (Morato, 2007).
TATLONG YUGTO NG PAGKATUTO
1. Pagkatuto Bago ang Paggawa.
Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang Gawain o produkto. Binubuo ito ng mga kasanayan sa: Halimbawa: Naatasan ang pangkat mo sa klase sa Edukasyon sa Pagpapakatao na gumawa ng proyektong tutugon sa pangangailangan ng mga bata na may edad na 5 hanggang 9 sa inyong barangay. Kailangang malinaw ang tunguhin (goal) at mga inaasahang kalabasan (expected outcomes) ng proyekto.
2. Pagkatuto Habang Ginagawa.
Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong napili at mga konkretong hakbang upang maisagwa ang proyekto napili at mga posibleng kahaharaping problema at solisyon sa mga ito.
3. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain.
Ito ang yugto ng pagtataya sa naging resulta o kinalalabasan ng gawain. Sa puntong ito malalaman mo ang mga kilos at pasiya na dapat panatilihin at baguhin.
PAGYAMANIN
Panuto: Suriin kung bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa sa pamagitan ng natutunan sa aralin. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno, gamit ang sumusunod na gabay na tanong:
a. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga katangian at kasanayang nabanggit sa babasahin? Pangatwiran.
b. May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kasanayang nabanggit Sa babasahin? Pangatwiran.
c. Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkakamit ng kabutihang panlahat? Patunayan gamit ang mga halimbawa.
ISAISIP
1. Itinuring mo bang paraan ng pagpuri at pasasalamat sa Diyos ang iyong gawain?
ISAISIP
2. Sa paanong paraan mo ito isinasabuhay?
ISAISIP
3. Ano ang nararamdaman mo kapag iniaalay mo sa Kaniya ang iyong gawain?
ISAGAWA
1. Iguhit gamit ang bond paper at idikit sa iyong kuwaderno ang iyong gustong produkto na ikaw mismo ang nakaimbento o gumawa o gusto mo maging balang araw. Kulayan at gawing kaaya- aya. Gawin ito ng buong husay.
2. Sagutin ang mga katanungan:
a. Ito ba ay pinag- isipang mabuti?
b. Nasunod ba ang hakbang na dapat gawin?
c. Bung aba ito ng malalim na pag- iisip d. Nagagamit ba ang mga talent at kasanayang ipinagkaloob ng Diyos? e. Nagamit ba ang aral ng buhay na natutuhan mula sa karanasan?
TAYAHIN
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Kinikilala siya dahil sa naimbento niyang videoke
A. Angel Alcala
C. Dr. Manuel Dy Jr.
B. Roberto del Rosario
D. Noynoy Aquino
2. Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang maaaring gamitin.
A. Pagkatuto Habang Ginagawa
B. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang bagay
C. Pagkatuto Bago ang Paggawa
D. Pagkatuto ng istratehiya
3. Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto
A. Pagkatuto Habang Ginagawa
B. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang bagay
C. Pagkatuto Bago ang Paggawa
D. Pagkatuto ng istratehiya
4. Ito ay tumutukoy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
A. Masipag
C. Tiyaga
B. Malikhain
D. Kasipagan
5. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso.
A. Masipag C. Tiyaga B. Malikhain D. Kasipagan
KARAGDAGANG GAWAIN
A. Gumupit ng isang larawan sa isang lumang magazine o dyaryo ng isang taong hinahangaan mo dahil sa taglay niyang kasipagan o kagalingan sa paggawa. Idikit sa kuwaderno
B. Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit ang larawang ito ang siyang napili mo? Ipaliwanag 2. Ano-anong katangian ang naging taglay niya? Ipaliwanag
THANK YOU!