1 of 17

Mga Batayang Kilos At Panimulang Kasanayang Panghimnasyo

Inihanda ni:

REBECCA B. LLAMADO

SULIB ES

PANGIL-PAKIL DISTRICT

2 of 17

  • Nakakita na ba kayo ng mga taong naghihimnasyo? Alam nyo ba ang tawag sa mga kasanayang himnasyong kanilang ginagawa? Mahirap kaya itong isagawa?
  • Narito ang ilang kasanayang panghimnasyo.

3 of 17

4 of 17

5 of 17

6 of 17

7 of 17

8 of 17

FRONT SCALE

  • Tumayo nang tuwid sa kanang paa at iunat ang kaliwang paa na ang mga daliri ay nakaturo sa unahan. Panatilihing tuwid ang mga binti sa pagkakatayo at pagkaunat.
  • Iunat ang mga bisig na pantay-balikat na parang lumilipad upang maging matatag sa pagbalanse ng katawan.
  • Tumingin nang diretso.
  • Panatilihin ng limang segundo. Ulitin sa kabilang binti.

9 of 17

10 of 17

PIKE POSITION

  • Umupo sa sahig na nakaunat ang mga binti sa harapan na ang dulo ng mga daliri ng mga paa ay nakabaluktot.
  • Iunat paitaas sa tagiliran ng ulo ang mga bisig na ang mga palad ay nakaharap palabas.
  • Ituon ang paningin sa paunahan.

11 of 17

12 of 17

SITTING TUCK

  • Umupo sa sahig at ibaluktot ang mga tuhog. Hangga’t maaari ay ilapit ang mga ito sa dibdib na ang dulo ng mga daliri ng paa ay nakaturo sa sahig.
  • Ilagay ang mga kamay sa mga tuhod at iyuko ang ulo.

13 of 17

14 of 17

INVERTED TUCK

  • Humiga nang patihaya.
  • Ilapat ang mga palad ng mga kamay sa balakang at itukod ang mga siko sa sahig na siyang magdadala ng bigat ng katawan.
  • Itaas ang katawan hanggang sa kalamnang bahagi ng likod at ulo ang siyang naiiwang nakalapat sa sahig. Ang mga tuhod ay ibaluktot at idikit sa ulo.
  • Ang mga daliri ng paa ay ituro sa itaas.
  • Bumalik sa panimulang posisyon.

15 of 17

Tandaan:

  • Upang maiwasan ang sakuna, dapat isagawa ang mga batayang kasanayang panghimnasyo ayon sa pamantayan nito.

16 of 17

Pagtataya:

  • 1.Nasiyahan ka ba sa pagsasagawa ng mga kasanayang panghimnasyo? Bakit?
  • 2.Sinunod mo ba ang mga tuntuning pangkaligtasan sa pagsasagawa ng mga kasanayang ito?
  • 3. Nakiisa ka ba sa pangkatang gawain? Ano ang iyong naitulong?
  • 4-5. Maglahad ng maikling kwento tungkol sa iyong karanasan sa pagsasagawa ng kasanayang panghimnasyo.

17 of 17

Takdang Aralin:

  • Sanaying muli ang mga kasanayang panghimnasyo na tinalakay at humanda sa muling pagpapakita nito sa susunod na leksyon.