1 of 19

Layunin:

(F6PB-IIIb-6.2)

Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

2 of 19

Ano ang tinatawag nating pamilyar at di pamilyar ng mga salita? Magbigay ng mga halimbawa.

3 of 19

Itanong sa mga bata kung sila ay may narinig o nabasang kwento tungkol sa isang batang katulad nila na ibinuwis ang buhay alang-alang sa kapwa

4 of 19

Ang Bayaning Iskawt

Si Iskawt Aries Canoy Espinosa ay 13 taong gulang. Kasapi siya sa Kawan Blg. 60 sa ilalim ng pamamahala ng Paaralang Elementarya ng Rupagan, Lanao del Norte Council. Nabalita siya kaugnay ng isang malungkot na pangyayari noong Enero 30, 1994

5 of 19

Nangyari ito nang isang pangkat ng mga batang lalaki ang naglalaro ng Granada. Walang kamalay-malay ang mga bata na ang pinaglalaruan nila ay sumasabog. Ito ay ginagawa nilang parang bola ng basketbol na isinu-shoot sa ring

6 of 19

Bumagsak ang Granada sa malapit sa ibang pangkat ng mga batang naglalaro ng goma. Naroroon sa di kalayuan si Iskawt Espinosa. Mabilis niyang sinigawan ang pangkat ng mga batang lalaki, “Umalis kayo riyan, puputok iyan!” sabay takbo, papalapit sa Granada

7 of 19

Dumapa siya upang takpan ito ng kanyang katawan. Halos nagkasabay ang kanyang pagdapa at ang pagputok ng granada na siya niyang ikinamatay.

Ang mabilis na pagpapasya, pagmamalasakit sa kapwa, at mga pagsasanay na natutuhan ni Iskawt Espinosa sa Scouting ang

8 of 19

nakatulong upang mailigtas ang maraming buhay.

Namatay siya nang wala sa panahon at lubhang napakataba pa upang ialay ang kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Nagampanan niya nang lubusan ang panunumpa at batas ng isang Iskawt na: “Tulungan ang kapwa sa lahat ng pagkakataon.”’

9 of 19

Isang pagpapakasakit sa sarili ang kanyang ginawa upang mabuhay lamang ang kanyang kapwa na siyang pinakamahalagang kasabihan sa larangan ng katapangan. Ito rin ang nagbibigay ng mahalagang katuparang nauukol sa kasabihan ng mga Iskawt, ang “LAGING HANDA.” Iyan si Iskawt Aris Canoy Espinosa, ang munting bayani.

10 of 19

Paano ipinakita ni Aries ang kanyang pagmamahal kapwa?

11 of 19

Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang sanhi at salungguhitan ang bunga. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Sumigaw siya nang malakas kung kayat nakalayo kaagad ang mga batang naglalaro.

2. Dumapa siya sa Granada kaya siya ang nasabugan nito.

12 of 19

3. Marami ang naligtas dahil sa kanyang ginawa.

  1. Lahat ay humanga ng malaman nila ang kanyang kabayanihan.
  2. Nagpatatag ng loob si Aris ng kanyang pagiging iskawt.

13 of 19

Guhitan ang sanhi at bilugan ang bunga. Gawin ito sa manila paper. (Pangkatang Gawain)

1. Ipinapakasakit niya ang kanyang sarili upang mabuhay lamang ang kanyang kapwa.

2. Hindi alam ng mga bata ang panganib sa Granada kapag pinaglaruan nila ito.

14 of 19

3. Dahil sa alam ni Arie s ang panganib, mabilis siyang kumilos.

4. Hindi malilimot ang batang si Aries Espinosa sapagkat kahanga-hanga ang kanyang pagmamalasakit.

5. Nakatuon ang mga layunin ng mga iskawt sa paglilingkod kung kaya handa sila anomang oras.

15 of 19

May mga kuwentong ang binibigyang-diin ay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Ang Sanhi ay siyang dahilan ng pangyayari at Bunga naman ay ang resulta o kinalabasan.

16 of 19

Halimbawa:

Pinanindigan ni Aries ang panunumpa niya sa Scouting kaya iniligtas niya ang batang naglalaro.

Sanhi: Pinanindigan ni Aries ang panunumpa nya sa Scouting

Bunga: iniligtas nya sa kamatayan ang mga batang naglalaro

17 of 19

Isulat sa inyong sagutang papel kung sanhi o bunga ang lipon ng mga salitang sinalungguhitan.

1. Ang mamatay sa sarili ay mabubuhay sa Diyos.

2. Sapagkat larawan ni Kristo ang ating mabuting pastol, lubos ang pananalig ko sa Kanya.

18 of 19

3. Inialay niya ang kanyang sariling buhay upang tayo ay tubusin.

4. Para sa lugod at kabutihan ng minamahal niyang kapwa, naglilingkod Siya sa kanila sa mumunting paraan.

5. Handa Siyang mamatay upang ikaw ay mabuhay.

19 of 19

MARAMING SALAMAT PO!

RHUENA G. BERMUDEZ

CONEL CENTRAL E/S

GENSAN CITY