Nagmumungkahi ng iba pang pangyayari na maaaring�maganap sa binasang teksto.�F6PB-IIIa-20
By: Nerissa P. Grimaldo
San Ramon Elementary School
Balik-aral
Ano-ano ang mga pang-abay na ginamit?
Paghahabi ng layunin
Gaano ninyo kamahal ang inyong lolo?
May kasabihan na “ Matibay ang walis kung ito’y nakabigkis.” Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kasapi ng pangkat. Hindi magtatagumpay ang anumang gawain kapag watak-watak ang mga taong gagawa nito, tulad ng pangyayari sa susunod na kuwento ni Lolo.
Paghahawan ng sagabal
Ibigay ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan. Pagkatapos gamitin sa pangungusap.
Abala ang isipan nina Bryan sa mga binabalak nilang gawin kinabukasan. ( nahihibang, nag-iisip, gumugunita )
Masaya na ang pananim sa hardin makalipas lamang ang ilang araw. Ang mga halaman ay (nagtatawanan, nagsisisayaw, nananariwa )
Kapag napabayaan pa, babagsak na ang negosyo nila at wala na silang hanapbuhay. (madudurog, malulugi, mawawasak )
Sadyang nakikiisa ang lahat sa mga gawain sa hardin. ( tumutulong, naninisii, nagpapabaya )
Narinig ni Lolo Juan ang pagtuturo-turuan ng mga apo sa mga gawain sa poultry. ( pagsisihan, pagtutulung-tulongan, pag-aaral)
Pagbasa ng kuwento �(Landas sa Pagbasa pahina 134)
Pagtatalakay
Pangkatang gawain
1 - Iguhit ang mga kagamitang nagsasalita, nag-uusap sa kuwento.
2 – Bigyan ng buhay ang mga tauhan sa kuwento
3 – Igawa ng balangkas ang kuwento at itala ang pagkakasunod-sunod nang pangyayari
4 – Dugtungan ang kuwento at isadula.
Paglalapat
Panuto: Basahin ang bawat kalagayan at piliin sa ibaba nito ang maaaring mangyari. Bilugan ang titik ng sagot.
1.Kapag ang tao’y mahilig sa pagbabasa
a. masisiraan siya ng bait
b. mahina siya sa pag-unawa
c. hindi siya mahusay sa pagsusulat
d. may malawak siyang kabatiran
a.hindi na dapat turuan ng guro
b.ang guro ay masisiyahan
c.hindi na nangangailangan ng tulong
d.maaari nang hindi pumasok sa klase
a. walang malalagpak na mag-aaral
b. maiinis ang mga bata sa kaniya
c. maraming matutuhan ang mga bata
d. wala na siyang panahong magpahinga
a. marami ang kanyang magiging kaibigan
b. maraming maiinggit sa kanya
c. lalayo ang kanyang mga kaibigan
d. iisipin nila na siya’y mayabang
a. madali silang mapapagod sa paggawa
b. mag-aaway-away sila sa kayamanan
c. ang mga tamad ay magiging masipag din
d. ang bayan nila ay magiging mariwasa
Paglalahat
Pagbibigay Hinuha sa Pangyayari
Makapagbibigay ng hinuha ang isang mambabasa sa paggamit ng dati niyang kaalaman at sa mga pahayag o nangyari sa pangungusap. Makatutulong nang mabuti kung magiging mapanuri siya.
Pagtataya��Panuto: Basahin ang bawat talataan. Ibigay ang maaaring kalabasan ng mga pangyayari.�Bilugan ang titik ng napiling sagot.�
Matalinong bata si Raul. Siya ang nangunguna sa klase subalit ang hindi niya matutuhan ay ang dumating sa takdang-oras. Isang araw, mayroon silang pagsusulit sa paaralan. Nag-aral siyang mabuti. Kinabukasan, tinanghali siya ng gising kaya nahuli sa pagpasok. Nang umuwi si Raul matapos ang pagsusulit, mukha siyang malungkot na malungkot.
Ano sa palagay ninyo ang nangyari?
Maaaring sumakit ang ulo ni Raul
Maaaring may nawala si Raul
Maaaring pinagalitan ng guro si Raul
Maaaring hindi natapos ni Raul ang pagsusulit
Iniwan ni Aling Puring na nag-iisa sa bahay ang kanyang bunsong anak. Naisipan ng batang maglaro ng lutu-lutuan. Kinuha niya ang posporo at sinindihan ang kanilang kalan. Biglang sumiklab ang apoy.
Ano ang maaaring mangyari?
Nasunog ang bahay nina Aling Puring.
Nakapaglaro ng lutu-lutuan ang bata.
Umiyak ang bunsong anak ni Aling Puring.
May mga bisitang dumating sa kanilang bahay.
Isang araw, naisipang ayusin ni Flora ang kanilang altar. Hinugasan niya ang plorerang mahal na mahal ng kanyang ina, pinunasan at nilagyan ng magagandang bulaklak. Ilalagay na lamang niya ito sa altar nang dumating ang rumaragasang pusang hinahabol ng aso. Lumundag ang pusa sa kamay niyang may hawak na plorera. Nabitawan niya at nabasag ang plorera.
Ano kaya ang gagawin ni Flora?
Magwawalang bahala
Itatapon ang plorera
Magsasabi ng totoo sa kanyang ina
Ilalagay sa altar ang basag na plorera.
Kaisa-isang anak ni Aling Perla si Ramil. Si Ramil ay laging malungkot, masakitin at mahinang kumain. Isang araw, pinayuhan ni Aling Perla ng kanyang kaibigan na pabayaan niyang maglaro ang anak sa labas ng bahay upang makalanghap ng sariwang hangin at mainitan ng araw. Pinakain din siya ng mga gulay at bungang-kahoy at pinainom ng sariwang gatas.
Sa palagay ninyo, pagkatapos mapagpayuhan ng isang kaibigan ang kanyang ina, ano ang mangyayari kay Ramil?
Siya ay lalong pumayat.
Siya’y nagging masaya at malusog.
Lalo siyang naging masakitin.
Lalo siyang ikinulong ng ina.
Malakas ang buhos ng ulan. Baha na sa mga daan. Inggit na inggit si Roberto sa mga batang nagtatampisaw subalit kagagaling lamang niya sa sakit. Dumaan ang kanyang mga kaibigan at niyaya siyang maligo sa ulan.
Ano kaya ang ginawa ni Roberto?
Hindi sumama si Roberto sa mga kaibigan.
Sumama siya agad sa mga kaibigan.
Nagalit si Roberto sa mga kaibigan.
Nagtutulug-tulugan na lamang si Roberto.
Takdang-aralin
Ibigay ang kalalabasan
Naiwanan ng nanay mo sa mesa ang pitaka. Siya”y nasa palengke namimili.
Umuulan ng malakas ng tatlong araw.
Nagtatae at nagsusuka ang 5 taong gulang na sanggol.
Ang baboyan sa isang lugar sa Bulacan ay nadapuan ng Ebola reston virus.
Palaging lumiliban sa klase ang isang estudyante.