Pagsusuri
ng
Makataong Kilos
Tukuyin Mo
Sabihin kung ang mga sumusunod na kilos ay:
“kilos ng tao”
o
“makataong kilos”
kilos ng tao
o
makataong kilos
kilos ng tao
o
makataong kilos
2. Paghuhugas ng plato na pinagkainan
kilos ng tao
o
makataong kilos
3. Pakikipagtsismisan
kilos ng tao
o
makataong kilos
4. Paghikab
kilos ng tao
o
makataong kilos
5. Paghinga
Kilos ng Tao
at
Makataong Kilos
Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas (natural) sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspeto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito.
KIlos ng tao
(ACT OF MAN)
Ito naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable.
MAKATAONG kilos
(HUMAN ACT)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Sagutin ang mga ito sa iyong kwaderno.
Sitwasyon 1
Sinabihan si Ryan ng kaniyang guro na siya ang mamumuno sa kanilang grupo sa paggawa ng isang video ad para sa kanilang klase. Lingid sa kaniyang kaalaman na may iba na palang napili ang kaniyang guro na gumawa ng nasabing video ad. Napahiya si Ryan sa kaniyang mga kaklase at kagrupo. Dapat bang magalit si Ryan sa kaniyang guro dahil pinahiya siya nito?
Bakit? Ipaliwanag.
Sitwasyon 2
Nakita at nabasa ni Jovanie ang isang pamamahiyang post ng isang kaklase patungkol sa isa pang kaklase sa social media. Dahil sa takot na baka madamay sya, hindi niya ito isinumbong sa kinauukulan. Mapapanagot ba si Jovanie sa kaniyang pananahimik?
Bakit? Ipaliwanag.
Sitwasyon 3
Nagbilin kay Normina ang kaniyang ina na sabihan ang kaniyang ate na magluto ng tanghalian. Biglaang nagyaya ang mga kaibigan niya na mag-ML (Mobile Legends) sila kung kaya nakalimutan niyang sabihan ang kaniyang ate. May pananagutan ba si Normina sa maaaring kahinatnan dahil hindi nito nasabi ang ipinagbilin sa kaniya? Ipaliwanag.
B. Ang makataong kilos (human act) ay maaring maging kilos ng tao (act of man).
ALIN ANG TAMA?
TATLONG URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN
(ACCOUNTABILITY)
KUSANG-LOOB
tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan
ARISTOTELES
DI KUSANG-LOOB
WALANG KUSANG-LOOB
Halimbawa: Niyaya ka ng iyong kaklase na umalis ng bahay at gumala. Alam mo na bawal lumabas ng bahay ang mga batang may edad 14 gulang pababa. Sumama ka pa rin kahit na batid mo na bawal lumabas ang mga katulad mo. Nahuli kayo ng mga kawani ng barangay.
Halimbawa: Noong ikaw ay niyaya ng iyong kaklase na umalis ng bahay at gumala, tinanggihan mo siya dahil alam mong bawal lumabas ng bahay. Ngunit sabi niya kapag hindi ka sumama ay puputulin na niya ang inyong pagkakaibigan. Kaya sa huli ay sumama ka pa rin sa kaniya.
Halimbawa: Ang iyong kapatid na limang (5) taong gulang pa lamang ay sinundo ng iyong tiyahin sa inyong bahay para isama niya sa pamamalengke. Mahigpit na ipinagbabawal na lumabas sa ngayon ang mga batang may edad na 14 pababa. Ang bata ay walang magiging pananagutan dahil wala naman siyang kaalaman patungkol sa batas at panuntunan sa kasalukuyan.
Paglalayon
Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin
Pagpili ng pinakamalapit na paraan
Pagsasakilos ng paraan
Proseso ng Pagkilos ayon kay Aristoteles
PAGLALAYON
Kasama ba sa ninanais ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Nasa sa kaniya ang kapanagutan ng kilos kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos.
Halimbawa. Gusto mong gumanti sa nakaaway mong kaklase. Naisip mong patirin siya pagbaba niya sa hagdan. Ngunit naisip mo, paano kung mahulog at mabagok ang kaniyang ulo? Pero dahil gusto mong gumanti, itinuloy mo ang iyong plano. Nagpapakita ito na may paglalayon. (Huwag na huwag mo itong gagawin sapagkat mali ito.)
PAG-IISIP NG PARAAN NA MAKARATING SA LAYUNIN
Ang pamamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran.
Halimbawa. Gusto mong magpabili ng bagong cellphone sa iyong tatay. Naisip mo na para maibili ka ay magpapakabait ka at gagawin mo ang mga gawaing bahay at mga iniuutos niya
PAGPILI NG PINAKAMALAPIT NA PARAAN
Sa puntong ito, itatanong mo: Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito? Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip? Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba?
Halimbawa. Gusto mong makakuha ng mataas na marka ngayong taong panuruan. Sa halip na pag-aralan at gawin ang mga gawaing pagkatuto nang mag-isa upang mas matuto, ay pinagawa mo ang mga ito sa iba (sa iyong tutor).
PAGSASAKILOS NG PARAAN
Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamamaraan ay ang paglalapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos.
Halimbawa. Kung ating ipagpapatuloy ang naunang halimbawa, sa kagustuhan mong makakuha ng mataas na marka ay itinuloy mo ang pagpapasagot ng iyong mga modyul sa iyong tutor kahit na alam mong ito ay pandaraya at hindi mabuti..
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Ipaliwanag ang iyong gagawin kung maharap ka sa mga sitwasyon na nakatala sa ibaba. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.