Health 2
Quarter 2 Week 1-4
Mga Pandama
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matutukoy, mailalarawan at maibibigay mo ang mga paraan kung paano mapangalagaan ang mata, tainga, ilong, buhok at balat upang
maiwasan ang pagkakaroon
ng mga karaniwang sakit o
karamdaman.
Layunin:
Paningin. Dalawa ang mata natin. Ginagamit natin ito upang Makita ang mga bagay-bagay. Nakikita natin ang magagandang tanawin, mga
kaibigan at mga mahal natin sa
buhay. Nagagawa natin ang
mga dapat nating gawin gamit
ang ating paningin.
Ang Mata
Pang-amoy. Isa lámang ang ating ilong at may dalawang butas ito. Ginagamit natin ito bílang pang-amoy. May pagkakataon na kahit hindi natin nakikita ay nasasabi natin ito dahil sa amoy nito. Halimbawa
nito ang masarap na ulam, nasasabi
natin ang ulam ng kapit-bahay sa pamamagitan ng amoy lámang.
Ang Ilong
Pandama. Kutis ay makinis kung aalagaan. Ginagamit ang balat upang makadama ng init o lamig sa paligid.
Ang Balat
Pandinig. Dalawa ang tainga natin. Ginagamit natin ito bílang pandinig. Naririnig natin ang mga tunog o awit gamit ang
tainga natin.
Ang Tainga
Panlasa. Ang dila ay isang uri ng pandama na tumutulong upang malasahan natin ang ating pagkain.
Ang Dila
Ang mga bahaging ito ng ating katawan ay ang pangunahing ginagamit upang makita, maamoy, maramdaman, marinig at malasahan ang mga bagay-bagay sa paligid natin.
Pangangalaga ng Mata
Mga Paraan ng Pangangalaga ng ating Pandama
Kumain ng masustsiyang pagkain. Huwag direktang tumingin sa araw upang hindi masilaw. Punasan
ang mga mata nang malinis na
panyo.
Manood nang malayo mula sa telebisyon. Magbasa ng may sapat na liwanag. Ipahinga ang mata kapag ito ay pagod na.
Ang malinis na ilong ay makakatulong upang táyo ay maging malusog. Panatilihing malinis ang ilong. Amuyin ang mababango, iwasan ang mababaho. Suminga nang dahan-dahan.
Pangangalaga ng Ilong
Upang maging makinis ang balat ugaliin na maligo araw-araw. Magpalit ng malinis na damit upang hindi makaramdam ng pangangati ng balat. Ugaliing maging malinis sa tuwina.
Pangangalaga ng Balat
Mahalagang pangalagaan mo ang iyong tainga. Gumamit ng malinis na tela o panyo sa paglilinis nito. Huwag gumamit ng matulis na bagay na ipanglilinis dito.
Pangangalaga ng Tainga
Mapapanatili natin ang maayos at malusog na dila sa pamamagitan ng pa-lagiang pagmumumog at pagsisipilyo.
Pangangalaga ng Dila
Ang sobrang init at sobrang lamig na pagkain at inumin ay maaaring makaapekto sa dila. Iwasan din ang paglagay ng matulis,
matalas at matigas na
bagay sa bibig.
Paglabo ng mata, pagkaduling at pagkabulag ang karaniwang sakit ng mga batà sa mata kung ito ay hindi mapangangalagaan. Ang sobrang pagbabad ng ating mata sa TV, cellphone o anumang gadgets ay nakakalabo nito.
Iláng Sakit na Dulot sa Ating mga Pandama
Kung hindi mo aalagaan at iingatan ang iyong ilong ay maaaring mawala ang pang-amoy mo. Ang pagkakaroon ng sipon ay ilan sa mga nagiging sakit sa ilong at ang pagkasugat sa paligid nito kung mali paglilinis mo sa ilong.
Maaaring magkaroon ng karamdaman ang ating dila kung hindi ito aalagaan. Ilan sa mga posibleng sakit ng dila ay pamamaga o glossitis, butlig sa dila o singaw, at panunuyó ng dila.
Tainga ang isa sa mahalagang
bahagi ng ating pandama. Kung hindi mo ito maiingatan ay magkaroon ka ng otitis media kung saan ang sipon
na lalabas sa iyong ilong ay lalabas sa tainga.
Ang pagiging pabaya sa balat ay nagkakameron ng scabies o sugat na maliliit na nagdudulot ng sobrang kati, nakakapangit ito ng kutis at sa malalang pagkakaton ikaw ay magkakasakit tulad ng lagnat kung ito ay magiging malala
Ihugit ang mukha ng tao at tukuyin ang mga pandama. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
Iguhit ang mata, ilong, buhok, balat at tainga kung ito ang tinutukoy sa pangungusap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
1. Ginagamit mo ito upang makaamoy ng masarap na pagkain at mga pabango.
2. Sa pamamagitan nito ay nakikita mo ang ganda ng iyong paligid.
3. Nakikinig natin ang iba’t ibang tunog na nása paligid natin mahinang tunog man o malakas na tunog
4. Nararamdaman mo ang init at lamig sa iyong kapaligiran.
5. Nalalasahan mo ang iyong pagkain at inumin.
Pagtambalin ang dulot na sakit sa mga pandama na nása Hanay A at mga maaaring maging sakit o karamdaman nito sa Hanay B.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
_____1. mata
_____2. ilong
_____3. tainga
_____4. balat
_____5. dila
Hanay A
Hanay B
A. scabies
B. otitis media
C. sipon
E. paglabo ng paningin
F. glossitis
Isulat sa iyong kuwaderno ang T kung tama ang pag-aalaga sa pandama sa pangungusap sa ibaba at M kung
mali ang pangangalaga dito.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
__________1. pagbabasa ng aklat nang may tamang liwanag
__________2. paglinis ang tainga gamit ang matigas na bagay
__________3. malakas na pagsinga
__________4. pagligo araw-araw at paggamit ng malinis na tubig at sabon
__________5. tamad magsipilyo
Tukuyin ang pandama o karamdaman nito na inilalarawan o binibigyang-linaw sa mga aytem. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
1. Nagsusuot táyo ng malinis na damit at naliligo araw-araw gamit ang sabon at malinis na tubig upang mapanatiling makinis ang ______________.
A. mata C. buhok
B. ilong D. balat
2. . Ang pagsisipilyo at pagmumog ay makakatulong sa ating _________________.
A. mata C. buhok
B. dila D. balat
3. Ito ay sakit na nagdudulot sa ating balat kung hindi tayo magiging malinis.
A. otitis media C. sipon
B. scabies D. paglabo ng paningin
4. Ito ang gamit natin sa pakikinig ng magandang musika sa ating paligid.
A. mata C. tainga
B. ilong D. balat
5. Gumamit ng malinis na damit o panyo sa paglilinis nito upang makaamoy ng mabango at mabaho.
A. mata C. tainga
B. ilong D. balat
Lagyan ng tsek ang kolum batay sa dalas ng iyong pagsasagawa ng mga angkop na pamamaraan sa pangangalaga ng mga pandama.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
Pangangalaga ng Mata | Palagi | Minsan | Hindi |
1. Kumakain ako ng masustsiyang pagkain. | | | |
2. Hindi ko direktang tumitingin sa araw upang hindi masilaw. | | | |
3. Pinupunasan ko ang mga mata nang malinis na panyo. | | | |
Pangangalaga ng Mata | Palagi | Minsan | Hindi |
4. Nagbabasa ako nang may sapat na liwanag. | | | |
5. Ipinapahinga ko ang aking mata kapag ito ay pagod na. | | | |
Pangangalaga ng Ilong | Palagi | Minsan | Hindi |
1. Pinapanatili kong malinis ang ilong. | | | |
2. Inaamoy ko ang mga mababango. | | | |
3. Iniiwasan ko ang mababaho. | | | |
4. Sumisinga ako nang dahan-dahan. | | | |
Pangangalaga ng Balat | Palagi | Minsan | Hindi |
1. Ako ay naliligo araw-araw. | | | |
2. Nagpapalit ako ng malinis na damit upang hindi makaramdam ng pangangati ng balat. | | | |
3. Pinapanatili kong maging malinis ang aking katawan. | | | |
Pangangalaga ng Tainga | Palagi | Minsan | Hindi |
1. Gumagamit ako ng malinis na tela o panyo sa paglilinis ng tainga. | | | |
2. Hindi ako gumagamit ng matulis na bagay na ipanglilinis dito. | | | |
3. Hindi ako nakikinig ng malalakas ng tunog o awit. | | | |
Pangangalaga ng Dila | Palagi | Minsan | Hindi |
1. Palagiang pagmumumog at pagsisipilyo. | | | |
2. Pag iwas sa sobrang init at sobrang lamig na pagkain at inumin. | | | |
3. Pag-iwas sa paglagay ng matulis, matalas at matigas na bagay sa bibig. | | | |
Punan ang talahanayan sa ibaba tungkol mga naranasan mong karamdaman sa pandama. Gawin ito sa tulong ng iyong mga nakatatandang kapatid, magulang o tagapangalaga.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
Pandama | Mga Karamdaman | Inilapat na Lunas | Resulta |
Mata | | | |
Ilong | | | |
Balat | | | |
Tainga | | | |
Dila | | | |
Punan ang patlang ng wastong salita/konsepto upang mabuo ang diwa ng mga talata tungkol sa aralin.
Ang mga ang aking gamit upang ___________________ ang paligid at ang taglay nitong ganda. Upang __________________ ang paligid, gamit ko naman ang aking
maamoy makita balat marinig alagaan malasahan
Nararamdaman ko ang panahon sa pamamagitan ng aking _________________.
ang aking gamit upang ________________ ang mga tunog tulad ng huni ng mga hayop.
maamoy makita balat marinig alagaan malasahan
Mahalagang ___________________ natin ito sa tamang pamamaraan. Dahil dito, makakaiwas táyo sa mga sakit.
maamoy makita balat marinig alagaan malasahan