IBONG ADARNA
KATANGIAN AT ELEMENTO
Ayon sa nabasa natin sa panimula ng yunit na ito, ang Ibong Adarna ay ang pinakatanyag na korido sa ating bansa ngunit sa papaanong paraan ba natin mauuri ito bilang korido?
Halina’t suriin natin ang akda ayon sa sumusunod na element at katangian:
Anyo
Ang akda ay binubuo ng apat na taludtod at kung bibilangin ang pantig sa bawat taludtod, ito ay mayroong wawaluhing pantig.
Musika
Isinulat ang Ibong Adarna upang tulain o awitin.
Maaari itong lapatan ng musika. Ang himig sa
pagbigkas o pag-awit nito ay mabilis o allegro.
Paksa
Kuwento ito ng pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe upang hanapin ang Ibong Adarna gayundin ito ay nagtataglay ng kuwento ng pag-ibig kung saan si Don Juan ay nagkaroon ng ugnayan sa mga kababaihan at nahanap ang tunay na pag-ibig sa piling ni Maria Blanca.
Katangian ng mga Tauhan
Nagtataglay ito ng mga tauhan na may kakaibang kapangyarihan at mga tagpuan na malayo sa katotohanan. Ilan sa mga ito ay ang kapangyarihan ng Ibong Adarna na magpagaling ng karamdaman sa pamamagitan ng pag-awit nito at ang pagiging bato ng taong malagyan ng ipot nito.
Katangian ng mga Tauhan
Ang kaharian na matatagpuan sa ilalim
ng balon at mga prinsesang binabantayan ng
mga kagila-gilalas na nilalang tulad ng higante at serpiyente. Marami pang iba bukod sa mga ito na mismong nagpapatakbo sa daloy ng kuwento.
Impluwensya ng relihiyong Katolisismo
Sinimulan sa unang bahagi ang panawagan sa
Birheng Ina na gabayan ang pagsasalaysay ng
kuwento ng Ibong Adarna. Karamihan sa mga
pangalan ay mga pangalang makukuha mula sa
mga Kristiyano o may katulad sa mga kuwentong Biblikal tulad ng Maria Juana, Leonora, Pedro, Juan, at Tabor.
Ang pagkakakasal sa mga tauhan
ay seremonyang pangkasal ng mga Kristiyano at maging ang ginawang pagdarasal ng ibang tauhan sa kuwento ay halimbawa ng Kristiyanong
impluwensiya sa korido.
Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang bidyo.
Pindutin ang link:
https://www.youtube.com/watch?v=EOxoxnDwCtg
SANGGUNIAN
Alip, Eufronio M. The Ibong Adarna: A Filipino Metrical Romance.
Dayag, Alma M. 2017. Pinagyamang Pluma 7. Unang Edisyon. Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.
Eugenio, Damiana L. 1965. Awit at Korido: A Study of the Fifty Philippine Metrical Romances in Relation to Their Sources and Analogues. Los Angeles: University of California. "Ibong Adarna." 1994.
CCP Encyclopedia of Philippine Art. Manila: Cultural Center of the Philippines.