1 of 34

2 of 34

3 of 34

1 + 1 = 3

4 of 34

5 of 34

6 of 34

7 of 34

8 of 34

9 of 34

Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay.

Ang misyon ng katotohanan

10 of 34

Ang sinumang sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.

Ang misyon ng katotohanan

11 of 34

Sambajon Jr. et.al (2011)

Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan

12 of 34

Tatlong uri ng kasinungalingan

Jocose lies

Officious

lie

Pernicious

lie

13 of 34

isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling.

JOCOSE LIE

14 of 34

tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling ang usapan. Ito ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay nitong mabigat na dahilan.

OFFICIOUS LIE

15 of 34

ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.

PERNICIOUS LIE

16 of 34

Nakatatandang kapatid ni Judy si Abby. Alam niya na ang kaniyang ate Abby ang inaasahan ng mga magulang na tutulong sa kanila upang makaahon mula sa kahirapan ang pamilya. Kaya ginawa ng mga magulang ang lahat para lamang matustusan ang kaniyang pag-aaral lalo pa’t isang taon na lamang at magtatapos na ang kaniyang Ate sa kursong Engineering. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang, napabayaan ni Abby ang kaniyang pag-aaral dahil sa pagsama sa mga maling kaibigan.

17 of 34

Hindi masabi-sabi ni Abby sa kaniyang mga magulang na hindi siya kasali sa mga magtatapos dahil bagsak ang kaniyang grado sa dalawang subjects at dahil na rin sa takot na baka masaktan siya ng kaniyang ama. Tanging si Judy lamang ang nakakaalam sa lahat ng nangyayari pero sinabihan siya ng kaniyang Ate na huwag magsasalita lalong-lalo na sa mga magulang. Dahil na rin sa pagmamahal ni Judy sa kaniyang ate Abby napagpasiyahan niyang manahimik na lamang.

18 of 34

Complete Me!

Panuto: Piliin ang mga salita sa nasa loob ng kahon at punan ang bawat patlang ng tamang salita upang mabuo ang tunay na kahalagahan ng katotohanan.

19 of 34

katotohanan pananampalataya ilaw sumusunod kaalaman buhay tao

nagkakamit kaligtasan kaluwagan

Ang 1. ___________________________ ay nagsisilbing

2. _______________ ng 3.________________ sa paghahanap ng 4.________________ at layunin niya sa 5._______________________. Ang sinumang

6. ______________________ dito ay 7. ______________________ ng 8._________________________ sa buhay na may kalakip na

9. _____________________, katiwasayan at 10.______________________ .

20 of 34

21 of 34

22 of 34

Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang pahintulot ng taong may-alam dito.

23 of 34

Ang sumusunod ay mga lihim na hindi basta-basta maaaring ihayag:

Natural secrets

Promised secrets

Committed or entrusted secrets

    • Hayag
    • Di-hayag

24 of 34

Natural secrets

ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral. Ang mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa. Ang bigat ng ginawang kamalian (guilt) ay nakasalalay kung ano ang bigat ng kapabayaang ginawa.

25 of 34

Promised secrets

ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag na.

26 of 34

Committed or entrusted secrets

naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag.

27 of 34

Committed or entrusted secrets

Ang mga kasunduan upang ito ay mailihim ay maaaring:

    • Hayag. Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat.
    • Di hayag. Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o institusyon. Madalas ito ay pang propesyonal at opisyal na usapin.

28 of 34

Sa prinsipyo ng Confidentiality, ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa katotohanan.

PRINSIPYO NG CONFIDENTIALITY

29 of 34

Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya.

Plagiarism

30 of 34

Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infri-ngement) ay naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987.

Intellectual piracy

31 of 34

Whistleblowing

Ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon

32 of 34

Ang mga sumusunod ay nagpapahiwatig ng katotohanan:

  • Ang katotohanan ay tumutukoy sa mga bagay at pangyayari na may patunay.
  • Ang katotohanan ay tanggap sa lahat ng lugar at hindi nagbabago ang katotohanan nito.
  • Ito ay sumasalamin sa prinsipyo ng katumpakan at katiyakan

33 of 34

DAPAT

o

HINDI DAPAT

34 of 34

Malaki ang utang na loob ni Rudy sa kaniyang Ate Cecil na isang Head Nurse sa malaking ospital sa Maynila. Dahil sa paghanga rito, kumuha rin siya ng kursong Nursing. Nang siya ay nakatapos, tinulungan siya ng kaniyang ate na makapasok at mapabilang sa ospital na pinapasukan nito. Lalo siyang nagkaroon ng mataas na pagtingin at respeto sa kaniyang kapatid dahil sa laki ng naitulong nito sa kaniya. Nagkaroon ng pagkakataon na nagkasama sila sa isang department na pareho ang shift. Sa mga pang-araw-araw na routine sa ospital, napapansin niya na sa kanilang pag-uwi ay laging may uwing bag ng mga gamot ang kaniyang ate. Lingid sa kaalaman niya, matagal na palang ginagawa ito ni Cecil mula pa noong siya ay nag-aaral pa lamang. Ibinebenta ito ni Cecil sa isang maliit na pharmacy malapit sa pamilihan sa kanilang lungsod. Dumating ang pagkakataon at nalaman niya ang maling gawaing ito ng kaniyang ate. Nang minsan silang nagharap tungkol sa isyung ito, umamin si Cecil sa kaniya na totoong nagpupuslit ito ng mga gamot at ito rin ang naging daan at paraan upang makatapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo.

Dapat bang isiwalat ni Rudy ang maling gawain ng kaniyang kapatid?

Tanong:

a. Makatuwiran ba ang sitwasyon sa itaas? Tama ba ang ipinahayag na dahilan ni Cecil sa kanyang kapatid?

b. May posibilidad bang gawin mo rin ito? Bakit?