EsP 6
QUARTER 3 WEEK 4
DAY 1
Magbuo ng limang pangkat sa klase
d. Ipaskil sa pisara ang nabuong puzzle
Mag-uulat ang lider ng kanilang nabuong puzzle
EsP 6
QUARTER 3 WEEK 4
DAY 2
Isahang Gawain
Suriin ang larawan na ipapakita ng guro. Basahin ang mga impormasyong nakasulat sa larawan.
Isulat ang katangian ng nasa larawan ayon sa impormasyong nabasa?
Bago nanalo si Bb. Pia Wurtsbach ng Ms. Universe noong 2015, maraming beses siyang sumali sa mga pageant at siya ay tatlong beses na natalo. (matatag, matapang, determinado, matiyaga). Ipaliwanag.
______________________________________________
Si Dolphy ang tinawag na Hari ng Komedya at siya ay nakilala dahil sa kaniyang malaking kontribusyon sa sining at teatro. (matapang, determinado, masipag, produktibo). Ipaliwanag.
_________________________________________________
Pinahusay ni Manny Pacquiao ang kaniyang sarili sa boksing upang matulungan niya ang kaniyang pamilya at ipagmalaki ang Pilipinas (makabansa, matapang, matatag, determinado). Ipaliwanag.
____________________________________________
Iminulat ni Dr. Jose Rizal ang kamalayan ng mga Pilipino mula sa pang-aalipin mga kastila sa pamamagitan ng papel at panulat (makabansa, matapang, makabayan, determinado). Ipaliwanag.
________________________________________________
Pangkatang Gawain:
Pangkat I
Anong imbensyon ang gusto mong likhain upang makatulong sa kasalukuyang problema ng bansa? Iguhit mo.
Pangkat II Anong talento ang nais mong maipakita upang makilala ang ating bansa sa buong mundo? (maaring sayaw, awit o kahalintulad na larawan)
Pangkat III Gumawa ng panalangin para sa mga Pilipinong matagumpay at tumulong sa ating bayan.
Pangkat IV- Kung bibigyan ka ng pagkakataong makausap ang presidente anong proyekto ang nais mong isulong upang makatulong sa ating bayan? Ipakita sa pamamagitan ng role play.
Pangkat V
Ano ang gusto mong maging sa hinaharap. Iguhit mo.
Magkaroon ng talakayan tungkol presentasyong ipinakita ng bawat pangkat.
Ang pag-abot sa pangarap ay hindi imposible kung sasamahan ito ng sipag, tiyaga at pagtitiwala sa sariling kakayahan upang maging produktibo
EsP 6
QUARTER 3 WEEK 4
DAY 3
Balik-aral sa nakaraang talakayan.
Mga tanong.
Gamitin ang mga sumusunod na tanong bilang gabay upang makabuo ng talata:
Tandaan Natin:
Bigyang halaga ang mga Pilipinong nagbibigay ng karangalan sa ating bansa, tularan natin ang kanilang kasipagan at pagsasakripisyo upang maging matagumpay din tayo pagdating ng panahon
“Maraming Pilipino ang naging matagumpay dahil sa kanilang kasipagan at pagiging produktibo. Sila ang nagbibigay inspirasyon upang matularan natin ang kanilang mga halimbawa.”
Pangwakas na Gawain
Pag-isipan kung sino ang nais mong tularan, paghandaan ito upang maipakita bukas ang talento ng inyong idolo
EsP 6
QUARTER 3 WEEK 4
DAY 4
Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa mga matagumpay na Pilipino?
Mini Festival of Talents
Bumuo ng programa sa gaganaping Mini Festival.
Napaghandaan ba ninyo ang talento ng inyong idolo.
Bigyan ng 25 minuto upang maipakita nila ang kani-kanilang talento.
Kasipagan ang susi upang marating ang tagumpay na inaasam. Maging masipag at huwag mawalan ng pag-asa upang maging produktibo pagdating ng araw
EsP 6
QUARTER 3 WEEK 4
DAY 5
Magbahagi tungkol sa karanasan sa ginanap na Talent Show kahapon.
Ano ang natutuhan sa aralin.
Pusuan Mo!
Lagyan ng puso (♡)ang pahayag kung ito ay karapat-dapat pahalagahan, lagyan ng ekis (×) kung hindi dapat tularan.
______1. Si Nora Aunor ay dating nagtitinda ng tubig sa may riles ng tren, dahil sa kanyang kasipagan at pagtitiyaga siya ay naging matagumpay na Pilipino.
______2. Si Rolando Navarrete ay naging sikat na boksingero ngunit hindi napahalagahan ang kanyang tagumpay siya ay nalulong sa masamang bisyo at tuluyang napariwara ang kanyang buhay.
______3. Si Baron Geisler ay laging nasasangkot sa kaguluhan kaya tuluyang bumagsak ang kanyang career.
______4. Hindi sumuko sa hirap ng buhay si Jericho Rosales, nagsipag siya at nagsikap kung kayat patuloy na umaangat ang kanyang buhay at produktibong Pilipino.
______5. Malaki ang naiambag ni Ninoy Aquino sa kalayaan ng Pilipinas, ibinuwis niya ang kanyang buhay upang maipaglaban niya ang kanyang prinsipyo at ipagtanggol ang kalayaan ng bansa mula sa diktaduryang pamamahala.
Sa pagtulad sa mga matagumpay na Pilipino ay nagbibigay inspirasyon upang paniwalaan nating walang impossible. Kung may sipag at tiyaga ang ating pangarap ay tiyak na makakamit. Kung kaya nila kayang kaya n’yo rin