Q4 Arts
Week 1
Day 1
ELEMENTO NG DISENYO
LAYUNIN
Natutukoy at naiisa-isa ang mga kagamitan sa paglikha ng 3 dimensyonal craft na paper beadsA5EL-IVa
Energizer
Panimulang Gawain:
Tingnan ang mga sumusunod na larawan
Ano ang tawag ninyo
sa mga larawan?
Alam ba ninyo na maaari din kayong makagawa ng mga palamuti sa katawan na mula sa papel?
Pagganyak
Ipakita ang mga sumusunod na larawan.
1.Ano ang nasa larawan?
2.Ano ang pangalan ng likhang –sining na ito?
3.Ano-ano ang mga kagamitan ginamit sa paglikha nito?
Paglalahad
Ang paggawa ng paper bead ay isang gawaing nakakalibang na maaring pagkakitaan kung gagamitan ng kaalaman sa paglikha ng mga palamuti. Ito ay nagmula pa sa bansang Inglatera na kung saan ang mga kababaihan ay matiyagang nagbibilot ng maliliit na papel upang makulayan at matuhog para gawing palamuti sa katawan gayundin upang maging palamuti sa bahay tulad kurtinang gawa sa tinuhog na beads.
Nangangailangan ng masusing at matiyagang pagbibilot o pagrorolyo ng maliliit na papel upang makalikha ng beads na kukulayan ng pintura at didisenyuhan base sa nais.
Maaaring tuhugin at gawing pulseras, kwintas, palawit sa hikaw at iba pang palamuti sa katawan at bahay ang nagawang tinuhog na beads.
Mga kagamitan sa paggawa ng paper beads
1.Papel – magasin , art paper at coloured ay maaaring gamitin
2.Lapis- para sa pagguhit sa korte ng papel
3.Ruler- para sa pagsusukat
4.Gunting- para sa paggupit ng mga papel
5.Mainipis na kahoy na dowel/Banana que Stick- para sa pagrorolyo ng papel/
6.Malambot na brush ng pinta-para sa pag-aaplay ng glu sa papel
7.Glue/ pandikit- para sa pagdidikit ng mga paper beads
8.Nail polish (Colorless)
9.Oasis florist block-para sa seguridad ng beads.
Pamamaraan sa Paggawa ng Paper Beads
3. Gupitin ang mga naiguhit na hugis gamit ang gunting.
4. Irolyo ang nagupit na papel sa banana que stick,lagyan ng glue ang papel.
5. Kapag nairolyo na lagyan ng nail polish upang kumintab.
6. Patuyuin.
7. Kapag tuyo na ang mga nirolyong papel,Isa-isa na itong isuot sa string.
8. Maaari na kayong gumawa ng palamuti na nais ninyo.
Pangwakas na Gawain
Paglalahat
Ang paggawa ng paper beads ay isa sa mga kapakipakinabang hindi lamang ito nakadaragdag ng palamuti ito rin ay pwedeng pagkakitaan.
Ang Paper Beads ay isang gawang sining na nagmula sa bansang Inglatera na ginagawang libangan ng mga kababaihan kung saan ang mga paper beads ay tinutuhog upang gawing palamuti o kurtina na inilalagay sa mga bintana.
Repleksyon
Paano mo mabibigyang halaga ang mga kagamitan na makikita sa iyong kapaligiran na maaari naman gamitin sa paggawa ng paper beads?
Isa-isahin ang mga kagamitan sa paggawa ng paper beads
Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.
A
Punan ang patlang ng wastong sagot.
1.Ang __________ay ginagamit upang mairolyo ng maayos ang papel.
2.Ang __________ay para sa pag-aaplay ng glue sa papel.
3. Ginagamit ang _______sa pagsusukat
4. Ang barnis ay ay para magkaroon ng _____at upang maiwasan ang pagkapit ng dumi.
5. Ang malambot na Brush ng pinta ay ginagamit para sa pagpapahid ng ______.
Takdang-aralin