Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Modyul 6: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Mga Layunin
Kaalaman: Nakapagsusuri ng mga palatandaan na nagpapakita ng kasipagan.
Saykomotor: Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang Itinakdang gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi.
Apektiv: Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag at mayroong pagpupunyagi.
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
1. Mula sa saknong ng isang tula, ”Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila rin walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.”
A. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
B. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
D. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
2. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
A. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
B. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapuwa, at lipunan.
D. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, at disiplina.
3. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
A. Hindi umiiwas sa anumang gawain
B. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal
C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
D. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
4. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa anumang gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
A. Si Marife ay hindi ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay. Siya ay gumagawa nang mayroong pagkukusa.
B. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
C. Masipag mag-aaral sa Hans; sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras dito nang buong husay.
D. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksiyon dito.
5. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.
A. Kasipagan
C. Pagsisikap
B. Katatagan
D. Pagpupunyagi
6. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbibigay sa iba.
A. Pag-iimpok
C. Pagtulong Subukin
B. Pagtitipid
D. Pagkakawanggawa
7. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang ng pagtitipid?
A. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento
B. Maging mapagbigay at matutong tumulong
C. Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
D. Maging masipag at matutong maging matiyaga
8. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs, tungkol sa pera?
A. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
B. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
C. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
D. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay maging maayos sa hinaharap.
9. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay, Francisco Colayco maliban sa:
A. Para sa pagreretiro
B. Para sa mga hangarin sa buhay
C. Para maging inspirasyon sa buhay
D. Para sa proteksiyon sa buhay
10.Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:
A. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay
C. Ito ay maaring sumira sa ating kinabukasan.
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
Balikan
Panuto:
1. Tingnang mabuti ang mga larawan. Ilagay ang angkop na titik sa loob ng kahon upang mabuo ang mga salita. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno.
a. Ano-ano ang nabuo mong salita mula sa larawan? b. Sa iyong palagay tinatagkay mob a ang mga iyan? Pangatwiran.
c. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa paggawa? Ipaliwanag.
Tuklasin
Panuto:
1. Pag-aralan ang maikling kuwento sa ibaba. Isulat ang iyong mga posibleng sagot sa iyong kuwaderno.
Natapos mo na ang gawaing bahay na nakatalaga sa iyo. Nakita mo ang iyong kapatid na hindi pa natatapos ang pinagawa sa kaniya ng iyong ina sapagkat napakarami niyang modyul sa araw na iyon. Humihingi ng tulong sa iyo ang nakababata mong kapatid na gawin muna kung maaari ang gawaing bahay na nakatalaga sa kaniya. Ikaw naman malapit na ring matapos sa modyul mo sa EsP, Ano kaya ang magiging tugon mo dito?
2. Mga Tanong:
a. Naging mahirap ba para sa iyo ang pagsasagot sa sitwasyon? Pangatuwiran.
b. Bakit mahalaga ang kasipagan, pagpupunyagi, at pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok sa buhay ng tao? Ipaliwanag.
c. Paano ito makakatulong sa tao at sa lipunana na kaniyang kinabibilangan? Ipaliwanag.
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok
Kahit anong bagay at anumang larangan ang ating gagawin kailangan natin ng kasipagan. Kung walang sipag ang isang tao, wala siyang matatapos na gawain. Kung kaya’t kaakibat ng sipag ay tiyaga na kung wala ang mga ito, mahihirapan ang tao na makaahon sa buhay na ito
Layunin ng modyul na ito na mas lalo kang bigyan ng sapat na pagkaunawa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang manggawa. Sa pamamagitan nito, matutulungan ka hindi lamang upang mapaunlad ang iyong sarili kundi upang mapaunlad ang bansa na iyong kinabibilangan at mula rito ay masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:
Bakit mahalaga ang Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala sa Naimpok?
Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. Pagpupunyagi ang mahalagang katangian na makatutulong upang magtagumpay ang isang tao. Kung ikaw ay may ganitong mga katangian ay ipagpatuloy mo lamang sapagkat ito ay magbubunga ng tagumpay. Isang tagumpay na maaaring makapagbigay sa iyo ng masagana at magandang buhay.
Narito ang ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi Nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang Kalalabasan ng kaniyang gawain.
2. Ginagawa ang Gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng Kasipagang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa- ibig sabihin, naroon ang kaniyang malasakit.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawaiin lalo na kung ito ay nakaatang sa kaniya.
Ang Pagpupunyagi ay mahalagang katangiaan na makatulong upang magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng mga balakid at mga problema na kaniyang susuungin ay hindi siya dapat panghinaan ng loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at maging matatag.
Bakit maraming tao na matapos kumita at magkaroon ng maraming pera dahil sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay nabalewala lamang pagdating ng panahon? Tulad na lamang ng ilang mga nagging sikat na personalidad sa industriya na matapos kumita ng malaking pera ay bumalik ang kanilang buhay sa paghihikahos o paghihirap. Ano kaya ang masasabi mo ukol dito? Paano kaya nila ginagamit ang pera na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila?
Walang kinalaman ang liit o laki ng kinikita ng isang tao; ang mahalaga ay kung paano niya ito pinamamahalaan ng tama at wasto.
Pagyamanin
Panuto: Suriin ang mga katangian na dapat mong taglayin bilang isang mag-aaral. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno, gamit ang sumusunod na gabay na tanong:
a. Masipag ka ba? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili?
b. Ano-anong hakbang ang iyong gagawin upang maisabuhay ang Pagpupunyagi at wastong pamamahala sa naimpok?
c. Paano kung ang isang tao ay hindi magtataglay ng ganitong katangian, ano kaya ang mangyayari sa kaniyang buhay?
Isaisip
Panuto: Sumulat ng pagninilay sa kuwaderno sa paksa gabay ang talahanayan sa Ibaba.
Isagawa
Panuto:
1. Gumawa ng Chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-araw at kung ito ay natutupad ng may kasipagan at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang kung paano mo ito isasagawa.
2. Gumawa ng daily log na nagpapakita ng iyong gawain.
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Tama kung sa palagay mo ay makatotohanan ito at isulat naman ang salitang Mali kung hindi ito nagsasabi ng katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Ang kabaligtaran ng kasipagan ay katamaran.
2. Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao.
3. Ang pagpupunyagi ang pumapatay sa isang Gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
4. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa.
5. Ang pagpupunyagi ay mahalagang katangian na makatutulong upang magtagumpay ang isang tao.
Karagdagang Gawain
Panuto:
1. Maghanap ng isang manggawa na nagpapakita ng kasipagan, pagpupunyagi, Pagtitipid, at wastong pamamahala sa naimpok.
2. Kapayamanin sila at ipakuwento ang kanilang mga naging karanasan sa kanilang mga naging karanasan sa kanilang trabaho at paano sila nagging matagumpay. maaring sila ay iyong kapitbahay, magulang, guro, at iba pa.
3. Isulat sa iyong kuwaderno
Thank You !