ESP 2
Quarter 2 Week 7-8
Pagmamalasakit sa Paaralan at Pamayanan
Napag-aralan mo sa nakaraang aralín ang kakayahan mong maibahagi ang iyong gamit, talento o kakayahan o anomang bagay sa iyong kapwa.
Inaasahang matutukoy mo ang mga kilos at gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga kasapi ng iyong paaralan at pamayanan. Bukod rito, inaasahan rin na ikaw mismo ay makapagpapakita ng pagmamalasakit sa mga kasapi ng iyong paaralan at pamayanan sa iba’t ibang paraan.
Layunin:
Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Sila ba ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa paaralan at pamayanan?
Marami nang pangyayari ang dumaan at sumubok sa buhay natin bílang kasapi ng lipunan o pamayanan. Mga pagsubok na sumukat sa kakayanan ng bawat isa na tumulong at makiramay.
Sa panahon ng problema, sakuna o maging sa kinahaharap na pandemya, ay napatunayan natin
na sa puso ng isang mabuting tao
ay laging sumisibol ang salitáng “MALASAKIT sa KAPWA”. Bílang isang mag-aaral, maaari mo rin matukoy at maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa.
Tukuyin kung ang bawat kilos na nasa larawan ay nagpapakita ng malasakit sa kapwa. Lagyan ng tsek(✓) ang larawan na nagpapakita nito. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Sa ano-anong pagkakataon sa paaralan o pamayanan mo kaya magagawa ang pagmamalasakit sa kapwa? Halina’t basahin ang maikling kuwento sa isang tagpo sa paaralan. Basahin at unawaing mabuti.
Ang Proyekto ng Magkakaklase
GDViloria
Isang tagpo sa loob ng klase ni Gng. Claire Valdez. Balitangbalita ang naging pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas. Kumalat ang balitang ito sa buong mundo. Dagsa ang mga túlong mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa mga naging biktima nito.
Sa pag-uusap ng mga batà, biglang tumayo ang pangulo ng klase na si Marvin. “Mga kaklase, alam naman natin ang naganap sa mamamayan malapit sa Taal. Maaari ba nating ipaabot rin ang ating munting túlong para sa kanila?”
Nagtinginan ang magkakaklase at sabay–sabay bumigkas ng, “Sige, tutulong rin kami!”. Masayang masaya si Marvin sa naging tugon ng kaniyang mga kaklase at sila nga ay nagtulungan.
Inumpisahan nila ang pag-iipon ng mga luma ngunit maayos na damit. Ang ilan ay nagdala ng mga de-lata, sabon at kape. Hindi nila namamalayan na marami na pala ang kanilang nakolekta.
Masayang-masaya ang kanilang guro na si Gng. Valdez. “Natutuwa ako sa inyo mga batà sapagkat
sa mura ninyong edad ay buo na ang kahulugan ng salitáng “malasakit” sa inyong mga
puso.
Pagpalain kayo ng Diyos sa inyong kabutihan,” wika ng kanilang guro. Sabay-sabay nagpalakpakan ang mga mag-aaral.
Maluwalhating nakarating ang kanilang mga inipong túlong sa mga naging biktima.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong ságútang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
1. Ano ang pamagat ng maikling kuwento?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
2. Saan naganap ang tagpo sa kuwento?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
3. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
4. Anong balita o pangyayari ang naganap sa Batangas?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
5. Ano ang naisip na gawin ng pangulo ng klase para makatulong sa mga nangangailangan sa Taal, Batangas?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
6. Ano ang naging tugon ng klase sa naisip ng kanilang pangulo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
7. Anong kabutihang–asal ang kanilang ipinamalas?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
Sino-sino ang maaari nating pagmalasakitan? Maaari mong pagmalasakitan ang ilan sa mga kasapi sa inyong paaralan tulad ng mga kaklase, guro, tagapaglinis ng paaralan, mga nagsisilbi sa kantina at mga guwardiya.
Gayundin, kung sa pamayanan naman ay maipapakita mo ang iyong malasakit sa mga tindero/tindera, kapitbahay, mga karpintero, mangingisda at magsasaka, kalaro, at iba pang madalas mong nakakasalamuha sa araw–araw.
Kopyahin at sagutan ang gawain sa iyong ságútang papel. Lagyan ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nabanggit.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
Gawain | Madalas | Minsan | Hindi |
1. Nag-aabot ako ng túlong kapag may nanghihingi lalo na sa mga kaibigan kong maysakit. | | | |
2. Buo sa puso ko ang pagtulong at pagmamalasakit sa kakilala. | | | |
3. Inaalala ko ang kaklase kong hirap sa aralín at tinutulungan ko sila. | | | |
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
Gawain | Madalas | Minsan | Hindi |
4. Hinihikayat ko ang aking mga kaibigan at kaklase na maging mabait at mapagmalasakit kanino man habang kami ay nása aming mga tahanan. | | | |
5. Nagiging sensitibo ako sa pangangailangan ng kaklase kong medyo hirap sa buhay. | | | |
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
Batay sa isinagawa mong pagsagot sa tseklis, ano ang iyong gagawin sa mga bagay na madalas mong gawin? minsan mo lang gawin at hindi mo ginagawa?
Sa ano-anong pagkakataon sa paaralan o pamayanan mo kaya magagawa ang pagmamalasakit sa kapwa? Kaugnay ng salitáng “malasakit” ay ang bukal na pagtulong sa kapwa, pag-aalala sa kalagayan nila.
Kopyahin at sagutan ang gawain sa iyong ságútang papel. Bilugan ang mga salita sa loob ng kahon na may kaugnayan sa salitáng “malasakit”.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
pagtulong
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
pag-aalala
panghihiya
pagbibigay
pagmamahal
pangmamaliit
pang-aapi
pagdamay
Kopyahin at sagutan ang gawain sa iyong ságútang papel. Punan ang bawat hagdan sa pamamagitan ng pagsulat ng pangalan o mga pangalan ng mga táong maaari mong pagmalasakitan.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaad ng pagmamalasakit sa kapwa at MALI naman kung hindi. Kopyahin at gawin ito sa ságútang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
_________1. Dapat pagmalasakitan ang mga táong may kapansanan.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
_________2. Hindi dapat ikahiya ang pagtulong sa kapwa lalo kung para sa ikabubuti nila ito.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
_________3. Nagkaroon ng sunog sa lugar nila Dely ngunit mas naapektuhan ang kaniyang kapitbahay kaya nagbigay siya ng mga luma ngunit maayos pang mga damit para sa kanila.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
_________4. Natabig ng isang bulag ang inumin ni Mico kaya nagalit siya.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
_________5. Mas pinili nina Lanie at Philip na magturo ng libre para sa mga katutubo na hindi nakakapag–aral.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
Lagyan ng nakangiting (😄) mukha ang kolum kung ang gawaing nakasaad ay nangyari na sa iyo at malungkot(☹️)naman na mukha kung hindi pa. Kopyahin at gawin ito sa ságútang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
Gawain | Hindi |
1. Binibigyan ko ng pagkain ang aking kamag-aaral na walang makain. | |
2. Tumutulong ako sa mga kaklase ko sa paglilinis sa aming silid-aralan. | |
3. Naiinis ako kapag may katabi ako sa dyip na luma ang damit. | |
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
Gawain | Hindi |
4. Binigyan ko ng babala ang bátang patawid na may paparating na malaking trak. | |
5. Hindi ako nagbibigay ng mga pinagliitang damit sa mga kapwa ko batà. | |
Kopyahin at sagutan ang gawain sa iyong ságútang papel. Hingin ang túlong ng iyong mga magulang o nakatatandang kasapi ng inyong pamilya sa pagsasagawa ng gawaing ito. Punan ang Word Bubble. Isulat ang kahalagahan ng paggawa ng pagmamalasakit sa kapwa.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 8:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 8:
Buoin mo ang mahalagang kaisipan sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Assimilation
Assimilation
pamayanan
pagmamalasakit
umunawa
kababayan
Ang ______________ sa kapwa tulad ng kasapi ng iyong paaralan at _____________ sa iba’t ibang paraan ay isang mabuting gawain.
Assimilation
pamayanan
pagmamalasakit
umunawa
kababayan
Naipadarama at naipararating mo sa iyong kapwa ang iyong kakayahang _________________ sa kanilang kalagayan o pinagdaraanan.