ARALIN3
NAIPALILIWANAG KUNG SAAN NAGMULA AT KUNG ANO ANG CAFFEINE, NIKOTINA AT ALCOHOL
BY:
GLADYS MAY C. LLAGAS
SAMPALOC DISTRICT
Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Ano ang tawag ninyo sa mga larawan? Saan madalas nakikita ang mga ito? Alam b ninyo na nagtataglay sila ng mga mahahalagang substansya? Anu-anong mga larawan ang makikita ninyo sa titik A, B at C? sa palagay ninyo ano ang maaring magmula sakanila kapag sila ay idinaan sa mga proseso.?
Nikotina, kapeina, at alcohol
Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa nightshade plants partikular sa tabako plant na tinatawag ding Nicotiana tabacum. Ang ibang nightshade plants, gaya ng patatas, kamatis, at talong, ay mayroon ding nicotine ngunit mas mababa ang kanilang nicotine content kung ihahambing sa tabako. Ang nicotine ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako. Ang bawat piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1 mg nicotine.
Ang caffeine o kapeina ay nilalaman ng ilang mga halaman at ito ay mapait. Kadalasang matatagpuan ito sa maraming inumin na tulad ng kape, tsaa, soft drinks o soda, cacao o tsokolate, kola nuts at ilang mga gamot na kung tawagin ay stimulants. Ito ay nagbibigay ng karagdagang enerhiya at pansamantalang tulong sa pagiging alerto.
Alcohol ay nilikha mula sa katas ng prutas, o gulay na tinatawag na fermented. Ang alcohol ay parang tubig o Kristal dahil sa kulay nitong puti. Ang pagbuburo ay isang proseso na gumagamit ng yeast o bakterya upang baguhin ang sugars sa pagkain sa alak. Ang Pagbuburo ay ginagamit upang makagawa ng maraming mga kinakailangang mga item. Alcohol ay may iba't ibang mga form at maaaring magamit bilang isang malinis, o isang antiseptiko, o di kayay isang gamot na pampakalma.
Saan Ako Nagkamali
Panuto: Mula sa mga larawan ano ang naramdaman ninyo? May nais ba itong ipahiwatig sa atin bilang tao?
1. Prutas na hugis puso at may kulay na pula, mayroong din berde ginagawang alcohol
___a___s___na____
2. Ito ay prutas hugis bilog na maliliit na ginagawa ding alcohol ang katas
_____b_____s
3. Isang prutas na malabot maraming buto at kulay pula na pinagmulan din caffeine
K____m____ _____ I ______
4. Ito ay mahaba at may kulay ube na pinagmulan ng nikotina
_____ a _____ o ______ g
5. Halaman na may maliliit na dahon ginagamit na sangkap sa sigarilyp
_____ o ______a ______ o