1 of 77

FILIPINO

IKATLONG LINGGO

2 of 77

Paunang Pagtataya

Bilugan ang pares ng salita na magkasalungat at kahunan ang pares ng salita na magkasingkahulugan.

pambihira – natatangi mabilis - mabagal

magwawagi – mananalo pandak - mababa

paghihiganti – pakikipagkasundo malapit - malayo

3 of 77

IKATLONG MARKAHAN

Ikatlong Linggo

Unang Araw

Layunin

Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang alamat

4 of 77

  1. Pagsasanay

Ipabasa ang mga salitang nakasulat sa metacards.

5 of 77

  1. Balik-Aral

Ano ang alamat?

Anu-anong halimbawa ng mga alamat ang madalas na ninyong naririnig o nababasa?

6 of 77

  1. Pagganyak

Anong lugar ang makikita ninyo sa larawan? Nakarating na ba kayo sa lugar na ito?

Ngayon ay matutuklasan natin kung paano ba nagkaroon ng “Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.

7 of 77

  1. Paglalahad

Ipabigay sa mga bata ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pakikinig. Iparinig sa klase ang Alamat ng Sandaang Pulo sa pamamagitan ng inirekord na bersyon nito.

8 of 77

Alamat ng Sandaang Pulo

Ayon sa kwento, may iba’t ibang tribu sa iba’t ibang dako ng kapuluan. Ngunit watak-watak ang maliliit sa kaharian. Bawat isa’y pinamumunuan ng mga maharlika na tinatawag na datu, sultan o raha.

Si Raha Masibueg, matalino, maunawain, at matapang na pinuno ang namumuno sa isang kaharian. Daan-daang kawal ang kanyang sinanay. Sa pagtanda ng raha, ipinagpatuloy ng kanyang anak, si Datu Mabisqueg, ang pamumuno sa mga sinanay na kawal. Sa pagdaraan ng panahon, naging matahimik, masagana, at maunlad ang kaharian.

Agaw-dilim noon. Nilusob ng mga kaaway ang kaharian. Pinulong ni Raha Masibueg ang kanyang konseho. Ipinayo na salubungin ang kaaway. Mula sa maraming kawal na sinanay ni Raha Masibueg, pumili ng sandaan si Datu Mabisqueg.

9 of 77

Naganap sa dagat ang labanan. Tumagal ang labanan nang maghapon at magdamag. Nang kinabukasan, tumahimik sa pook na pinaglalabanan. Walang natira isa man sa sinany ni Datu Mabisqueg. Nalipol lahat ang sandaang kawal pati ng mga kaaway.

Lumipas ang araw. Naging malungkot ang buong tribu. Lagging nakatanaw sa dagat ang mga tao. Hanggang isang bukang liwayway, biglang naiba ang malawak na dagat. Humigit-kumulang sa sandaang pulo ang kanilang nakita. Ang ilan ay hugis na tumaob na bangka; ang iba’y tulad ng katawan ng mga mandirigma.

Mula noon, pinaniniwalaan na ng mga tao na ang mga pulong iyon ay sandaang kawal na nalipol sa labanan. Magsisilbing alaala sa susunod na salinlahi ang alamat ng ‘Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.

10 of 77

  1. Pagtatalakay

 

  1. Sinu-sino ang namumuno sa mga maaharlika?
  2. Sino si Raha Masibueg?
  3. Anu-ano ang mga katangiang taglay ni Raha Masibueg?
  4. Ano ang pangalan ng anak ni Raha Masibueg na siyang nagpatuloy ng pamumuno sa mga sinanay na kawal?
  5. Ilang kawal ang pinili ni Datu Mabisqueg upang ipadala sa labanan?
  6. Saan naganap ang labanan?
  7. Gaano katagal ang nangyaring labanan?
  8. Ano ang nangyari sa mga kawal na sinanay ni Datu Mabisqueg
  9. Anu-ano ang napansin ng mga tao sa dagat makaraan ang nangyaring pagkawala ng mga kawal?
  10. Ano ang pinaniniwalaan ng mga tao na kaugnayan ng mga pulo sa mga nalipol na kawal?

11 of 77

Ang mga tanong na inyong sinagot ay tinatawag na mga tanong na literal kung saan ang mga sagot sa mga tanong na ito ay mga impormasyong tuwiran o hayagang nakalahad sa tekstong napakinggan.

12 of 77

  1. Pagpapayamang Gawain

Para sa Gawin Natin, iparinig ang “Alamat ng Romblon” na matatagpuan sa Bagong Filipino 5 sa Salita at Gawa, Batayang Aklat sa Pagbasa, pahina 104-105. Ipaskil sa pisara ang mga inihandang literal na tanong at ipasagot ito sa kanila.

Sa Gawin Mo, basahin ang alamat na pinamagatang “Si Malakas at Maganda” na makikita sa pahina 159-160 ng Pag-Unlad sa Wika at Pagbasa 6. Ipasagot ang mga tanong sa Gawin Mo.

Gumamit na lang po ng ibang kuwento, wala po akong aklat nito.

Gawin Natin

Panuto: Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na literal na tanong.

  1. Ano ang tawag o taguri sa bayan ng Romblon?
  2. Bakit ganito ang itinawag sa Romblon?
  3. Anong diyalekto ng Bisaya ang salita ng mga tao sa Romblon?
  4. Saan matatagpuan ang mga sasakyang dagat kung bagyo?
  5. Paano nagsimula ang pangalang “Romblon”?

Gawin Mo

Panuto: Sagutin ang mga literal na tanong mula sa babasahing alamat ng guro.

  1. Ano ang tanging nilalang na nabubuhay noon sa daigdig?
  2. Bakit naisipan niyang pag-awayin ang dagat at langit?
  3. Nagtagumpay ba ang ibon sa kanyang plano?
  4. Anu-ano ang nangyari sa pag-aaway ng dagat at langit?
  5. Sino ang lumabas sa unang biyas ng kawayan?sa ikalawang biyas?

13 of 77

  1. Paglalahat

Ano ang kahulugan ng literal na mga tanong?

Paano mo masasagutan ang mga literal na tanong mula sa inyong napakinggang teksto?

Ang mga tanong na literal ay mga tanong kung saan ang mga sagot ay mga impormasyong tuwiran o hayagang nakalahad sa tekstong napakinggan.

14 of 77

  1. Paglalapat - Pangkatang Gawain

Ang bawat pangkat ay pipili ng isang magbabasa ng maikling alamat na inihanda ng guro. Pagkatapos mapakinggan ang alamat na binasa ng kagrupo, ang mga miyembro ang siyang magsasagot ng mga tanong na tungkol sa alamat na kanilang napakinggan.

Maaaring gamitin ng guro ang kahit na anong alamat na kanyang nabasa o nahanap sa iba pang sanggunian.

15 of 77

Pagtataya

Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro. Sagutan ang mga sumusunod na literal na mga tanong ayon sa inyong napakinggang alamat.

Takdang Aralin

Magsaliksik ng isang alamat na madalas ninyong marinig sa inyong lugar. Bumuo ng limang literal na tanong mula sa iyong napiling alamat. Pumili ng isang kapareha. Ang magkapareha ay magpapalitan ng pakikinggang alamat at sasagutang mga tanong. Iuulat sa klase ang awtput.

16 of 77

IKATLONG MARKAHAN

Ikatlong Linggo

Ikalawang Araw

 

Layunin

Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos o ginawi

Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos

17 of 77

  1. Pagsasanay

“Iarte Mo”

Maghanda ng ilang paper strips na naglalaman ng ilang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos. Bubunot ang mapipiling mag-aaral ng isang paper strip at iaarte ang pang-abay na naglalarawan ng kilos habang hinuhulaan naman ito ng klase.

18 of 77

  1. Balik-Aral

Magkaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa binasang nagdaang kwento/alamat. Ipatukoy sa mga bata ang ilan sa mga pang-abay na nakita o nabasa nila mula sa kwento.

19 of 77

  1. Pagganyak

Mga bata, maraming kwento tungkol sa kabayanihan ang mababasa natin sa mga aklat. Malban sa mga kilala ninyong bayani, sinu-sino pa sa palagay ninyo ang maaaring tawaging bayani?

Paano maipakikita ang kabayanihan?

Pwede ba kayong maging bayani?

20 of 77

Piliin ang kahulugan ng may salungguhit na salita o parirala upang maging wasto ang ipinahahayag ng pangungusap.

  1. Kinakatulong na si Ben ng kanyang ama sa pagsasaka kahit walong taon pa lamang siya. Wala siyang panahong lumaboy katulad ng ibang bata.

(mag-aral, gumala, gumastos)

 

2. Lubhang matulungin si Dan. Pangarap niyang makagawa ng kabutihan sa lahat ng tao at tanghaling bayani ng lahi.

(kilalang tao, tanyag na tao, mayamang tao)

 

3. Halos hindi naabot ng mga tao ang liblib na baryo ng San Vicente.

(bilang, tagong lugar, malayo sa kabihasnan)

 

4. Mabigat ang mga sako ng palay na nakakalat sa kanilang bakuran, gayunpaman, isa-isang kinaladkad ang mga ito upang itago sa kanilang kamalig.

(hinila nang paisa-isa, binuhat nang paisa-isa, isa-isang dinala)

 

5. Parang hindi na humihinga at walang malay ang mamang nabundol ng kotse.

(tulog, patay, walang ulirat)

21 of 77

  1. Paglalahad

Sa araw na ito’y babasahin ninyo ang kwento tungkol sa kabayanihan ni Rona, isang walong taong gulang na bata. Ang pamagat ng ating kwento ay Walong Taong Gulang, Naging Bayani!

Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik. Ipabasa nang tahimik ang kwento.

Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang mga tanong sa SAGUTIN NATIN, pahina 56 ng “Pagdiriwang sa Wikang Filipino 5-Pagbasa”

22 of 77

Alam mo ba na sa murang gulang mo ay maaari kang tanghaling bayani? Tunghayan ang kwentong ito.

Walong Taong Gulang, Naging Bayani

23 of 77

Walong Taong Gulang, Naging Bayani

Si Rona Mahilum ay isang batang walong taong gulang at nakatira sa isang liblib na baryo sa Divina Colonia, Sagay, Negros Occidental. Mahirap lamang sila. Nagtatanim ng kape ang kanyang mga magulang.

Isang araw bago umalis ang kanyang mga magulang ay kinausap nila si Rona.

“Rona, ikaw na ang bahala sa iyong mga kapatid,” ang sabi ng kanyang tatay. “Kami ng iyong ina ay pupunta sa palengke.”

“Huwag mong pabayaang lumaboy ang maliliit mong kapatid, anak. Ang ate mo, huwag mong kalimutang painumin ng gamut, ha?” dagdag na tagubilin ng kanyang nanay.

“Opo. Huwag po kayong mag-alala. Babantayan kop o silang maigi,” magalang na sagot ni Rona.

Inalagaan at pinakain ni Rona ang mga kapatid. Pinainom din niya ng gamot ang ateng may sakit.

24 of 77

Pagkatapos ng hapunan ay niyaya na ni Rona ang maliliit na kapatid na sina Dado at Edgar.

Dado, Edgar, halina kayo. Matulog na rin kayo at may pasok pa bukas. Mamaya pa siguro darating sina Itay at Inay, ani Rona.

Sana, nabenta lahat ng kapeng dala nila, ano, ate? ang ganting wika ni Dado.

Sana nga, Dado, sige, matulog na tayo. Magdasal muna tayo bago matulog, ang sabi ni Rona.

25 of 77

Mahimbing na ang tulog ng magkakapatid nang nagising si Rona sa sobrang init at doon niya natuklasan na nasusunog ang kanilang bahay. Isa-isa niyang kinaladkad ang kanyang dalawang nakababatang kapatid at ang nakatatandang kapatid na babae na may sakit. Matapos mailabas lahat ang kanyang mga kapatid, tumakbo siya sa isang balon at nag-igib ng tubig na siyang ibinuhos at ginamit na pamatay sa apoy ng nasusunog nilang bahay.

Natagpuan siya ng kanyang magulang na walang malay at sunog ang buong katawan. Dahil sa matinding sunog sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kinailangan siyang dalhin sa Maynila upang ipagamot. Umabot sa kaalaman ni Alfredo Lim, ang dating alkalde ng Maynila, ang katapangan at kabayanihan ni Rona. Hangang-hanga siya sa bata.

26 of 77

Bilang pagkilala sa kakaibang kabayanihan ni Rona siya ay ipinagamot nang libre ni G. Lim sa Ospital ng Maynila. Maliban ditto, tumanggap siya ng isang milyong pisong gantimpala buhat sa pamunuan ng naturang lungsod.

 Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

  1. Tungkol saan ang kwento?
  2. Paano naging bayani si Rona Mahilum? Ibigay ang mga katangian niya.
  3. Mabuti bang maging bayani? Patunayan.
  4. Kung ikaw si Rona, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit o bakit hindi?
  5. Bakit si Alkalde Alfredo Lim ang tumulong sa kanya?

27 of 77

  1. Pagtatalakay

 

 

 

 

Magulang ni Rona

 

 

 

Rona

 

 

 

Mga Tauhan sa Kwento

Mga Kapatid ni Rona

 

 

 

Kopyahin sa papel ang character web at isulat ang mga naging kilos o gawi ng mga tauhan batay sa kwento sa pamamagitan ng pagbabanig. Pagkatapos, ilarawan ang mga tauhan batay sa kilos o gawi nila sa kwento.

28 of 77

  • Ang istratehiyang pagbabanig o webbing.

Ito ay istratehiya kung saan maipakikita ang kaugnayan ng isang kaisipan upang higit na maging makahulugan ang pagsasalarawan.

Ang web ay binubuo ng core, web strand at web ties na maaaring gamitan ng mga bilog o iba pang hugis na mapaglalagyan ng mga sagot.

29 of 77

Gawin Mo

Gamit ang METACARDS, magsulat ng iba’t ibang pang-abay na maaaring magamit sa paglalarawan ng kilos ng mga tauhan sa kwento.

Ipaskil ang mga metacard sa pisara.

30 of 77

Paglalahat

Ano ang iyong natutuhan sa paglalarawan ng tauhan? Sa paanong paraan mo kaya mailalarawan ang mga ito?

Sa araw na ito, sa paanong paraan mo ginamit ang mga pang-abay?

31 of 77

Paglalapat

Pangkatang Gawain

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng envelope na may lamang manila paper, marker at kwento. Tahimik na babasahin ang kwento at pagkatapos ay isasagawa na ang bawat gawain.

Unang Pangkat – mula sa binasang kwento, ilarawan ang mga tauhan batay sa ikinilos o ginawi ng mga ito.

Ikalawang Pangkat- mula sa binasang kwento, gumamit ng mga pang-abay sa paglalarawan ng mga kilos na nagmula sa kwento

Iuulat ng bawat pangkat ang kanilang awtput sa klase.

32 of 77

Paglalahat

Ano ang iyong natutuhan sa paglalarawan ng tauhan?

Sa paanong paraan mo kaya mailalarawan ang mga ito?

Sa araw na ito, sa paanong paraan mo ginamit ang mga pang-abay?

33 of 77

Basahin nang tahimik ang kwento. Ilarawan ang mga tauhan sa kwento batay sa kanilang mga ikinilos o ginawi.

Gamitin ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.

34 of 77

 Pangkaraniwang empleyado ng gobyerno si Mang Danny. Araw-araw, maaga pa ay nasa opisina na siya at naglilinis. Ugali na niyang linisin ang tanggapan ng punong-lungsod tuwing umaga. Mabait, masipag at mapagkakatiwalaan si Mang Danny.

Isang araw, sa pagpasok niya sa loob ng tanggapan ay may napansin siyang isang supot sa tabi ng upuan. Dinampot niya ito sa pag-aakalang mga basura ang laman nito. Aning gulat niya nang makitang mga dadaanin ang nasa loob nito. Ibinigay niya agad ito sa alkalde.

Pagtataya

Basahin nang tahimik ang kwento. Ilarawan ang mga tauhan sa kwento batay sa kanilang mga ikinilos o ginawi. Gumamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos.

35 of 77

Takdang Aralin

Pumili ng isang kwentong paborito ninyong basahin. Ilarawan ang kilos ng mga tauhan ng nasabing kwento batay sa ikinilos o ginawi. Siguraduhing gumamit ng pang-abay sa inyong paglalarawan.

36 of 77

IKATLONG MARKAHAN

Ikatlong Linggo

Ikatlong Araw

Layunin

Nakakukuha ng tala sa binasang teksto

Naiuugnay ang sariling karanasan sa binasang talambuhay

Nagbibigay ng mga salitang magkakasalungat/magkakasingkahulugan

37 of 77

  1. Pagsasanay

Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang pang-uri sa pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang lumang sapatos ay ipinamigay nila.

2. Mabango ang bulaklak na kampupot.

3. Tuwang-tuwa ang masipag na ama.

4. May malakas na halakhakan siyang naririnig.

5. May maliit na liwanag na naglalagos sa bintana.

38 of 77

  1. Balik-Aral

Ipalarawan sa mga bata ang kilos na ipinakikita ng larawan sa pamamagitan ng paggamit ng pang-abay.

39 of 77

  1. Pagganyak

Tanungin ang klase kung sinu-sino ang mga bayaning babae na kilala nila. Magpabigay ng ilang detalye ng buhay ng mga bayaning kanilang nabanggit.

Nakikilala ba ninyo kung sino ang nasa larawan? Siya si Teresa Magbanua o mas kilala sa tawag na Henerala Nay Isa. Anu-ano kaya ang mga pangyayari sa kanyang buhay? Tuklasin natin ito.

Ngayong araw na ito ay ating babasahin ang maikling talambuhay ni Henerala Nay Isa.

40 of 77

  1. Paglalahad

Ilahad ang pamagat ng teksto.

Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik.

Ipabasa nang tahimik ang kwento.

41 of 77

“Ang babae man ay maaaring maging tagapagtanggol ng bayan.”

 

Henerala Nay Isa (Talambuhay)

Ayon sa kasaysayan, maliit pa lamang na bata si Nay Isa ay kinakitaan na ng kakayahang mamuno, lakas ng loob, at katapangan. Karaniwan nang makikita na siya ay kasama-sama ng kanyang mga kapatid at kapitbahay na lalaki. Siya ang lider ng mga batang lalaki sa kanilang paglalaro, paliligo sa ilog at dagat, sa pag-akyat sa puno, sa paninirador ng ibon, at sa pangangabayo.

Matalino si Nay Isa sa pag-aaral. Nakatapos siya ng pagkaguro. Nagturo siya ng ilang taon sa kanilang lugar sa Pototan, Iloilo. Nakilala siyang mahusay ngunit mahigpit na guro. Ikinasal siya sa isang nakaririwasang magsasaka, kay Alejandro Baldera. Iniwan niya ang pagtuturo at sumama siya sa kanyang asawa sa bukid. Naging mapagmahal at matapat siyang asawa.

42 of 77

Sa kanyang malayang oras, nagsasanay siyang humawak at magpaputok ng baril. Tahimik at masagana silang namumuhay sa bukid nang sumiklab sa Iloilo ang himagsikan ng mga Pilipino laban sa Español.

Nagpunta si Nay Isa sa kuta ng mga naghihimagsik sa bundok upang sumanib sa kilusan laban sa pamahalaang Español. Sinabi niyang kailangan ng bayan ang mga babaing may kakayahang makipaglaban tulad ng mga lalaki. Humanga si Heneral Poblador sa kanyang tapang. Binigyan siya ng sandata at mga tauhan.

43 of 77

Noong 1900, napasailalim ang buong Pilipinas sa pamamahala ng mga Amerikano. Nagbalik sa Pototan, Iloilo si Nay Isa sa piling ng kanyang asawa. Namuhay na muli nang tahimik sa kanilang bukid ang matapang at matalinong Henerala Nay Isa na walang iba kundi si Teresa Magbanua, ang pangalawa sa walong anak ng mag-asawang nakaririwasa na sina G. Juan Magbanua at Gng. Alejandra Ferreira Magbanua

Walang takot siyang nakipaglaban at dahil sa bilis at husay humawak ng sandata, si Nay Isa ay hinirang na pinuno ng isang batalyong rebolusyonaryo. Mula noon, sunud-sunod na nabawi ng mga naghihimagsik na Pilipino sa pamamahala ni Nay Isa ang iba’t ibang bayan sa pulo ng Panay. Natanyag at hinangaan sa mga bayan-bayan sa pulo ng Panay ang ngalang Henerala Nay Isa. Isa siyang dakilang Pilipina na humawak ng sandata alang-alang sa bayan.

44 of 77

Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang mga Gabay na Tanong tungkol sa binasang teksto. Gamitin ang “story grammar” upang makuha ng mga bata ang mga tala mula sa teksto.

Punan ang mga ulap ng mga talang hinihingi mula sa kwentong binasa.

PAMAGAT

TAGPUAN

MGA TAUHAN

UNANG PANGYAYARI

IKALAWANG PANGYAYARI

IKATLONG PANGYAYARI

KASUKDULAN

WAKAS

45 of 77

  1. Pagtatalakay

Mula sa binasang talambuhay, papagbigayin ang mga bata ng mga pang-uri na nabasa nila sa talambuhay. Ipasulat ang mga ito sa metacards at ipaskil sa pisara.

Gamit ang mga salitang nakasulat sa metacards, papagbigayin ang mga bata ng mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan.

Tanungin ang klase kung may pangyayari sa kanilang sariling karanasan ang nakakatulad o nakakahawig ng ilang mga pangyayari sa talambuhay na kanilang binasa. Ipaugnay ang karanasang ito sa binasang talambuhay.

46 of 77

Pagpapayamang Gawain

Ipabasa ang talata sa mga bata. Pagkatapos basahin, ipabigay ang mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan na nabasa nila sa talata. Ipalagay ito sa tsart.

47 of 77

Ang mga mag-aaral ay sama-sama sa kantina tuwing rises. Kantina ito ng paaralan. Sang-ayon sa kanila, may mahal at mura sa mga paninda. Masarap ang mga pagkain, malinamnam. Marumi ang basahan, malinis ang mesa. Maingay ang ilang bata at tahimik ang nakararami. Nagkakatuwaan sila tuwina. Masaya sila.

Magkakasingkahulugan

Magkakasalungat

 

 

 

 

 

 

48 of 77

Paglalahat

Paano mo masasabing magkasalungat ang mga salita?

Sa paanong paraan naman masasabing magkasingkahulugan ang mga salita?

Ang mga salita ay magkasingkahulugan kung ang ito ay nagsasaad ng magkaparehong ibig sabihin.

Ang mga salita ay magkasalungat kung ang mga ito ay may magkabaliktad na kahulugan o ibig sabihin.

49 of 77

  1. Paglalapat

Magsagawa ng isang pangkatang laro. Bumuo ng 2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag-uunahan na makapagbigay ng mga salitang magkasalungat/ magkasingkahulugan depende sa hihingin ng guro.

50 of 77

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Magbigay ng mga salitang magkasingkahulugan o magkasalungat mula sa mga pangungusap.

  1. Maligayang-maligaya sina Claude at Joel ng Sabadong yaon. Ngunit pagkatapos ng isang oras ay lungkot na lungkot sila dahil hindi sila maaaring maligo at mamingwit sa ilog.
  2. Ibig na ibig na nilang makarating agad sa bukid. Gustung-gusto na ni Joel na mamitas ng mga bungang-kahoy.
  3. Si Claude ay maliligo sa malinis na ilog ngunit hindi siya nakapaligo dahil marumi at mababaw ang tubig.
  4. Ang mga pabrika ay nagtatapon sa ilog ng kanilang chemical waste. Ang chemical waste ay yaong mga dumi ng ginamit na kimiko at iba pang bagay sa pabrika na hindi na maaaring gamitin pang muli kaya itinatapon na.
  5. Hindi maaaring mabuhay nang malusog ang mga gulay sa lupang tigang. Maaaring lagyan ng pataba ang tuyot na lupa upang mapagtaniman ito.

51 of 77

Punan ang bawat puno ng pares ng mga salitang magkakasingkahulugan at magkakasalungat.

MAGKASINGKAHULUGAN

MAGKASALUNGAT

Pagtataya

52 of 77

Takdang Aralin

Magbigay ng limang pares ng salitang magkasalungat at limang pares ng salitang magkasingkahulugan.

53 of 77

IKATLONG MARKAHAN

Ikatlong Linggo

Ikaapat na Araw

 

Layunin

Nababaybay nang wasto ang salitang hiram/natutuhan sa aralin

54 of 77

  1. Pagsasanay

Isaayos ang mga salita ayon sa pagkakasunud-sunod ng bagong alpabeto.

______xerox _______alcohol

______karaoke _______bangko

______radyo _______mesa

______pansit _______videoke

55 of 77

  1. Balik-Aral

Ano ang salitang hiram?

Ipabasa ang mga inihandang pangungusap. Ipasulat o ipapili sa mga mag-aaral ang mgsa salitang hiram na matatagpuan sa bawat pangungusap.

56 of 77

  1. Pagganyak

Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng sobre na may lamang mga piraso ng isang larawan (puzzle pieces). Sa hudyat ng guro, bubuuin ng bawat grupo ang larawan na napapunta sa kanila. Ipaskil ito sa pisara.

Naranasan mo na bang mag-anyaya ng isang kaibigan o panauhin? Sa paanong paraan mo ito ginawa?

57 of 77

  1. Paglalahad

Ilahad ang pamagat ng teksto.

Isa-isahin ang mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik.

Ipabasa ang kwento.

Ipasagot ang nabuong tanong-pagganyak at ang mga Gabay na Tanong tungkol sa binasang teksto.

58 of 77

Isang Paanyaya

59 of 77

60 of 77

  1. Pagtatalakay

Gawin Natin

Isulat ang lahat ng mga salitang hiram na iyong nabasa mula sa kwento. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa. Suriin ang baybay ng mga salitang ito. Isulat ito sa kwaderno

61 of 77

  1. Pagpapayamang Gawain

 

1.

basketbol

piko

jack en poy

patintero

2.

pinakbet

lumpia

spaghetti

sinigang

3.

binyagan

kumpilan

kasalan

despidida

4.

shorts

pantalon

palda

saya

5.

escalator

bentilador

kubrador

burador

6.

pizza

sausage

tinapay

pandesal

7.

bus

bapor

LRT

eroplano

8.

telebisyon

radyo

telepono

computer

9.

coach

guro

punong-guro

pulis

10.

martilyo

bumbilya

kutsara

Flashlight

Gawin Mo

Panuto: Piliin ang salitang hiram sa pangkat.isulat ito ng may wastong baybay sa iyong kwaderno.

62 of 77

  1. Paglalahat

Sa paanong paraan mo maisusulat ng wasto ang baybay ng mga salitang hiram? Bakit mahalagang maisulat mo ng maayos at wasto ang baybay ng bawat salitang hiram na iyong matututuhan?

 

63 of 77

Pangkatang Laro

Bumuo ng 2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag-uunahan na makarating sa finish line sa pamamagitan ng pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang hiram na babanggitin ng guro.

  1. Paglalapat

64 of 77

Pagtataya

Panuto: Anong salitang hiram ang tinutukoy ng bawat bilang? Isulat ang wastong baybay nito sa inyong kwaderno.

65 of 77

5.likas na langis sa puno ng buhok sa anit

6. pangkulay ng buhok

7. gamot o lunas sa kanser

8. kulang sa wastong nutrisyon

9. kagamitan o makina sa pagkopya o pagpaparami ng sipi ng mga papeles at dokumento

10. nakatutulong upang Makita ang mga bagay na nasa malayo tulad ng kalawakan

66 of 77

Takdang Aralin

Ipasulat sa wastong baybay ang mga salitang hiram na bahagi na ng salitang Filipino.

67 of 77

IKATLONG MARKAHAN

Ikatlong Linggo

Ikalimang Araw

 

Layunin

Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula

68 of 77

  1. Pagsasanay

Ipasaayos ang mga titik upang makabuo ng mga salitang maaaring maglarawan sa isang tauhan o tagpuan sa isang kwento.

 

          • W M I N A A A

          • T A K T A T O N A

          • Y P A P A A

          • T M B I A A

          • N M K P A I R A Y H G A N A A

69 of 77

  1. Balik-Aral

Anu-ano ang mga bagay na dapat tandaan kung manonood kayo ng mga pelikula?

70 of 77

  1. Pagganyak

Sino sa inyo ang mahilig manood ng mga pelikula?

Anong uri ng pelikula ang pinanonood ninyo?

71 of 77

Ang papanooring pelikula para sa araw na ito ay isang maikling pelikula tungkol sa bahaghari.

Pagmasdan ang larawan. Ano ito? Alam ba ninyo kung bakit o paano nagkaroon ng bahaghari?

72 of 77

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

  1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood?
  2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa.
  3. Ilarawan ang tagpuan.
  4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula? Ipaliwanag kung bakit mo ito naibigan.
  5. Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?

73 of 77

Gawin Mo

Panuto: Mula sa pagsusuri ng pinanood na pelikula, punan ang graphic organizer ng mga salitang maglalarawan sa mga tauhan at tagpuan nito.

PAMAGAT NG PELIKULA

TAUHAN

TAGPUAN

74 of 77

  1. Paglalahat

Anu-ano ang mga hakbang sa pagsusuri ng mga tauhan/tagpuan at mga sa napanood na pelikula?

Lubos na masusuri ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa panonood ng pelikula kung uunawain at tatandaan ang mga pangyayari sa pelikulang napanood.

75 of 77

  1. Paglalapat

Panoorin ang pelikulang ipakikita ng guro. Gawin ang sumusunod na pagsasanay.

 

 

Pangkat I - Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa.

 

Pangkat II - Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood

 

Pangkat III - Itala ang pangyayaring naibigan ninyo sa pelikula at ipaliwanag kung bakit ito

 

Pangkat IV - Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang napanood at ipaliwanag kung bakit.

76 of 77

Pagtataya

Ipapanuod ang inihandang video clip at ipasagot ang mga katanungang sumusunod:

  1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood?
  2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa.
  3. Ilarawan ang tagpuan sa pelikulang napanood mo na napanood mo.
  4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula. Ipaliwanag kung bakit ito nagustuhan.
  5. Alin naman ang pangyayaring hindi mo nagustuhan? Bakit? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

77 of 77

Takdang Aralin

Manood ng iyong paboritong pelikula. Suriin ang tauhan at tagpuan ng iyong pelikulang napanood.