1 of 40

Filipino 2

Quarter 2 Week 3-4

Pagbibigay ng Susunod na Mangyayari sa Kuwento at Pagsulat ng Kabit-kabit na Salita

2 of 40

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng susunod na mangyayari sa kuwento batay sa tunay na pangyayari at makasusulat ng kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t

isa ang mga salita.

Layunin

3 of 40

Ang mahahalagang detalye ay nakatutulong upang masagot ang mga tanong sa napakinggan o nabásang teksto.

4 of 40

Sa pagbibigay ng susunod na mangyayari, dapat angkop ang kasanayan sa paghihinuha at pagbibigay ng kasalukuyang nadarama, iniisip, katangian, o nangyayari batay sa paglalarawan ng mga detalye sa isang sitwasyon. Maaaring positibo o negatibo ang mabubuong paghihinuha.

5 of 40

Basahin at unawain ang kuwento.

Maalagang Ina

Handang-handa na sina Nanay Carmen at Tatay Ramon. Dadalo sila sa anibersaryo ng kasal nina Lolo at Lola. Dapat ay naroon ang buong pamilya.

6 of 40

Tinawag ni Aling Carmen ang mga anak. “Fe, Rey, nasaan na ba kayo? Bihis na kami ng Tatay ninyo.”

”Nanay, may sinat po si Rey. Isasama pa po ba ninyo kami?” tanong ni Fe.

7 of 40

Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa silid ng anak at hinipo ang ulo ni Rey. Nalaman niyang may sinat ito. Lumabas siya at nang ito ay bumalik, nakabihis na ng pambahay. May dalang palangganang may tubig,

gamot, at yelo.

8 of 40

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

9 of 40

1. Saan pupunta ang mag-anak nina Mang Ramon at Nanay Carmen?

10 of 40

2. Mahalaga ba ang kanilang pupuntahan? Bakit?

11 of 40

3. Natuloy ba ang mag-anak sa pag-alis?

12 of 40

4. Ano ang naging pasiya ni Nanay Carmen nang malamang maysakit si Rey?

13 of 40

5. Ano kayâ ang susunod na mangyayari sa kuwento?

14 of 40

Ang Kuliling

Basahin at unawain ang pabula.

May isang malaking pusa na laging aali-aligid upang makahuli ng daga. Marami na rin itong nabiktima. Inaabangan niyang

lumabas ang mga daga,

saka ito sasakmalin at

gugutay-gutayin.

15 of 40

Sa sobrang takot, nagpulong ang mga daga. Pinag-usapan nila kung paano maiiwasan ang mapanganib na pusa.

16 of 40

Naging maingay ang mga daga habang nag-uusap. Ang ingay ay nauwi sa katahimikan dahil walang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang pusa. Pagkaraan ng ilang sandali ay may tumayong isang mayabang

na daga at nagsalita.

17 of 40

“May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang pusa.” Nagbulungan ang lahat.

“Tumahimik kayo!” utos ng mayabang na Daga. “Maiiwasan lamang natin

ang ating kaaway, kung

tatalian natin ito ng kuliling

sa leeg.

18 of 40

Kung mayroon itong kuliling, alam na natin na ang pusa ay papalapit sa atin.”

“Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makakalayo agad tayo,” natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan. Kunwaring

nakayuko ang mayabang

na daga.

19 of 40

“Pe…..pero…..sino ang magtatali ng kuliling?” tanong ng Matandang Daga.

”Hindi ako!” gumagaralgal ang boses ng Dagang Lungsod. “Tiyak na sasakmalin ako.”

“Lalo namang hindi ako,” nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid.

20 of 40

Sa katanungang sino ang magtatali ng kuliling sa leeg ng pusa, ay walang sinomang naglakas-loob na sumagot at gawin ang pagtatali. Pati na ang mayabang na daga

ay walang anomang nasabi.

Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan.

21 of 40

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

22 of 40

1. Ano ang dahilan ng pagpupulong ng mga daga?

23 of 40

2. Mahalaga ba ang pagpupulong na ginawa ng mga daga? Bakit?

24 of 40

3. Ano ang naging suhestiyon ng mayabang na daga sa kanilang suliranin?

25 of 40

4. Naisagawa ba nila ang suhestiyon ng mayabang na daga? Bakit?

26 of 40

5. Sa iyong palagay, ano ang susunod na mangyayari sa pabula?

27 of 40

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Ibigay ang susunod na mangyayari. Isulat ang iyong

sagot sa iyong kuwaderno.

28 of 40

1. Darating ang mga Lolo at Lola nina Pamela at Patricia mula sa probinsiya. Kailangan siláng dalhin sa ospital.

29 of 40

2. May butas na ang bubong ng bahay ni Aling Nena. Nang hapong iyon, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

30 of 40

3. Masayang nakikipaglaro ng basketball si Alchie sa kaniyang mga kaibigan. Hindi niya napansin ang balat ng saging sa kaniyang pinaglalaruan.

31 of 40

4. Gáling ang Nanay mo sa palengke. Nakita mong marami siyang dalá.

32 of 40

5. Nagbabasá ka ng aklat nang biglang namatay ang ilaw sa inyong bahay.

33 of 40

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

Kopyahin sa iyong kuwaderno ang nakikitang kabit-kabit na salita sa ibaba.

34 of 40

Kopyahin sa iyong kuwaderno ang dalawang pamagat sa ibaba. Gawin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng kabit-kabit na may tamang espasyo sa pagitan ng mga salita. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

35 of 40

1. Ang Maalagang Ina

36 of 40

2. Ang Kuliling

37 of 40

Naayon sa iba’t ibang guhit tulad ng mga letrang may dalawang kurba ang pagsulat ng mga malalaking letra ng alpabeto halimbawa,

38 of 40

May iba’t ibang istrok ang pagsulat ng maliliit na letra ng alpabeto. Ilan sa mga letrang ito ay may pailalim na kurba gaya ng

39 of 40

Punan ang mga patlang sa ibaba. Isulat ang mga nawawalang letra. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

40 of 40

Sa aking mga mababásang kuwento tungkol sa paghihinuha, ito ay maaari kong bigyan ng kasagutang positibo o

n _ g _ t _ b _ na

paghihinuha.