1 of 129

2 of 129

UNANG ARAW: Pag-unawa sa Kahalagahan ng Relihiyon

Unauthorized resale is prohibited.Please support educators

and students by purchasing exclusively from our official website.

3 of 129

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

    • Naiisa-isa ang mahahalagang papel ng relihiyon sa buhay ng tao;
    • natatalakay ang konsepto ng relihiyon at paggalang sa paniniwala ng iba; at
    • naipapakita ang pagpapahalaga sa relihiyon bilang gabay sa mabuting asal at ugnayan sa kapwa.

Unauthorized resale is prohibited.Please support educators

and students by purchasing exclusively from our official website.

4 of 129

Kataas-taasang mapagmahal na Diyos,

Pinararangalan Ka namin bilang pinagmumulan ng karunungan at liwanag. Salamat po sa bagong araw at sa biyayang matuto. Buksan Ninyo ang aming puso at isipan. Gabayan po ang aming mga guro sa pagtuturo, at kami naman ay matutong may galak at pag-unawa.

Nawa’y maging maka-Diyos ang aming pag-aaral—nawa’y lumago hindi lamang ang aming isip, kundi pati ang aming

puso.

Sa ngalan ni Hesus, Amen.

5 of 129

QOUTE

of the day

"Sapagkat sa pamamagitan ng pag-ibig ay naglilingkod kayo sa isa’t isa." – Galacia 5:13

Unauthorized resale is prohibited.Please support educators

and students by purchasing exclusively from our official website.

6 of 129

TALAKAYAN

7 of 129

Pag-unawa sa Relihiyon

Source: Pinoy Newbie Blog

8 of 129

Ang relihiyon ay isang sistema ng paniniwala at pagsamba na nagtuturo sa mga tao kung paano mamuhay nang may kabutihan at pananampalataya.

Ito ay maaaring may iba’t ibang paraan ng pagsamba, simbahan o templo, at mga kaugaliang sinusunod, ngunit ang layunin ay iisa ang makilala ang Diyos at mamuhay nang may pag-ibig at kapayapaan.

9 of 129

Mga Halimbawa:

    • Ang mga Katoliko ay dumadalo sa misa tuwing Linggo.
    • Ang mga Muslim ay nananalangin nang limang beses sa isang araw.
    • Ang mga Iglesia ni Cristo ay nagsasama-sama sa kanilang pagsamba tuwing Huwebes at Linggo.

10 of 129

Bagaman magkakaiba ang paraan, pare-pareho nilang layunin ang lumapit sa Diyos at mamuhay nang matuwid.

11 of 129

Mga Papel ng Relihiyon sa Buhay ng Tao

12 of 129

1. Gabay sa Mabuting Asal

Tinuturuan tayo ng relihiyon na maging tapat, mapagpatawad, at maawain.

Halimbawa: Sa pagtuturo ni Jesus, “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Ibig sabihin, kung paano mo gustong itrato ng iba, ganoon mo rin sila dapat tratuhin.

13 of 129

2. Pinagmumulan ng Pag-asa

Kapag may mga pagsubok, madalas tayong lumalapit sa Diyos upang humingi ng lakas at direksyon.

Halimbawa: Kapag bumabagsak sa pagsusulit, imbes na sumuko, nananalangin at nagsisikap pa rin ang mag-aaral.

14 of 129

3.Nagbubuklod ng Komunidad

Ang relihiyon ay hindi lamang personal na pananampalataya kundi ugnayan din sa kapwa.

Halimbawa: Ang mga simbahan, moske, at kapilya ay lugar kung saan nagtutulungan ang mga tao, tulad ng pamimigay ng pagkain sa mahihirap o pagtulong sa nasalanta ng kalamidad.

15 of 129

Paggalang sa Paniniwala ng Iba

Mahalaga na sa ating pakikisalamuha sa iba, ipinapakita natin ang respeto sa kanilang paniniwala. Ang paggalang ay hindi nangangahulugang sumasang-ayon tayo sa lahat, kundi pagkilala na may karapatan ang bawat isa na manampalataya sa paraang alam nilang tama.

16 of 129

Narito ang ilang simpleng paraan ng paggalang:

17 of 129

    • Makinig nang may pag-unawa.

Kapag may kaklase kang nagkukuwento tungkol sa kanilang pananampalataya, huwag pagtawanan o kontrahin agad.

18 of 129

    • Iwasan ang panghuhusga. Hindi mo kailangang baguhin ang paniniwala ng iba upang ipakita na tama ka.

    • Makisama nang may kababaang-loob. Halimbawa, kung ipinagbabawal sa isang relihiyon ang ilang pagkain, igalang mo iyon sa kainan

19 of 129

PANOORIN NATIN!

20 of 129

PANOORIN NATIN!

21 of 129

    • Bakit mahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao?
    • Ano ang maaari mong gawin upang maipakita ang paggalang sa paniniwala ng iyong kapwa?
    • Paano mo maipapakita na ang relihiyon ay gabay mo sa mabuting asal?

22 of 129

Pagninilay:

Mahalaga ang relihiyon dahil ito ang ilaw sa ating landas—nagbibigay ito ng direksyon, aral, at lakas upang mamuhay nang may kabutihan.

23 of 129

Ngunit higit sa lahat, ang pinakamahalagang aral na hatid ng anumang relihiyon ay ang pagmamahal at paggalang sa kapwa, sapagkat sa kabila ng pagkakaiba natin sa paniniwala, iisa lamang ang ating layunin—ang mamuhay nang mapayapa, marangal, at may malasakit sa isa’t isa.

24 of 129

pagsusulit

25 of 129

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

26 of 129

1. Ano ang pangunahing layunin ng relihiyon sa buhay ng tao?

A. Upang maipakita ang yaman ng kultura ng bansa

B. Upang makilala ang mga paniniwala ng ibang tao

C. Upang maging gabay sa kabutihan at pananampalataya

D. Upang maipagmalaki ang sariling tradisyon

27 of 129

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba?

A. Pagtatawanan ang kakaibang paraan ng pagsamba ng iba

B. Piliting sumama sa sariling relihiyon ang kaibigan

C. Sabihin na mali ang paniniwala ng ibang tao

D. Pakikinig nang may pag-unawa sa paliwanag ng iba

28 of 129

3. Ayon sa aralin, ano ang ibig sabihin ng relihiyon?

A. Isang sistema ng paniniwala at pagsamba sa Diyos

B. Isang batas na sinusunod ng pamahalaan

C. Isang uri ng panitikan tungkol sa mga diyos at diyosa

D. Isang selebrasyon ng iba’t ibang kultura sa lipunan

29 of 129

4. Paano nakatutulong ang relihiyon sa komunidad?

A. Tinuturuan ang mga tao na manghusga ng iba

B. Naghihikayat ng paghihiwalay batay sa paniniwala

C. Nagdudulot ng pagkakaiba at alitan sa lipunan

D. Nagbubuklod sa mga tao sa kabutihan at pagtutulungan

30 of 129

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba?

A. Pagkilala sa kanilang araw ng pagsamba

B. Paggalang sa ipinagbabawal nilang pagkain

C. Pagiging maunawain sa kanilang tradisyon

D. Paggamit ng relihiyon upang pagtawanan ang iba

31 of 129

6. Ayon sa tinalakay, ano ang isa sa mga pangunahing aral ng relihiyon?

A. Mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili

B. Huwag makisama sa mga may ibang paniniwala

C. Itaguyod ang sariling relihiyon bilang pinakamabuti

D. Ipagsigawan ang paniniwalang tama ka kaysa sa iba

32 of 129

7. Bakit mahalagang igalang ang paniniwala ng iba?

A. Upang maiwasan ang pagkakaiba ng relihiyon

B. Dahil lahat ay dapat sumunod sa iisang pananampalataya

C. Dahil ito ay tradisyong itinuro ng ating mga ninuno

D. Dahil ito ay paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at respeto

33 of 129

8. Ano ang dapat gawin kung may kaklase kang may ibang paraan ng pagsamba?

A. Igalang at unawain ang kanyang paniniwala

B. Hikayatin siyang sumama sa iyong relihiyon

C. Iwasan siyang makasama sa grupo

D. Tawanan ang kanyang ginagawa sa simbahan

34 of 129

9. Paano nagiging gabay ang relihiyon sa paggawa ng mabuti?

A. Sa pamamagitan ng pangaral ng mga magulang

B. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga batas ng paaralan

C. Sa pamamagitan ng mga alituntunin ng gobyerno

D. Sa pamamagitan ng mga turo at aral ng pananampalataya

35 of 129

10. Batay sa tinalakay, ano ang dapat mong gawin sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala?

A. Iwasan ang pakikisalamuha sa iba

B. Ituring na mas mataas ang sariling relihiyon

C. Yakapin ang pagkakaiba at isulong ang kapayapaan

D. Patunayan na tama ang iyong relihiyon sa lahat

36 of 129

Susi sa Pagkatuto:

    • C
    • D
    • A
    • D
    • D

6. A

7. D

8. A

9. D

10. C

37 of 129

IKALAWANG ARAW: Paggalang sa Paniniwala ng Iba

38 of 129

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

    • Naipapaliwanag kung bakit mahalagang igalang ang paniniwala ng iba;
    • natatalakay ang mga tamang paraan ng pakikitungo sa mga taong may ibang relihiyon; at
    • naipapakita ang positibong saloobin sa pakikisalamuha sa mga taong may iba’t ibang paniniwala.

39 of 129

Kataas-taasang mapagmahal na Diyos,

Pinararangalan Ka namin bilang pinagmumulan ng karunungan at liwanag. Salamat po sa bagong araw at sa biyayang matuto. Buksan Ninyo ang aming puso at isipan. Gabayan po ang aming mga guro sa pagtuturo, at kami naman ay matutong may galak at pag-unawa.

Nawa’y maging maka-Diyos ang aming pag-aaral—nawa’y lumago hindi lamang ang aming isip, kundi pati ang aming

puso.

Sa ngalan ni Hesus, Amen.

40 of 129

QOUTE

of the day

"Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." – Mateo 22:39

41 of 129

TALAKAYAN

42 of 129

A. Pag-unawa sa Kahalagahan ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba

43 of 129

Ang bawat tao ay may karapatang pumili ng kanyang paniniwala. Ang relihiyon ay bahagi ng pagkatao at pinagmumulan ng kabutihan, kaya’t nararapat itong igalang. Kapag natututo tayong gumalang, ipinapakita natin hindi lamang ang ating pagiging mabuting mamamayan kundi ang ating pagiging makatao.

44 of 129

Bakit Mahalaga ang Paggalang?

45 of 129

1. Ipinapakita nito ang pagmamahal sa kapwa.

Ayon sa Juan 15:12, “Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.”

Ang paggalang ay konkretong paraan ng pagmamahal—ang pakikinig, pag-unawa, at pagtanggap.

46 of 129

2. Nagpapalaganap ito ng kapayapaan.

Kapag iginiit natin ang ating paniniwala sa iba, nagkakaroon ng alitan. Ngunit kung pipiliin nating makinig at umunawa, nagkakaroon ng pagkakaisa.

47 of 129

3. Pinapatatag nito ang ugnayan ng lipunan.

Sa paaralan o sa komunidad, mas nagiging magaan ang pakikitungo kung may respeto sa isa’t isa.

48 of 129

B. Mga Tamang Paraan ng Pakikitungo sa May Ibang Paniniwala

49 of 129

Ang paggalang ay hindi lamang salita ito ay nakikita sa ating ugali at kilos. Narito ang mga paraan upang mapakita ito sa araw-araw:

50 of 129

1. Maging bukas sa pakikinig.

Iwasang kontrahin agad ang sinasabi ng iba tungkol sa kanilang relihiyon.

Halimbawa: Kapag nagkukuwento ang kaklase tungkol sa Ramadan, makinig nang may interes at hindi pagdududa.

51 of 129

2. Igalang ang personal na espasyo.

Huwag pilitin ang iba na sumunod sa iyong paniniwala.

Halimbawa: Kung ayaw ng kaklase mong sumabay sa panalangin mo, igalang ang kanyang desisyon.

52 of 129

3. Magpakumbaba sa pakikipag-usap.

Kung may hindi pagkakaintindihan tungkol sa pananampalataya, kausapin nang mahinahon.

Halimbawa: Sabihin nang magalang, “Iba man ang ating paniniwala, nirerespeto ko pa rin ang iyo.”

53 of 129

4. Kilalanin ang mga tradisyon ng iba.

Sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa ibang relihiyon, mas nauunawaan natin kung bakit ganito sila mamuhay.

Halimbawa: Sa mga Muslim, ang Ramadan ay panahon ng pag-aayuno at pagninilay.

54 of 129

C. Pagpapakita ng Positibong Saloobin

55 of 129

Ang tunay na paggalang ay hindi lamang nakikita sa kilos kundi sa saloobin. Kapag positibo ang ating pagtingin sa pagkakaiba, mas nagiging maayos ang ating ugnayan.

56 of 129

Mga Positibong Saloobin na Dapat Linangin:

    • Pag-unawa: Hindi lahat ay pareho ng pinaniniwalaan mo—at ayos lang iyon.
    • Pagpapasensya: Kung may mga taong hindi sang-ayon sa iyo, matutong magtimpi.

57 of 129

Ang Diskriminasyon Batay sa Relihiyon

Isa sa mga hamon ng relihiyon ang diskriminasyon batay sa relihiyon, ang hindi patas o hindi kanais-nais na pagtrato sa isang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala.

58 of 129

Source: Kraken Law Group

59 of 129

Halimbawa, may mga pagkakataon na pinagtatawanan ang paraan ng pananamit ng isang Muslim o kaya’y tinatanggihan sa trabaho ang isang miyembro ng ibang relihiyon dahil sa kanilang kaugalian o araw ng pagsamba.

Ito ay isang uri ng paglabag sa karapatang pantao at hadlang sa pagkakaisa.

60 of 129

Ang mga ganitong sitwasyon ay dapat pagtuunan ng pansin sa paaralan at sa lipunan, sapagkat dito nagsisimula ang maling pagtingin at paghahati-hati ng mga mamamayan.

Ang tunay na relihiyon ay hindi nagtuturo ng panghuhusga nagtuturo ito ng pag-ibig, pagtanggap, at paggalang.

61 of 129

Ang Mensahe ng Pagmamahal ni Hesukristo

62 of 129

Isa sa mga binigyang-diin sa babasahin ay ang utos ni Hesukristo sa Juan 15:12:

“Ito ang aking utos, magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.”

63 of 129

Ito ay isang paalala na ang pinakabuod ng pananampalataya ay hindi lamang ang ritwal o relihiyosong gawain, kundi ang pagmamahal sa kapwa.

Kung lahat ng tao, anuman ang relihiyon, ay susunod sa aral na ito ang magmahal, umunawa, at magpatawad ang pagkakaiba sa relihiyon ay hindi magiging hadlang, kundi tulay tungo sa kapayapaan at pagkakaisa.

64 of 129

Sa Pilipinas, maraming relihiyon ang kinikilala at iginagalang. Ang bawat isa ay may natatanging pinagmulan, paniniwala, at paraan ng pagsamba. Sa kabuuan, ang relihiyon ay nagbibigay-inspirasyon sa mga tao upang maglingkod sa kapwa, magtaguyod ng kabutihan, at mag-ambag sa kaunlaran ng lipunan at bansa.

65 of 129

Ayon sa Ang Mahahalagang Papel ng Relihiyon sa Buong Mundo (2017), ang relihiyon ay may malaking bahagi sa pagpapatatag ng kaayusan at pagkakaisa sa lipunan.

66 of 129

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang 85,645,362 na indibidwal o 78.8% ng populasyon ng bansa noong 2020 ay mga Katoliko. Pangalawa ang Islam na may 6,981,710 na kasapi o 6.4% ng populasyon, at pangatlo ang Iglesia ni Cristo na may 2,806,524 kasapi o 2.6% ng populasyon.

67 of 129

Kabilang din sa sampung pinakamalaking relihiyon sa Pilipinas ang mga sumusunod:

    • Seventh Day Adventist at Aglipay (0.8%)
    • Iglesia Filipina Independiente (0.6%)
    • Bible Baptist Church (0.5%)
    • United Church of Christ in the Philippines (0.4%)
    • Jehovah’s Witnesses (0.4%)
    • Church of Christ (0.4%)

68 of 129

Inter-Religious Dialogue: Daan sa Pagkakaisa

Isa sa mga pinakamagandang bahagi ng tinalakay ay ang konsepto ng inter-religious dialogue. Ito ay tumutukoy sa pag-uusap, pakikinig, at pakikipagpalitan ng kaalaman at damdamin sa pagitan ng mga taong may magkaibang relihiyon.

69 of 129

Hindi ito nangangahulugang kailangang baguhin ng isa ang kanyang paniniwala, kundi pagpapalitan ng pag-unawa at respeto.

70 of 129

Sa ganitong diyalogo, ipinapakita ang:

    • Paggalang – Pagkilala na may karapatan ang bawat isa na manampalataya ayon sa kanilang paniniwala.
    • Pag-unawa – Pagpapaigting ng kaalaman upang maiwasan ang maling akala o panghuhusga.
    • Pagtutulungan – Pagkakaisa sa paggawa ng kabutihan, gaya ng pagtulong sa komunidad, pag-aalaga sa kalikasan, at pagpapalaganap ng kapayapaan.

71 of 129

Ayon kay Staff (2023), ang inter-religious dialogue ay hindi pagtataksil sa sariling pananampalataya kundi isang hakbang ng pag-ibig at pagbabalik-loob sa kabutihan.

72 of 129

pagsusulit

73 of 129

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat lamang ang sagot sa iyong sagutang papel.

74 of 129

1. Ano ang pangunahing kahulugan ng relihiyon ayon sa tinalakay?

A. Isang uri ng kultura na nagpapakita ng kaugalian ng mga tao

B. Isang samahan na nagbibigay ng serbisyong panlipunan

C. Isang tradisyong ipinapasa ng pamilya sa bawat henerasyon

D. Isang sistemang naglalaman ng paniniwala, damdamin, at paraan ng pagsamba

75 of 129

2. Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2020, anong relihiyon ang may pinakamaraming kasapi sa Pilipinas?

A. Islam

B. Iglesia ni Cristo

C. Katolisismo

D. Seventh Day Adventist

76 of 129

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong epekto ng relihiyon sa lipunan?

A. Nagtuturo ito ng kabutihan at nagbubuklod sa mga tao

B. Nagiging sanhi ito ng hindi pagkakaunawaan

C. Nagpapalaganap ito ng diskriminasyon

D. Nagpapahina ito sa pananampalataya ng iba

77 of 129

4. Bakit itinuturing na mahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao?

A. Dahil ito ay nagbibigay-gabay sa tamang pag-uugali at pagpapasya

B. Dahil ito ay nagdidikta ng lahat ng gawain ng pamahalaan

C. Dahil ito ay pinagmumulan ng karangalan at kapangyarihan

D. Dahil ito ay tanging daan upang maging tanyag sa lipunan

78 of 129

5. Ayon sa tinalakay, anong relihiyon ang pangalawa sa may pinakamaraming kasapi sa Pilipinas?

A. Iglesia ni Cristo

B. Seventh Day Adventist

C. Islam

D. Aglipay

79 of 129

6. Ilan ang tinatayang porsyento ng mga Katoliko sa Pilipinas ayon sa PSA noong 2020?

A. 64%

B. 78.8%

C. 50%

D. 84%

80 of 129

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang pahayag tungkol sa relihiyon?

A. Ang relihiyon ay nagtuturo ng pagkamuhi sa ibang paniniwala

B. Ang relihiyon ay nagiging gabay sa pagkakaisa ng lipunan

C. Ang relihiyon ay bahagi ng pagkakakilanlan ng tao

D. Ang relihiyon ay pinagmumulan ng kabutihan at moralidad

81 of 129

8. Ayon sa tala, ilang porsyento ng populasyon ng bansa ang kabilang sa relihiyong Jehova’s Witness?

A. 2.6%

B. 0.8%

C. 0.4%

D. 10%

82 of 129

9. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon ng iba’t ibang relihiyon sa Pilipinas?

A. Pagkakahiwa-hiwalay ng mga tao sa lipunan

B. Pagtutunggali ng iba’t ibang pananampalataya

C. Pagkakaroon ng isahang paniniwala sa bansa

D. Pagiging bukas at mayaman ng bansa sa pananampalataya

83 of 129

10. Ano ang pinakatampok na layunin ng relihiyon batay sa tinalakay?

A. Itaguyod ang katayuan ng bawat simbahan

B. Ituro ang doktrina ng iisang pananampalataya

C. Mapalapit ang tao sa Diyos at mamuhay nang may kabutihan

D. Palakasin ang impluwensya ng mga lider ng relihiyon

84 of 129

Susi sa Pagkatuto:

    • D
    • D
    • A
    • A
    • C

6. B

7. A

8. C

9. D

10. C

85 of 129

IKATLONG ARAW: PAGSASABUHAY NG WASTONG PARAAN NG PAKIKIPAG-UGNAYAN

86 of 129

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

    • Natutukoy ang mga wastong paraan ng pakikipag-ugnayan sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala;
    • nakagagawa ng individual video clip (1–2 minuto) na nagpapakita ng pagsasabuhay ng paggalang sa paniniwala ng iba; at
    • naipapakita ang malasakit at kababaang-loob sa pakikisalamuha sa may ibang relihiyon.

87 of 129

Kataas-taasang mapagmahal na Diyos,

Pinararangalan Ka namin bilang pinagmumulan ng karunungan at liwanag. Salamat po sa bagong araw at sa biyayang matuto. Buksan Ninyo ang aming puso at isipan. Gabayan po ang aming mga guro sa pagtuturo, at kami naman ay matutong may galak at pag-unawa.

Nawa’y maging maka-Diyos ang aming pag-aaral—nawa’y lumago hindi lamang ang aming isip, kundi pati ang aming

puso.

Sa ngalan ni Hesus, Amen.

88 of 129

QOUTE

of the day

“Magpakumbaba kayo at ituring na higit ang iba kaysa inyong sarili.” – Filipos 2:3=

89 of 129

TALAKAYAN

90 of 129

Ang paggalang ay hindi lamang tungkol sa pagiging magalang sa pananalita. Ito ay tungkol sa pagtanggap at pag-unawa na ang bawat tao ay may sariling paniniwala na dapat igalang.

Hindi kailangang pareho ang ating relihiyon para makisama at magmahalan. Ang mahalaga ay alam nating lahat ay may karapatang manampalataya sa paraang alam nilang tama.

91 of 129

“Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa, upang hindi rin kayo hatulan.” – Mateo 7:1

92 of 129

Halimbawa:

Kung may kaklase kang Muslim na hindi kumakain ng baboy, huwag siyang pilitin o asarin. Kung may kaklase ka namang Katoliko na nag-aayuno tuwing Biyernes, igalang mo iyon kahit iba ang iyong kaugalian. Ang mga ganitong simpleng kilos ay nagpapakita na marunong kang umunawa at gumalang sa paniniwala ng iba.

93 of 129

Mga Wastong Paraan ng Pakikipag-ugnayan sa Kabila ng Pagkakaiba ng Paniniwala

94 of 129

Sa ating paaralan at komunidad, iba’t ibang tao ang ating nakakasalamuha—may iba’t ibang relihiyon, paniniwala, at kultura. Kaya mahalagang matutunan natin ang tamang paraan ng pakikipag-ugnayan upang mapanatili ang kapayapaan at respeto sa isa’t isa.

95 of 129

1. Makinig nang may Pag-unawa

Kapag may taong nagkukuwento tungkol sa kanilang relihiyon, huwag agad magbiro o maghusga. Makinig nang may interes at respeto.

Halimbawa: Kapag ipinaliwanag ng kaklase mo ang tungkol sa Ramadan, makinig at magtanong nang magalang.

96 of 129

2. Igalang ang Pananampalataya ng Iba

Hindi mo kailangang ipilit ang iyong paniniwala sa iba. Ang tunay na paggalang ay nakikita kapag kaya mong tanggapin na iba ang paniniwala ng iyong kapwa.

Halimbawa: Kung may kaklase kang may ibang paraan ng panalangin, hayaan mo siyang gawin ito sa paraang komportable siya.

97 of 129

3. Magpakita ng Kababaang-Loob

Ang taong may kababaang-loob ay marunong umamin na hindi siya laging tama. Tinatanggap niya na ang mundo ay binubuo ng iba’t ibang paniniwala, at hindi niya kailangang baguhin ang lahat ng tao.

Halimbawa: Kapag may hindi pagkakaunawaan tungkol sa relihiyon, huwag makipagtalo. Sa halip, sabihin mo, “Iba man ang paniniwala natin, nirerespeto ko pa rin ang iyo.”

98 of 129

4. Maging Mapagmalasakit

Ang malasakit ay hindi lamang sa mga taong katulad mo ang paniniwala. Ito ay pagnanais na makagawa ng kabutihan sa lahat, kahit hindi kayo pareho ng pananampalataya.

Halimbawa: Tumulong ka sa kaklase mong Muslim na nag-aayuno sa halip na tuksuhin siya.

99 of 129

PANOORIN NATIN:

100 of 129

PANOORIN NATIN:

101 of 129

Pagninilay:

Ang pagkakaiba-iba ng paniniwala ay hindi hadlang sa pagkakaibigan. Ang respeto ay hindi nangangahulugang pagsang-ayon sa lahat, kundi pagkilala na may karapatan ang bawat isa na manampalataya sa paraang alam nilang tama. Sa pamamagitan ng paggalang, nagkakaroon ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagmamahalan sa ating paaralan at komunidad.

102 of 129

Buod ng Aralin:

Ang paggalang sa paniniwala ng iba ay isang pagpapakita ng mature na pag-iisip at mabuting asal. Ang kababaang-loob at malasakit ay pundasyon ng tunay na pakikipag-ugnayan sa lipunan.

Kung matututunan nating igalang ang pagkakaiba, mas magiging mapayapa, makatao, at maka-Diyos ang ating pamayanan.

103 of 129

GAWAIN:

104 of 129

Gawain: “Ako, Iginagalang Ko” – Pagpapakita ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba

105 of 129

Panuto:

    • Gumawa ka ng maikling video (1–2 minuto) na may temang “Paggalang sa Paniniwala ng Iba.”
    • Sa iyong video, ipakita kung paano mo maisasabuhay ang paggalang, malasakit, at kababaang-loob sa pakikisalamuha sa mga taong may ibang relihiyon o paniniwala.

106 of 129

3. Maaari kang gumamit ng sitwasyong personal (totoong karanasan) o gawa-gawang eksena (acted scene).

4. Maaari mong gawin ito sa bahay, paaralan, o komunidad. Gumamit ng simpleng kagamitan gaya ng cellphone para sa pagre-record.

107 of 129

5. Siguraduhin na malinaw, magalang, at makatotohanan ang ipinapakita sa iyong video.

6. Ipasa ang iyong output sa itinakdang petsa sa iyong guro.

108 of 129

Pagmamarka ng Video Output

109 of 129

Pamantayan

Deskripsyon

Puntos

Nilalaman (10 pts)

Naipakita nang malinaw ang temang “Paggalang sa Paniniwala ng Iba”; may makabuluhang mensahe at positibong epekto sa manonood.

10

Pagpapahayag (10 pts)

Maayos ang tono ng boses, malinaw ang pananalita, at kapani-paniwala ang pagpapakita ng emosyon.

10

Pagpapakita ng Malasakit at Kababaang-Loob (10 pts)

Naipakita sa kilos, pananalita, at interaksyon ang tunay na paggalang, malasakit, at kababaang-loob sa pakikitungo sa iba.

10

110 of 129

Pamantayan

Deskripsyon

Puntos

Kalinawan at Katiwasayan ng Produksyon (5 pts)

Maayos ang pagkuha ng video (liwanag, tunog, at galaw ng kamera); simple ngunit epektibo ang presentasyon.

5

Pagkamalikhain (5 pts)

Orihinal ang ideya; ginamit nang maayos ang simpleng kagamitan upang mas mapalalim ang mensahe.

5

Kabuuang Puntos: 40

111 of 129

IKAAPAT NA ARAW: Pagkakaisa sa Kabila ng Pagkakaiba

112 of 129

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

    • Napatutunayan na ang paggalang sa paniniwala ng iba ay nagdudulot ng mapayapang pamumuhay;
    • nakikilahok sa collaborative group discussion tungkol sa interreligious dialogue at solusyon sa diskriminasyon; at
    • naipapakita ang pagnanais na maging tagapamagitan ng kapayapaan sa lipunan.

113 of 129

Kataas-taasang mapagmahal na Diyos,

Pinararangalan Ka namin bilang pinagmumulan ng karunungan at liwanag. Salamat po sa bagong araw at sa biyayang matuto. Buksan Ninyo ang aming puso at isipan. Gabayan po ang aming mga guro sa pagtuturo, at kami naman ay matutong may galak at pag-unawa.

Nawa’y maging maka-Diyos ang aming pag-aaral—nawa’y lumago hindi lamang ang aming isip, kundi pati ang aming

puso.

Sa ngalan ni Hesus, Amen.

114 of 129

QOUTE

of the day

“Mapapalad ang mga tagapamayapa, sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.” – Mateo 5:9

115 of 129

Ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng gulo. Ito ay pagkakaroon ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. Kapag iginagalang natin ang paniniwala ng iba, mas nagiging maayos ang ating ugnayan sa kapwa.

116 of 129

Halimbawa:

Kung may kaklase kang Muslim na nag-aayuno, irespeto ito at huwag magbiro tungkol dito. Kung may kaklase ka namang Katoliko na dumadalo sa misa tuwing Linggo, hayaan mo siyang gampanan ito nang walang panghuhusga.

117 of 129

Ang Epekto ng Diskriminasyon

Kapag ang mga tao ay nanghuhusga o nanlalait sa paniniwala ng iba, nasisira ang ugnayan at nawawala ang tiwala. Ang diskriminasyon ay parang apoy maliit man sa simula, kapag pinalaki, ay nagdudulot ng pagkakahiwalay at galit.

118 of 129

Ngunit kung ito ay papalitan ng paggalang at malasakit, ang apoy ng alitan ay napapalitan ng ilaw ng kapayapaan.

119 of 129

GAWAIN:

120 of 129

Panuto

    • Panoorin ng mga mag-aaral ang piling bahagi ng video na “Spitting, Hitting Attacks on Christians are Surging in Israel: ‘Extreme and Unacceptable’.” (Maaaring gamitin ang unang 5–7 minuto ng video bilang pangunahing bahagi ng talakayan.)

121 of 129

2. Pagkatapos ng panonood, ang mga mag-aaral ay bubuo ng mga grupo na binubuo ng apat (4) na kasapi.

    • Ang bawat grupo ay magkakaroon ng sumusunod na papel: facilitator, tagapagtala, tagapahayag, at tagapagbahagi ng emosyon (heart-feelings).

122 of 129

3. Sa loob ng 15 minuto, tatalakayin ng mga mag-aaral sa kani-kanilang grupo ang mga sumusunod na tanong:

a. Anong uri ng diskriminasyon o paglabag sa karapatang pantao ang ipinakita sa video?

b. Paano nakaaapekto ang pagkakaiba ng relihiyon sa pagtingin at pakikitungo sa iba?

c. Ano ang mga hakbang o solusyon na maaaring gawin ng kabataan upang isulong ang respeto at kapayapaan sa paaralan o komunidad

123 of 129

4. Pagkatapos ng talakayan, ang bawat grupo ay gagawa ng isang poster na may pamagat na “Tagapamagitan Ako.”

      • Ipapakita sa poster ang dalawang konkretong aksyon na maaaring ipatupad upang isulong ang kapayapaan at paggalang sa relihiyon.

124 of 129

5. Ipipresenta ng bawat grupo ang kanilang poster sa loob ng 2 minuto, kasunod ang 1 minutong feedback mula sa ibang grupo.

6. Pagkatapos ng presentasyon, magsusulat ang bawat mag-aaral sa kanilang kuwaderno ng isang personal na pangako na sumasalamin sa kanilang natutunan.

“Ako ay ______ upang maging tagapamagitan ng kapayapaan sa aking paligid

125 of 129

PANOORIN:

126 of 129

Rubrik sa Pagtataya

127 of 129

Pamantayan

Deskripsyon

Puntos

Paglahok sa Talakayan

Aktibong nakibahagi sa grupo; nagbahagi ng ideya at nakinig sa opinyon ng iba.

10

Kalinawan at Mensahe ng Poster/Slide

Malinaw ang tema, may kongkretong solusyon, at maayos ang pagkakapresenta ng mensahe.

10

Pagpapakita ng Pagnanais na Magtaguyod ng Kapayapaan

Nakapagsaad ng mga makabuluhang hakbang tungo sa respeto at pagkakaisa.

10

Feedback at Pagninilay

Maayos na pakikinig sa ibang grupo, pagbibigay ng makabuluhang puna, at pagninilay sa natutunan.

5

Kabuuang Puntos: 35

128 of 129

SANGGUNIAN

    • Aquino, A. F. (2023). Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 8 – Kuwarter 3, Aralin 4 (Linggo 4). Bureau of Learning Resources, Department of Education.
    • Cervantes, A. (2014, Oktubre 24). Mga Relihiyon sa Asya. SlideShare. Philippine Department of Education reference on comparative belief systems.
    • Dicastery for Interreligious Dialogue. (2023, Hunyo 22). What is Interreligious Dialogue? Vatican Publication. Ginamit bilang sanggunian sa pagpapalalim ng pag-unawa sa diyalogo sa pagitan ng mga relihiyon.

129 of 129

For more games, visit Hivessel.com

Don't forget to support us in our socials below!

hivessel

_hivessel

info.hivessel@gmail.com

Hivessel.com