MGA URI AT GAMIT NG MGA KASANGKAPAN SA PAGGAWA.�EPPIA-WEEK 2-a
Jabeth O. Campo
Tulay na Lupa Elementary School
MGA PANUKAT
MGA PAMUKPOK�
pampukpok ng materyales, at pambaon sa pait at pako.Ang ulo nito ay yari sa bakal.
MGA PAMBUTAS�
MGA PANG-IPIT�
MGA PAMPUTOL�
MGA PANGHASA�
TANDAAN NATIN
GAWIN NATIN
Magbigay ng 2 halimbawa ng mga proyektong maaaring mabuo sa gawaing kahoy ,kawayan at metal.
Kasangkapan | Paggamit |
| |
| |
| |
PAGYAMANIN NATIN
MGA PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN AT PANGKALIGTASAN SA PAGGAWA�EPPIA WEEK 2-b�
ALAMIN NATIN
LINANGIN NATIN
A. Dapat tandaan ang mga sumusunod na panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi.
1.Maglaan ng lugar ,kahon o kabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa.Makabubuting iayos ang mga ito ayon sa uri at gamit upang mapadali ang pagkuha at pagbabalik sa mga ito.
2.Gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapang dekuryente at kagamitang matatalim.Ang mga dekuryenteng kasangkapan ay ginagamit lamang kung kinakailangan at hindi dapat paglaruan.
3.Tiyakin na ang mga kasangkapang gagamitin ay nasa maayos na kondisyon.Iwasan ang paggamit ng mga kagamitang kinakalawang, mapupurol, maluwag ang turnilyo o kaya’y may sirang bahagi.
4.Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa .Huwag makipaglaro o makipag-usap habang humahawak ng mga maseselang kagamitan at kasangkapan.
5.Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang dekuryente bago gamitin ang mga ito.Makabubuting gamitin ang mga kasangkapang ito sa ilalim ng patnubay ng guro.
6.Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron, overall,at magpalit kaagad ng kasuotan matapos gumawa.
7.Maghugas mabuti ng kamay pagkatapos gumawa .Higit na mabuting maligo upang malinis ang buong katawan matapos makapagpahinga sa paggawa.
8.Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga kasangkapang tulad ng welding machine,lathe machine,mga kemikal,at iba pang makapipinsala sa katawan.
9.Hawakan ng wasto ang mga kasangkapan sa paggawa.
B. Pangkatang Gawain
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng maling paggamit ng mga kasangkapan. Ipaliwanag ang iginuhit.
TANDAAN NATIN
GAWIN NATIN
Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap, at M kung mali.
______1.Iwasan ang paggamit ng mga kasangkapang kinakalawang.
______2.Huwag makipaglaro o makipag-usap habang gumagamit ng maselang kagamitan.
______3.Ilagay ang mga kasangkapan sa paggawa sa bulsa ng pantalon.
______4.Itaas ang switch box bago matanggal ng piyus.
______5.Maglagay ng panakip sa bibig at mata habang gumagamit ng welding machine.
PAGYAMANIN NATIN