Amen.
Amen.
Kami’y nangungumpisal sa Iyo, O Diyos na makapangyarihan,
sa lahat ng mga Santo, at sa isa’t-isa na kami’y nagkasala sa aming naisip,
sa aming nasabi, sa aming mga nagawa, at sa nakaligtaan naming gawin;
at ito’y sarili naming kamalian. Kaya isinasamo namin sa Iyo, O Diyos,
na kaawaan kami,
at sa lahat ng Santo na ipanalangin kami sa Iyo Panginoong Diyos.
Amen.
Amen.
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Amen.
Genesis 2:18-24
Sinabi ng Panginoong Diyos:
“Hindi mainam na mag-isa ang tao;
bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.”
Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid,
inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon.
Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila.
Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan
sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap.
Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.
Kaya’t pinatulog ng Panginoon ang tao.
Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito
at pinaghilom ang laman sa tapat niyon.
Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki.
Sinabi ng lalaki, “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman,
buto ng aking buto; babae ang siyang itatawag sa kanya
sapagkat sa lalaki nagmula siya.”
Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina
upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging iisa.
Ang Salita ng
Panginoon.
Salamat sa Diyos.
MAPALAD ANG MAY TAKOT SA POON, SA KAKULANGAN SIYA’Y LAGING INAAHON
Hebreo 1:1-4, 2:5-12
Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba’t-ibang paraan
sa pamamagitan ng mga propeta.
Ngunit ngayon, siya’y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak.
Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sansinukob
at siya ang itinalaga niyang magmay-ari ng lahat ng bagay.
Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos,
sapagkat kung ano ang Diyos ay gayon din ang Anak.
Siya ang nag-iingat sa sansinukob
sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita.
Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan,
siya’y lumuklok sa kanan ng Diyos, ang makapangyarihan sa lahat.
Hindi sa mga anghel ipinailalim ng Diyos ang sanlibutan
na noo’y kanyang lilikhain – ang sanlibutang tinutukoy namin.
Sa halip ay ganito ang patunay sa isang bahagi ng Kasulatan,
“Ano ang tao upang iyong pangalagaan?
Sandaling panahong siya’y pinababa mo kaysa mga anghel,
ngunit pinagkalooban mo siya ng kadakilaan at karangalang marapat sa isang hari,
at ipinailalim mo sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay.”
Nang ipailalim ng Diyos ang lahat ng bagay sa kapangyarihan ng tao,
walang bagay na di ipinailalim sa kanya.
Sa kasalukuyan, hindi pa natin nakikitang napapailalim
sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay.
Subalit alam nating si Hesus,
bagamat sandaling panahong pinababa kaysa mga anghel,
ay binigyan ng karangalan at kadakilaan dahil sa kanyang pagkamatay.
Dahil sa pag-ibig ng Diyos, niloob niya na si Hesus ay mamatay para sa ating lahat.
Sa pamamagitan ng mga pagtitiis, siya’y pinapaging-ganap ng Diyos na lumikha
at nangangalaga sa lahat ng bagay,
upang makapagdala ng marami sa kaluwalhatian.
Marapat lamang na gawin niya iyon
sapagkat si Hesus ang pinagmumulan ng kanilang kaligtasan.
Si Hesus ang nagpapabanal sa kanila, at iisa ang Ama ng nagpapabanal
at ng pinapaging-banal.
Kaya’t hindi niya ikinahiyang tawagin silang mga kapatid.
Ganito ang kanyang sinabi: “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang iyong pangalan,
at aawit ako ng papuri sa iyo sa gitna ng kapulungan.”
Ang Salita ng
Panginoon.
Salamat sa Diyos.
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Marcos 10:2-16
Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus.
Ibig nilang masilo siya kaya’t kanilang tinanong,
“Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?”
Tugon niya, “Ano ang utos sa inyo ni Moises?”
Sumagot naman sila, “Ipinahintulot ni Moises
na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa
matapos bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.”
Ngunit sinabi ni Hesus,
“Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito.
Subalit sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan:
‘Nilalang niya silang lalaki at babae.
Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina,
at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y magiging isa.’
Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa.
Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”
Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Hesus
tungkol sa bagay na ito.
Sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa
at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa – siya’y nangangalunya.
At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa
at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin.”
May nagdala ng mga bata kay Hesus
upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay;
ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad.
Nagalit si Hesus nang makita ito, at sinabi sa kanila,
“Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang sawayin,
sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos.
Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos
tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.”
At kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila
at pinagpala sila.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon
Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Sumasampalataya kami sa iisang Diyos,
Amang Makapangyarihan,
na lumikha ng langit
at lupa,
at ng lahat ng nakikita at di-nakikita.
Sumasampalataya kami sa iisang Panginoong Hesukristo,
bugtong na
Anak ng Diyos,
nagmula sa Ama
bago pa nagsimula
ang panahon,
Diyos buhat sa Diyos, Liwanag buhat
sa Liwanag,
Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo,
Inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama.
Sa pamamagitan Niya ay nalikha ang lahat.
Na para sa ating mga tao at sa ating kaligtasan
ay nanaog Siya buhat sa langit:
sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo
ay ipinanganak Siya ni Mariang Birhen at naging tao.
Ipinako sa krus
alang-alang sa atin noong panahon ni Poncio Pilato;
nagpakasakit, namatay, at inilibing.
At muling nabuhay sa ikatlong araw sa katuparan ng mga Kasulatan.
Umakyat Siya sa langit
at naluluklok
sa kanan ng Ama.
At muling darating na maluwalhati
upang hukuman
ang mga buhay
at mga patay,
at ang kaharian Niya ay walang hanggan.
Sumasampalataya kami sa Espiritu Santo,
ang Panginoon na Tagapagbigay ng Buhay, na nagbubuhat sa Ama.
Sinasamba Siya at niluluwalhating kasama ng Ama
at ng Anak,
nagsalita Siya
sa pamamagitan
ng mga Propeta.
Nananalig kami sa Iglesyang Iisa, Banal, Katolika,
at Apostolika.
Naniniwala kami sa iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan,
at hinihintay namin ang muling pagkabuhay
ng mga namatay,
at ang buhay na walang hanggan.
Amen.
Panginoon, dinggin Mo kami.
Amen.
Panatilihin natin ang pagkakaisa na dulot ng Espiritu sa bigkis ng kapayapaan.
At sumaiyo rin.
Maawaing Diyos,
ipinagkaloob Mo
sa amin ang lahat
ng bagay,
sa Iyong kasaganaan
ay ibinibigay Mo
ang lahat ng aming pangangailangan.
Kami, na Iyong mga mapagkumbabang lingkod,
ay nag-aalay sa Iyo nitong sagisag ng aming pagtanaw ng utang na loob
sa lahat
ng Iyong kaawaan.
Amen.
Walang hanggang Diyos, pinatubo Mo ang butil,
at mula rito
ay ginawa namin
ang Tinapay na ito;
iniaalay namin ito
sa Iyo upang sa amin ay maging Tinapay
ng Buhay.
Ipagkaloob Mo
na kaming tatanggap nito ay mabuklod sa bigkis ng pag-iibigan.
Amen.
Makapangyarihan Diyos,
tanggapin Mo
ang Alak na ito
na aming ginawa mula sa Iyong mga kaloob:
ito nawa’y maging aming inuming espirituwal upang kaming tatanggap nito,
ay mapasigla
at mapanibago
sa paglilingkod sa Iyo.
Amen.
Tanggapin nawa
ng Panginoon
ang ating hain,
sa ikapupuri
at ikaluluwalhati
ng Kanyang Pangalan,
sa ating ikabubuti
at ng buo Niyang Iglesia.
Ang kagandahang
loob ng Panginoon
ay mananatiling
walang hanggan sa mga may takot sa Kanya,
at ang Kanyang pagkamatuwid sa sali't-saling lahi.
Maging sa mga sumusunod sa Kanyang tipan, at nakaala-alang
sumunod sa Kanyang kautusan.
Itinatag ng Panginoon ang Kanyang luklukan sa langit;
at ang Kanyang paghahari ay sumasaklaw sa lahat.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga anghel;
kayong may lakas at kapangyarihan na tumatalima sa Kanyang Salita.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga
hukbo. Kayong mga lingkod Niya na sumusunod sa Kanyang kalooban.
Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga gawa sa
lahat ng dako na Kanyang nasasaklawan, purihin ang Panginoon!
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Itaas ang inyong
mga puso.
Itinataas namin
sa Panginoon.
Magpasalamat tayo
sa ating
Panginoong Diyos.
Nararapat na Siya’y ating pasalamatan
at purihin.
Amen.
Amen.
Dumudulog kami sa Iyong hapag, maawaing Panginoon,
na hindi nagtitiwala sa sarili naming pagkamatuwid,
kundi sa Iyong marami’t dakilang awa.
Hindi kami karapat-dapat na mamulot ng mga mumo sa ilalim ng Iyong hapag.
Subalit likas sa Iyo
ang pagkamaawain.
Ipagkaloob Mo sa amin, kung gayon, butihing Panginoon,
na aming tanggapin ang Katawan ng Iyong mahal na Anak
na si Hesukristo,
at inumin
ang Kanyang dugo,
upang kami na pinalalakas at pinagiging bago ng Kanyang buhay,
ay manahan sa Kanya, at Siya’y sa amin, magpakailanman.
Amen.
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Makapangyarihan
at walang hanggang Diyos,
pinasasalamatan
Ka namin,
sapagkat kami’y Iyong pinakain ng pagkaing espirituwal:
ang kamahal-mahalang Katawan at Dugo ng aming Tagapagligtas na si Hesukristo.
At sa mga Banal na misteryong ito
ay tiniyak Mo na kami’y mga buhay na bahagi ng katawan ng Iyong Anak,
at mga tagapagmana ng Kanyang walang hanggang kaharian.
Ngayon Ama, isugo Mo kami upang gawin namin ang tungkuling iniatas Mo sa amin,
upang Ikaw ay ibigin at paglingkuran at ang aming kapwa,
bilang mga tapat na saksi ni Kristong aming Panginoon:
sa Kanya, sa Iyo, at sa Espiritu Santo, ang lahat ng karangalan at kaluwalhatian,
ngayon
at magpakailanman.
Amen.
Amen.
Ang Panginoon ay sumainyo.
At sumaiyo rin.
Salamat sa Diyos.