1 of 32

Paggamit ng Magagalang na Pananalita

FILIPINO 1

Quarter 2 Week 2

2 of 32

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang 1) makagagamit ng magagalang na pananalita na angkop na sitwasyon tulad ng pagpapakilala sa sarili; pagpapahayag ng sariling karanasan at pagbati; at

3 of 32

2) makapagtatanong tungkol sa larawan, kuwento, at napakinggang balita.

4 of 32

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa kabuoan ang paggamit ng mga ito ay pagpapakita ng respeto at paggalang sa kausap.

5 of 32

Magandang umaga po

Ito ay ginagamit sa pagbati sa umaga.

6 of 32

Magandang hapon po

Ito ay ginagamit sa pagbati sa hapon.

7 of 32

Magandang gabi

po

Ito ay ginagamit sa pagbati sa gabi.

8 of 32

Magandang araw po

Ito ay pagbati na maaaring gamitin sa umaga, hapon o gabi.

9 of 32

Makikiraan po

Ito ay ginagamit kung makikiraan.

10 of 32

Salamat po

Ito ay ginagamit sa pasasalamat.

11 of 32

Pasensiya na po

Ipagpaumanhin po ninyo.

Ito ay ginagamit sa paghingi ng paumanhin.

12 of 32

Maaari po ba?

Ito ay ginagamit bílang paghingi ng pahintulot.

13 of 32

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Sabihin ang mga sitwasyon na nagpapakita ng paggalang.

14 of 32

Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Paghingi ng paumanhin

Magalang na bumabati.

15 of 32

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Basahin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

16 of 32

  1. Ano ang magagalang na pagbati sa umaga?

Magandang umaga po!

Ano naman ang sasabihin kapag tanghali at hapon?

Magandang hapon po!

Magandang tanghali po!

17 of 32

2. Ano-ano ang magagalang na pananalita ang ginagamit sa pagpapakilala sa sarili?

Ako po si _____________.

18 of 32

3. Ano ang sasabihin mo sa bisita ng inyong pamilya bílang pagbati sa gabí?

Magandang gabi po.

19 of 32

4. Anong magalang na pananalita ang sasabihin mo bílang pakiusap?

Makikiraan po.

Makikiabot po.

Makikisuyo po.

20 of 32

5. Ano ang sasabihin mo sa inyong magulang bílang pasasalamat?

Maraming salamat po.

21 of 32

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Sagutin ang sumusunod na mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno

22 of 32

  1. Nais mong isauli sa iyong nakatatandang kapatid ang hiniram mong ballpen.

A. Ito na ang ballpen mo.

B. Maraming salamat po, Ate.

C. Hindi ko na isasauli.

23 of 32

2. Ibig mong magpaalam sa iyong ina upang dumalo sa kaarawan ng iyong kaklase.

  1. Inay, maaari po ba akong dumalo sa kaarawan ng kaklase ko?

B. Inay, pupunta ako sa kaklase ko.

C. Pupunta ako sa kaklase ko.

24 of 32

3. Nasalubong mo si Gng. Francisco na iyong guro isang umaga.

  1. Magandang umaga po, Gng. Francisco!

B. Magandang umaga.

C. Saan ka pupunta?

25 of 32

4. Nais mong hilingin sa iyong tatay na iabot ang baso na nása tabi niya.

  1. Iabot mo nga ang baso.
  2. Pakiabot po ng baso, tatay.
  3. Akin na ang baso tatay.

26 of 32

5. Binigyan ka ng báong pera ng iyong tatay.

  1. Kulang pa po tatay.
  2. Salamat po tatay.
  3. Huwag na tatay.

27 of 32

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Isulat ang tsek (✓) sa iyong kuwaderno kung ang pahayag sa bawat bílang ay nagpapahayag ng paggalang.

28 of 32

_____ 1. “ Magandang hapon po, Ginoong Alex.”

_____ 2. “Bb. Sanchez, maaari po ba akong lumabas at magtungo sa canteen?

_____ 3. “Alis diyan,

Gng Perez.”

29 of 32

_____ 4. “Hindi ko sinasadya, Whena. Ipagpaumanhin mo.” _____ 5. “Paraan nga, nakaharang ka sa daan.”

30 of 32

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Punan ang patlang ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

31 of 32

Gagamit ako ng m______________ na pananalita sa aking pakikipag-usap sa matatanda at kamag-aral sa lahat ng pagkakataon.

agagalang

32 of 32

Binabati kita! Natapos mo na �ang ika-2 linggo sa ika-2 markahan ng ating aralin!