1 of 31

ESP Q3 WEEK 6 DAY 1-5

Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng

pamahalaan na may

Kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan.

25.1 Paggalang sa karapatang pantao

25.2 Paggalang sa opinion ng iba

25.3 Paggalang sa ideya ng iba

ALEXANDRA G. BIRCO

SPET 1

Division of Nueva Vizcaya

2 of 31

Alamin

(Unang Araw)

3 of 31

Ano-ano ang mga iligal na gawain na nakasisira sa ating kapaligiran? Paano tayo makatutulong upang mapigilan ang mga gawaing ito?

4 of 31

Ang pagiging vigilant sa mga iligal na gawain ay pagpapakita ng pagrespeto sa kalikasan. Ang respeto ay dapat nating ibigay lalo’t higit ay sa ating kapwa. Tingnan ang diyagram sa ibaba. Punan ang mga biluhaba ng kaugnay na salita ng salitang nasa gitna.

5 of 31

Ayusin ang mga letra na nasa ibaba upang makabuo ng salita.

  1. A G A L A N G N G A A P
  2. I S A I P K I I K A
  3. A A P N A A Y P A K

4. I K A A A K N S L

5. N T A R A P A A K

6 of 31

Basahin ang tulang Respeto

Respeto

ni Corazon S. Vizmanos

Minsan isang araw

Aking napagmasdan

Kartero’y patungo

Sa bawat sambahayan.

Sa kanyang balikat

May bag na mabigat

May sobreng hawak-hawak

Sa kamay, habang naglalakad.

Inabot kapagdaka

Sa bata ang isa

7 of 31

Ngunit bago lumisan

Ang karterong pagal

Nagbilin sa batang

Sulat ay huwag bubukasan.

Mangha ma’y hinabol

Ng batang nagtataka

Ang karterong palayo na

At saka nagsalita…

Mamang kartero,

8 of 31

Maaari bang malaman ko ang dahilan

Kung bakit ang sulat ay

Huwag kung bubuksan?

Simple lang ang dahilan

Ang agad niyang kasagutan.

Ito ay sa tatay mo

Sa kanya’y ibigay mo

Iyong irespeto

Pagkat iyan ang tatak

Ng mabuting pagkato.

9 of 31

a. Paano mo ilalarawan ang ugaling taglay ng kartero?

b. Kung ikaw ang bata sa tula, susundin mo ba ang bilin ng kartero? Bakit?

c. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga linya ng tula sa huling saknong.

10 of 31

Matapat na sagutin.

a. Importante bang magkaroon ng pagrespeto sa iba kahit pa ito ay malapit na miyembro ng iyong pamilya? Bakit?

b. Sa paanong paraan pa maipakikita ang paggalang sa karapatan ng ibang tao?

11 of 31

Isagawa

(Ikalawang Araw)

12 of 31

Bashin ang tula

Opinyon ng Iba, Igalang

ni G. Manuel B. Franco

Ang bawat isa’y may saloobin

Nais ipabatid ng bawat isa sa atin

Opinyon at pananaw ating bigyang-pansin

Karapatang pantao laging pakalimiin.

Di ba’t kay ganda, kung ang mga tao’y nagkakaisa

Opinyon at saloobin, kanilang naipahahayag nang malaya

13 of 31

Respeto at paggalang sa oipnyon ng iba’y makita

Ng bawat isa sa tuwi-tuwina.

Ako, ikaw, tayong lahat ay magkaisa

Paggalang sa opinion nawa’y laging alintana

Dulot nito’y kapayapaan sa buong madla

Hangad nating lahat upang maging mapayapa.

Kaya’y payo ko’y pakatandaan

Iyo sanang isakatuparan

Paggalang sa opinion ng kapwa, sanay huwag kaligtaan

Karapatang pantao, ganap na makamtan.

14 of 31

2. Sumulat ng maikling paliwanag kung paano natin maipakikita ang paggalang sa karapatan ng iba na magbigay ng saloobin o sariling opinyon.

15 of 31

Gawain 2: Pangkatang gawain

Pangkat 1: Gumawa ng isang pantomina na nagpapakita ng paggalang/pagrespeto sa karapatan ng ibang tao.

Pangkat 2: Kumatha ng isang jingle na nagpapahayag ng paggalang/ pagrespeto sa opinyon o saloobin ng ibang tao.

Pangkat 3: Sumulat ng isang tula tungkol sa respeto sa kapwa.

16 of 31

Rubrik

17 of 31

Isapuso

(Ikatlong Araw)

18 of 31

Gawain 1

Basahin ang sitwasyon ang sagutin.

May dumating na isang package galing abroad para sa ate mo. Gustong-gusto mong malaman kung ano ang nilalaman nito. Pero nagdadalawang isip ka dahil baka magalit ang iyong ate. Alin sa dalawa mong naiisip ang iyong isasagawa? Bakit?

19 of 31

Gawain 2

Atasan ang mga mag-aaral na bumalik sa kanilang kapangkat. Magkaroon ng isang pagtatanghal na nagpapakita ng paggalang sa saloobin o opinyon ng iba sa harap ng isang pagpupulong. Bago simulan ang pagtatanghal ay ipaliwanag sa mga bata ang mga pamantayan sa pagmamarka.

20 of 31

21 of 31

Gawain 3

Limiin at unawain ang ibig ipakahulugan ng isang saknong na hango sa awiting “Cotabato” ng grupong Asin. Isulat sa isang papel ang iyong pananaw dito.

“Prinsipyo mo’y igagalang ko

Kung ako’y iyong nirespeto

Kung nagtutulungan tayo

Di sana magulo ang bayan ko.”

22 of 31

TANDAAN NATIN

23 of 31

Ang paggalang ay hindi lamang naipakikita sa paghalik sa kamay at pagmamano. Nagagawa rin naman ito sa pagbibigay ng respeto. Paggalang sa opinyon ng kapwa ay laging isakatuparan upang magkaunawaan ang bawat nilalang, dulot nito’y sadyang kapayapaan.

24 of 31

Ang pakikiisa sa programa ng pamahalaan,paggalang sa karapatang pantao at paggalang sa desisyon ng iba ang daan tungo sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa

25 of 31

Isabuhay

(Ika-apat na Araw)

26 of 31

Basahin ang sitwasyon at sagutin ito ng buong husay.

1. Gabing-gabi na at patuloy pa rin sa pagtugtog ng gitara si Arlene kahit

marami na ang natutulog.

2. Habang nasa opisina ang ama ni Ambet ay pinakikialaman nito ang mga

gamit nitong hindi ipinapahiram sa kanya.

27 of 31

3. Hinikayat ng guro ang mga mag-aaral na magkwento ng kanilang karanasan sa kanilang nagdaang bakasyon.Marami sa kaklase ni Sheena ang nagkwento tungkol sa pagbabakasyon nila sa iba’t ibang lugar.Ng tawagin siya nag-imbento na lamang si Sheena ng kwento upang hindi mapahiya sa

mga kaklase.

28 of 31

4. Hindi nakisali si Arman sa panglalait kay Amboy,bagkus binabawal pa nga

niya ang mga ito.

5. Pinilit ni Fe na tanggihan ni Lorna ang inaalok ng guro na sumali sa

paligsahan ng awit upang siya ang alukin ng guro kahit alam ni Fe na mas

mahusay umawit sa kanya si Lorna.

29 of 31

Subukin

(Ikalimang Araw)

30 of 31

Lagyan ng tsek ang mga mabuting gawi at ekis ang masamang gawi ayon sa sariling kaalaman

______ 1. Buksan ang sulat na hindi sa iyo kapag walang nakakakita.

______ 2.Pakialaman ang personal na gamit ng iyong kasama sa bahay man o paaralan

_______ 3.Paghingi ng pahintulot sa kapwa bago gumalaw o

kumuha ng kagamitan ng iba.

_______4 Kontrahin agad-agda ang opinion ng inyong kapwa.

_______5. Pakinggan ang opinion ng iba bilang paggalang sa karapatang pantao.

31 of 31