IBONG ADARNA
KATANGIAN AT PAPEL
NG MGA TAUHAN
BASAHI NATIN!
Mga Tauhan sa Ibong Adarna
Mga Pangunahing Tauhan sa Ibong Adarna
Don Pedro
Ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor. Siya ay makasarili at mainggitin lalo na sa kapatid na si Don Juan na ilang beses niyang pinagtaksilan.
Don Diego
Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Nang hindi makabalik si Don Pedro ay siya naman ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman.
Don Diego
Madali siyang naiimpluwensyahan ng nakatatandang kapatid na si Don Pedro sa mga masamang balak nito, kung kaya naging mainggitin na rin siya sa kanilang nakababatang
kapatid.
Don Juan
Ang bunso sa magkakapatid na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang, at may mabuting kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna. sa Bundok Tabor at nakapagligtas sa kaniyang dalawang kapatid. Madaling mahulog ang kaniyang kalooban sa mga dalagang nakilala sa kaniyang pakikipagsapalaran.
Donya Juana
Ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang higante ang
nagbabantay sa prinsesa na kinailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga.
Donya Leonora
Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang serpiyente. Nang makilala siya ni Don Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng dalaga.
Donya Maria Blanca
Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay na kapangyarihan ang dalagang ito. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya ang binata upang malagpasan ang maraming pagsubok na inihain ng ama niyang si Haring Salermo. Sa huli ay sila rin ni Don Juan ang nagkatuluyan.
Ibong Adarna
Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa Bundok ng Tabor. Tanging ang magandang tinig ng ibong ito ang makapagpapagaling sa mahiwagang sakit ni Haring Fernando ng Kahariang Berbanya.
Haring Fernando
Ang butihing hari ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang
karamdaman.
MGA PANTULONG NA TAUHAN
Reyna Valeriana
Ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro, at Don Diego.
Haring Salermo
Hari ng Reyno de los Cristales na ama ni Donya Maria Blanca. Naghain siya ng napakaraming pagsubok na kailangang malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga.
Mga ermitanyo
Ang mahihiwagang matandang lalaking nakilala ni Don Juan sa kaniyang
paglalakbay at palaging nakatutulong sa kaniyang mga pakay. Bawat lugar na kaniyang puntahan ay nakakikilala siya ng isa sa mga ermitanyong ito.
Higante
Mabagsik, malakas, at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana. Nakatakas lamang si Donya Juana mula sa pagiging bihag niya nang matalo at mapatay siya ni Don Juan.
Serpiyente
Isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora.
Nakipaglaban dito si Don Juan at nang matalo ito ay nakalaya na si Donya Leonora.
Lobo
Ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya ay mahulog sa balon dahil sa pataksil na pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali sa kaniyang baywang.
Agila
Isa sa mga ibong pinatawag ng ermitanyo na tanging nakaaalam tungkol sa Reyno de los Cristalesat naghatid doon kay Don Juan.
SANGGUNIAN
Dela Cruz- Oracion, Leonora. 2015. Gantimpala 7: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Sta. Ana Manila: Innovative Educational Materials, Inc.
Guimarie, Aida M. 2015. Kalinangan 7: Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan) para sa Hayskul. Recto, Manila: Rex Book Store.
Dayag, Alma M. 2017. Pinagyamang Pluma 7. Unang Edisyon. Lungsod ng Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.