1 of 17

2 of 17

Ano-anu ang mga negatibong epekto ng ugnayang Pilipino-Amerikano tungkol sa Parity Rights?

3 of 17

Ano ang ipinapahiwatig ng larawan patungkol sa ugnayan pangkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika?

4 of 17

Ano ang masasabi mo sa mga bagay na nasa larawan?

Saan galing ang mga produktong ito?

Tinatangkilik ba ng mga Pilipino ang mga produktong ito? Bakit?

5 of 17

Colonial Mentality o Isip-Kolonyal

Naging mala-Kanluranin ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino. Nasanay sila sa paggamit ng mga bagay na yari sa Amerika. Naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa Amerika at napabayaan ang sariling atin.

6 of 17

Ano sa tingin nyo ang masamang epekto ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong gawa sa Amerika?

7 of 17

Inisip nila na ang bagay na yari sa Amerika, pati na mga gawain at ugaling Amerikano o nabibilang sa maputing lahi ay higit na maganda at mabuti kaysa sa sariling atin. Nagkaroon ng colonial mentality.

Ano ang colonial mentality?

8 of 17

Nagkaroon ng pagbabago sa kultura ng mga Pilipino. Nagbago ang pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naiba ang pakikitungo sa mga magulang. Nawala ang pagmamano sa nakatatanda. Ang pagbati ng “Hi!” ang ipinalit nila sa pagmamano. Ang pagbubuklod ng mag-anak na Pilipino ay naging maluwag.

9 of 17

Paano nakaapekto sa kultura ng mga Pilipino ang colonial mentality?

Sang-ayon ba kayo sa pagbabago sa kultura ng mga Pilipino? Bakit?

10 of 17

Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino. Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino. Bestida ang naging kasuotan ng mga babae. Ang mga sapatos nila ay may mataas na takong at may handbag. Amerikana, polo shirt, at kurbata naman ang naging kasuotan ng mga lalaki.

Mas nanaisin nyo ba manamit na gaya ng mga Amerikano? Bakit?

11 of 17

Ang ilan sa ating mga pangalan tulad ng John, Charles, Mary, at Ann ay galing din sa mga Amerikano. Ang ilan sa mga pagkain ay nabago rin. Nadagdag ang steak, hotdog, corned beef, at soft drinks.

Sa inyong palagay, ayos lang ba na gumamit ng mga pangalan na galing sa mga Amerikano? Bakit?

12 of 17

  1. Pagbaba ng antas ng ekonomiya ng Pilipinas.
  2. Pagbaba ng porsyento ng mga nais mag-invest sa ating mga produkto.
  3. Napag-iiwanan ang Pilipinas sa mga bansang umaangat.

Anu-ano nga ba ang negatibong epekto ng colonial mentality lalo na sa pagtangkilik ng mga produktong Amerikano?

13 of 17

Ano mas tatangkilikin mo, produktong Pilipino o produktong Amerikano? Bakit?

14 of 17

Tangkilikin ang sariling atin upang umunlad ang bayang minamahal natin. Tayo ay maging makabayan at huwag puro gawang banyaga ang hangaan. Huwag nating hayaang sa sariling bayan ay maging isang dayuhan.

15 of 17

Ito ay ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong gawa sa ibang bansa, maging sa mga kultura ng ibang bansa.

16 of 17

Tama o Mali

  1. Napapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa pagtangkilik sa mga produktong gawa sa ibang bansa.
  2. Dahil sa colonial mentality, nagbago ang pag-uugali at ilang kultura ng mga Pilipino.
  3. Mas kinahiligan ng mga Pilipino ang mga produktong Amerikano.

17 of 17

4. Mas pinapaunlad natin ang ekonomiya ng ibang bansa kapag tinatangkilik natin ang produkto nila.

5. Ang colonial mentality o isip-kolonyal ay hindi na mawawala sa kaugalian ng mga Pilipino.