1 of 28

Araling Panlipunan 2

Quarter 2 Week 8

Kahalagahan ng Pagkakakilanlang Kultural ng Komunidad

2 of 28

WELCOME

3 of 28

Naaalala mo ba ang mga kuwento tungkol sa mga pagdiriwang sa iyong komunidad? May paborito ka bang pagkain na itinitinda sa iyong komunidad?

Mayroon bang lumang bagay sa inyong

bahay na may kuwento sa nakaraan? Ang

sagot sa mga tanong na ito ay higit na

magpapakilala sa iyo sa iyong komunidad.

Pagkatapos ng araling ito,

inaasahang matutuhan mo ang

pagbibigay halaga sa

pagkakakilanlang kultural ng

iyong komunidad.

4 of 28

Nakikita mo pa ba ang nasà larawan sa kasalukuyan?

Ano ang tawag sa kaugaliang ito?

Dapat bang ipagpatuloy ang kaugaliang ito?

5 of 28

ANG KULTURA NG KOMUNIDAD

Ang bawat komunidad ay may kani-kaniyang pagkakakilanlan batay sa kulturang mayroon ito. Ano nga ba ang kultura? Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Kasama rito ang kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa.

Ang mga awit, sining, kasabihan, kagamitan, at mga pagdiriwang ay ilan din sa mga bagay-bagay na bumubuo ng tinatawag natin na “kultura”.

6 of 28

May dalawang uri ng kultura. Ito ay ang materyal at di-materyal na kultura. Ang materyal na kultura ay hango sa tradisyonal at mga nililikhang mga bagay-bagay ng mga tao. Ito ay nahahawakan at nakikita.

Ang mga halimbawa nito ay mga kasangkapan, pananamit, pagkain at tirahan. Ang di-materyal na kultura naman ay hindi nahahawakan ngunit nakikita sa mga gawain o ugali ng mga tao sa isang grupo. Ang halimbawa naman nito ay mga kaugalian, paniniwala, relihiyon, pananalita, sining, pamahalaan at edukasyon

7 of 28

Bawat komunidad ay may sariling kultura na nagpapakilala rito. Mahalaga na bilang bahagi ng komunidad ay maipagmalaki at mapahalagahan mo ito upang mapanatili ang pagkakakilanlan ng sariling komunidad.

8 of 28

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 1!

Sagutin ang mga tanong batay sa binasa. Isulat ang iyong sagot sa kuwardeno.

9 of 28

1. Ano ang kahulugan ng kultura?

2. Ano ang dalawang uri ng kultura?

Ipaliwanag ang kanilang

pagkakatulad at pagkakaiba.

3. Bakit dapat pahalagahan ang

kultura ng sariling komunidad?

10 of 28

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 2!

Isulat sa iyong kuwaderno ang T kung tama ang naipahahayag na kaisipan ng bawat aytem at M naman kung mali.

11 of 28

_______1. Ipagpatuloy ang mga magagandang kaugalian at tradisyon ng sariling

komunidad.

_______2. Ang kultura ng sariling

komunidad ay ikahiya sa ibang

komunidad.

_______3. Ipakilala sa mga taga

ibang lugar ang kulturang mayroon

ang sariling komunidad sa

pamamagitan ng social media.

12 of 28

_______4. Imbitahan ang mga kaibigan na dumalo sa kapistahan ng sariling komunidad kung

pinahihintulutan na ng mga awtoridad.

_______5. Ipasyal sa mga

makasaysayang lugar sa komunidad

ang mga kamag-anak mula sa

ibang lugar kung pinahihintulutan

na ng mga awtoridad.

13 of 28

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 3!

Mangalap ng mga larawan ng iba’t ibang pagkakakilanlang kultural ng sariling komunidad. Kung walang larawan, maaari mo itong iguhit. Idikit o iguhit ito sa loob ng kahon. Isulat sa loob ng hugis puso kung paano mo ito pinahahalagahan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

14 of 28

15 of 28

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 4!

Umisip ng isang malikhaing paraan ng pagpapakilala ng kultura ng sariling komunidad. Maaaring awit, tula, rap, spoken poetry at iba pa. Isulat ito sa kuwaderno at ipakita o iparinig ito sa pamilya.

16 of 28

Lumikha ng isang poster o larawan na nagpapakita ng iyong pagmamalaki at pagapapahalga sa kulturang mayroon ang iyong komunidad. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 5!

17 of 28

18 of 28

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 6!

Magsaliksik tungkol sa materyal at di-materyal na kultura sa iyong komunidad. Gumuhit ng isang halimbawa ng materyal at di-materyal na kulturang nalaman mo. Iguhit ito sa loob ng kahon. Sumulat ng isa (1) hanggang dalawang (2) pangungusap tungkol dito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

19 of 28

____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________

____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________

20 of 28

GAWAIN SA PAGKATUTO BÍLANG 7!

Sagutin ang mga tanong tungkol sa aralin. Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa kuwaderno.

21 of 28

1. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.

A. kultura

B. materyal na kultura

C. di-materyal na kultura

D. tradisyon

22 of 28

2. Hango ito sa tradisyonal at mga nililikhang mga bagay-bagay ng mga tao.

A. kultura

B. materyal na kultura

C. di-materyal na kultura

D. tradisyon

23 of 28

3. Hindi ito nahahawakan ngunit nakikita sa mga gawain o ugali ng mga tao sa

isang grupo.

A. kultura

B. materyal na kultura

C. di-materyal na kultura

D. tradisyon

24 of 28

4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng materyal na kultura MALIBAN

sa _________

A. kaugalian

B. tirahan

C. kasangkapan

D. pagkain

25 of 28

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural ng komunidad?

A. pagmamalaki ng produkto ng komunidad

B. pagsusuot ng damit na gawa sa sariling komunidad

C. pag-imbita sa mga kaibigan na

bisitahin ang mga lugar sa sariling komunidad kung pinahihintulutan na

ng awtoridad

D. lahat ng nabanggit

26 of 28

27 of 28

Ang bawat komunidad ay may pagkakakilanlang kultural. Bilang bahagi ng komunidad tungkulin mong pahalagahan ang pagkakakilanlang kultural ng sariling komunidad.

Bilang mag-aaral, dapat ay alam mo ang mga ito. Tandaan, isapuso, pangalagaan at ipagmalaki ang mga ito.

Dahil dito, ako ay nangangako na _________________________

______________________________________________________________________________________________________________________

Punan ang patlang ng iyong mga pangako upang mabuo ang diwa ng mga talata.

28 of 28

THANK YOU