Rosabel D. Geraga
Sta. Cruz Elem. School
Division of Cavite City
Layunin:
Naipakikita ang Pasasalamat sa Diyos (Esp 5 PD-IV e-i-15)
Unang Araw
Balik-aral:
Ano-ano ang mga wastong paraan ng pangangalaga sa katawan?
Itanong sa mga mag-aaral:
Sino siya?
Naniniwala ba kayo sa Kanya?
Paano mo maipakikita ang pagmamahal o pasasalamat sa Dakilang Lumikha?
Iproseso ang kasagutan ng mga mag-aaral
Ipabasa ang Sampung Utos ng Diyos
Paglalahat:
Ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos ay nagpapakita ng pagiging mabuting anak ng Diyos. Kaya ito ay ating isabuhay sa ating pang-araw-araw na buhay.
Pagtataya:
Bakit kailangan natin sumunod sa sampung utos ng Diyos? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ikalawang Araw
Balik-aral:
Ano ang iyong saloobin tungkol sa Sampung Utos ng Diyos?
Gawain 1:
Pngkatin ang mag-aaral sa dalawa. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng metacards kung saan nakasulat ang 10 utos ng Diyos. Pagsusunudsunurin nila ang mga ito
Isagawa Natin
Gawain 2:
Ang bawat Utos ng Diyos ay ipapaliwanag ng grupo
Rosabel D. Geraga
Balik-aral:
Ano ang inyong natutuhan sa mga ipinaliwanag ng bawat pangkat tungkol sa Sampung Utos?
Ikatlong Araw
Magpakita ng larawan nina Adan at Eva.
Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
Bakit kaya sila natuksong kainin ang prutas?
Magbigay ng mga halimbawa ng iyong gagawin upang maipakita ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos.
Tandaan Natin:
Ang pagmamahal sa Diyos ay maipakkikitang lubos kung ang bawat isa sa atin susunding lubos ang kanyang mga kautusan
Lagyan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag
Kautusan ay dapat _________
Na bilin ng _____ sa atin
Ito’y dapat Gawain
Lalo’t sa ikaaayos _______
sundin Relihiyon natin
Isapuso Natin
Balik-aral:
Ano ang dapat gawin sa sampung utos ng Diyos?
Ikaapat na Araw
Magpakita ng larawan ni Moses at ng mga taong sumusunod sa sampung utos ng Diyos.
Ano ang kahalagahan ng pagsunod natin sa sampung utos ng Diyos?
Gawing gabay ang sampung utos ng Diyos, pumili ng nais iguhit, gawin ito sa bond paper.
Pagpangkat sa mga mag-aaral . Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng maikling role play o dula dulaan na tumatalakay sa 10 utos ng Diyos
Isabuhay Natin
Ikalimang Araw
Balik-aral:
Ano ang inyong natutuhan sa ipinakitang dula-dulaan kahapon?
Magpanood ng maikling video clip tungkol sa Sampung Utos ng Diyos.
https://www.youtube.com/watch?v=EilEV7lZRZ0
Ano ang inyong natututuhan sa inyong napanood?
Ano ang nais ipahiwatig o iparating sa atin ng inyong videong napanood?
Sumulat ng maikling paliwanag tungkol sa videong “Ten Commandments”
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot
1.May mahalaga kang pupuntahan ngunit kailangan mong magsimba, dahil araw ng pagsimba ngayon, Ano ang gagawin mo?
a.Hindi na lang ako magsisimba
b. Ipagpapaliban ang pagsimba
c. Gagawa ng paraan upang makasimba
Subukin Natin
2. Di sinasadyang nabasag mo ang figurine ng iyong guro.Alam mong paborito niya ito, Ano ang iyong gagawin?
a. Itapon na lamang ang nabasag na figurine
b. Ipagtapat sa guro ang nangyari at humingi ng patawad.
c. Gagawa ng paraan. Ipapagkit ang bawat bahagi ng figurine
3. May usong sapatos ngayon. Lahat ng iyong kabarkada ay mayroon na. Nagsabi ka sa iyong ina ngunit wala daw kayong pera.,Ano ang gagawin mo?
a. Magagalit ka sa iyon ina
b. Hindi papayag ipipilit na ibili ka ng sapatos
c.Igagalang ang sinabi ng ina at sa sususnod na lamang magpapabili
4. Nakasimot ka ng pera sa loob ng silid aralan,nagkataong wala kang baon dapat bang ibili mo ang perang nasimot?
a. Oo dahil gutom na gutom ka na
b. Hindi po dapat ay ipagtanong kung kanino ito
c.Opo dahil nasimot ko na naman ang pera
5. Nagtatrabaho sa m alayong lugar ang iyong ama . Isang araw nakita mong may kasama itong iba sinabihan kang huwag ng sasabihin sa iyong ina. Ano ang dapat mong gawin?
a.Patay malisya na lamang sa nakita
b.Magagalit sa ama
c.Ipagtatapat sa ina ang iyong nakita.