Bahaging Ginagampanan ng Kababaihan sa Lipunan
Inihanda ni:
Mery Grace Sefil-De la Fuente
Labog Elementary School
Labog, Sofronio Española,Palawan
Ano ang naaalala mo kapag nakakakita ka ng mga babaing ganito ang kasuotan?
Pag-aralan mo ang larawan. Ano ang ipinakikita nito? Ganito rin ba ang kalagayan ng mga kababaihan ngayon?
Ang Kababaihan sa Panahon ng Español
Sa panahon ng Español ang mga kababaihan ay iginagalang at ikinararangal din. Sila ay mga pantahanan lamang. Inaasikaso nila ang pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak sa tahanan. Tungkulin ng kanilang asawa na ibigay sa kanila ang kinita sa paghahanapbuhay.
.
Hindi pinapayagang makisalamuha ang mga babae sa mga lalaki. Hindi sila pinapayagang dumalo sa mga kasayahan nang nag-iisa. Kailangang may kasamang kapatid o sinumang kamag-anak.
Hindi rin sila kailangang makaabot sa mataas na pinag-aralan tulad ng pagiging doktora, manananggol, o inhinyera. Sa halip ay sinasanay silang maging mabuting maybahay at mapagmahal na ina.
.
Kung tagurian ang mga babae ay Maria Clara dahil ang Maria Clara ay simbolo ng pagiging mahinhin, mahinahon, magpagpakumbaba, matimpi, at maingat sa pagkilos.
Ito ang mga tradisyunal na bahaging ginampanan ng mga babae noon sa lipunan.
Sagutin mo:
1. Anu-ano ang mga tungkulin sa tahanan ng mga kababaihan?
2. Anong uri ng edukasyon ang kanilang natatamo lamang?
3. Bakit sila tinaguriang Maria Clara?
May mga kababaihang nagpamalas ng talino at katapangan upang ipaglaban ang kalayaan ng mga Piipino. Ipinakita nila na ang mga babaeng Pilipina ay di lamang para sa mga gawaing-bahay. Maaari rin silang gumanap ng mahalagang bahagi para sa bayan. Si Gregoria de Jesus ang naging tagapag-ingat ng lahat ng mahahalagang kasulatan ng katipunan at himagsikan.
Si Melchora Aquino na tinaguriang Tandang Sora at Ina ng Balintawak ay malaki rin ang naitulong sa katipunan. Naging kanlungan ang kanyang tahanan at ginamot niya ang mga sugatang katipunero.
. Si Trinidad Tecson naman ay tinaguriang Ina ng Biak-na-Bato. Gumanap siya ng tungkulin bilang nars sa Biak-na-Bato. Ang mga babaeng ito ay ilan lamang sa maraming bayaning babae na naglingkod para sa bayan. Di tradisyunal na bahagi ng kanilang ginampanan.
Sagutin mo:
1. Anu-ano ang mga di tradisyunal na gawaing ginampanan ng mga tinukoy nating mga bayaning babae?
2. Anu-ano ang mga ipinamalas nilang katangian?
GAWAIN A
a. nagsasaing b. namamasukan c. nagtuturo d. naglalaba e. nagluluto | f. naglilingkod sa restaurant g. namamalantsa h. nag-aasikaso ng pamilya i. bumubunot ng ngipin j. nagtatanggol sa nasasakdal |
Tradisyunal | Di- tradisyunal |
a,d,e,g,h,
| b,c,f,i,j |
Pumalakpak ng 5 kung tama at 1 palakpak naman kung mali ang isinasaad ng mga sumusunod na pahayag.
Sipiin mo ang nakalarawang puso sa iyong kuwaderno. Dito mo isulat ang iyong kasagutan.
GAWAIN B
Ilahad ang kabutihan at di- kabutihang idinulot ng pagbabago sa bahaging ginampanan ng kababaihan sa panahon ng kolonyalismo.
Group Debate
GAWAIN C
Ihambing ang kababaihan sa panahon ng ninuno at sa panahon ng Español. Ano ang kanilang pagkakatulad? Ano ang kanilang pagkakaiba?
Panahon ng
Ninuno
Panahon ng
Español
Pagkakatulad
TANDAAN MO
NATUTUHAN KO
Isulat sa sagutang papel ang titik T kung Tradisyunal ang tinutukoy na bahaging ginampanan ng kababaihan sa lipunan at DT kung hindi.
3. Nakipaglaban upang isulong ang kalayaan ng
bansa.
4.Nagtangan sila ng mahalagang gampanin sa
tahanan at lipunan.
5.Maaari silang magmana ng ari-arian, makipagkalakalan at maging pinuno ng barangay kapag walang lalaking papalit