Layunin:
Pakikiisa sa Pagdarasal para sa Kabutihan ng lahat (EsP5PD - IVa-d - 14)
Rosabel D. Geraga
Sta. Cruz Elem. School
Division of Cavite City
Alamin Natin
Basahin ang panalangin.
Panalangin ng Pasasalamat sa Diyos
Panginoon ko, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang walang sawang ibinibigay ninyo sa akin. Pipilitin ko pong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang makatulong din po sa ibang kapwa ko nilalang na nangangailangan.
Unang Araw
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang malaman ko ang dahilan ng aking pag-iral. Ibinabalik ko po ang karangalan sa Inyo sa aking pagkakalikha.
Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga mapagkakatiwalaang kaibigan at mga kakilala. Sila po ang dahilan ng aking kasiyahan. Sila po ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang mabuhay at maging masaya sa araw-araw.
Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa aming lahat upang magampanan namin ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat.
Maraming salamat din po sa kalakasan, katalinuhan at kapasyahan. Ito po ang ginagamit namin sa pagsugpo sa mga alon at pagsubok ng buhay.
Maraming salamat din po sa inyong bugtong na Anak na siyang tumubos ng aming kasalanan.
Amen.
Kayo ba ay marunong manaangin sa Diyos?
Bakit ba tayo nananalangin?
Sagutin at gawin ang mga sumusunod:
1. Ayon sa panalangin, anu-ano ang mga ipinagpasalamt sa Diyos?
2. Bilang mag-aaral, anu-ano ang mga dapat mong ipagpasalamat sa Diyos?
3. Sa iyong palagay, bakit nararapat lamang na magpasalamat tayo sa Diyos?
Pangalawang Araw
Isagawa Natin
“Balikan nating muli ang tinalakay kahapon. Anong mga pagpapahalaga ang inyong natutuhan?
Ano ang inyong natutuhan mula sa ating binasang Panalangin ng Pasasalamat sa Diyos?
Gawain 1
Pag-aralan at suriin ang larawan.
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa sinuring larawan.
1. Anong kaisipan ang ipinapakita ng larawan?
2. Paano ipinakita ng pamilya ang kanilang pasasalamat sa Diyos?
Ano ang masasabi ninyo sa larawang ito?
Gawain 2
Sumulat ng mga dahilan na dapat ipagpasalamat ng isang pamilya sa Diyos. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Pangatlong Araw
Isapuso Natin
Balik-aral:
Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang ipinakita kahapon?
Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
Paano mo ipinapakita na ikaw ay nagpapasalamat sa Diyos?
A. Sumulat ng buong pusong pangako sa pagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.
Ako’y nangangakong ____________________________________________________ _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
|
B. Gumawa ng isang simpleng panalangin ng paasalamat sa Diyos
PANALANGIN
Tandaan Natin
Maraming dahilan upang tayo ay magpasalamat sa Diyos. Tulad na lamang ng ating pamilya na isang biyaya mula sa Kanya, ang lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa atin, at sa paggabay sa araw-araw. Nararapat lamang na pasalamatan natin ang Diyos.
Maraming paraan upang maipakita ang pasasalamat sa Diyos tulad na lamang ng panalangin o palagiang pagdarasal, paggawa ng kabutihan sa kapwa, at iba pa.
Isabuhay Natin
Punan ng sagot ang graphic organizer tungkol sa mga paraan upang maipakita ang iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
Ikaapat na Araw
Iba’t-ibang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Diyos.
Ikalimang Araw
Paano mo maipapakita ang pagpapasamat mo sa Diyos?
Iparinig ang isang awiting pasasalamat sa Diyos. https://www.youtube.com/watch?v=F83GW-ncU8w
“Walang Hanggang Pasasalamat”
Ano ang iyong masasabi sa awit pasasalamat na iyong narinig?
Ano-ano ang mga dapat nating ipagpasalamat sa Poong Lumikha?
Subukin Natin
Isulat ang Tama o Mali sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang pamiliyang walang problema ay itinuturing na biyaya ng Diyos.
_____2. Ang paggalang sa ideya o opinyon ng bawat myembro ng pamilya ay tanda ng pasasalamat sa Diyos.
_____3.Ang pangangalaga sa anumang may buhay ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa Poong Lumikha
_____4. Ang pananalangin o pakikipag-usap sa Diyos ay basehan ng isang taong madasalin
_____5. Higit sa lahat ang pag gawa ng mabuti sa kapwa ay dapat ugaliin.