1 of 33

Rosabel D. Geraga

Sta. Cruz Elem. School

Cavite City

Layunin:

Napananatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok

(EsP5PPP - IIIb - 25)

Unang Araw

2 of 33

Awitin ang

“Bayan Ko

3 of 33

Pagtataya:

  1. Ano ang mensahe ng awit?
  2. Ayon sa awit, bakit

nahikayat ang mga dayuhan

sa Pilipinas?

3. Saan ikinumpara ang

Pilipinas?

4. Ano ang nais ng sumulat na

mangyari sa Pilipinas?

4 of 33

Paglalapat:

Paano mo misasabuhay ang iyong pagka-Pilipino?

Paglalahat:

Ang pagkamabuting mamamayang Pilipino ay huwag nating tatalikdan dahil ito ay pamana sa atin ng ating mga ninuno.

5 of 33

Ikalawang Araw:

Balik-aral:

Ano ang mensahe ng kantang “Ang Bayan Ko”.?

Pagganyak:

Magpakita ng larawan ng bansang Pilipinas.

6 of 33

7 of 33

8 of 33

Ano ang napansin ninyo sa larawan? Ano ang nais iparating sa mga Pilipino?

9 of 33

Pangkatin ang mga mag-aaral, bawat pangkat ay magpapakita ng pagkamabuting mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng:

Pangkat I - Role playing

Pangkat II- News Style

Pangkat III- Tula

Pangkat III- Paawit

10 of 33

Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang mapanatili ang kapayapaan sa ating bansa?

11 of 33

Gumuhit sa inyong kuwaderno ng isang uri ng pamayanan na iyong nais mabilangan.

Paano mo mapapakita ang pagpapahalaga sa ating bansa? Ipaliwanag.

12 of 33

Lagyan ng masayang mukha kung tama ang isinasaad ng pangungusap at mukhang malungkot kung hindi.

1.Laging nakikiisa sa programa ng pamahalaan.

2. Umiwas sa mga gawaing pambayan.

3.Makikibahagi sa pagpapaunlad ng inyong barangay.

4. Hindi dapat maniwala na ang pagkakaisa ay pag-unlad.

5. Handang tumulog sa mga kapwa mamamayan.

13 of 33

Pangatlong Araw:

14 of 33

Pangganyak na tanong:

Ano ang gagawin mo kung nakita mo ang iyong kaklase na nagdadala ng mga babasahing malalaswa?

15 of 33

Ipabasa ang Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

Siga sa Paaralan

Isang malaking siga ang ginawa sa Ipil Elementary School sa pangunguna ng mga mag-aaral sa ikalima at ikaanim na baiting. Ito ang kanilang sagot sa kampanya ng paaralan laban sa paglaganap ng mga babasahin at mga panooring malalaswa.

16 of 33

Ang kampanya ay isinagawa sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga klase sa ikaanim at ikalimang baiting ng mga babasahin na nagtataglay ng malalaswang larawan at lathalain.

17 of 33

Ang klaseng nakapagdala ng pinakamaraming babasahing malaswa ay pinagkalooban ng gantimpalang plake bukod pa sa parangal na ginanap sa paaralan. Ang kampanya ay tumagal sa loob ng isang buwan

18 of 33

Ang mga klase sa ikalimang baitang ang nagkamit ng gantimpalang plake, samantalang pinuri rin ang mga klase sa ikanim na baiting na masigla nilang paglahok sa kampanya.

19 of 33

Sagutin ang mga tanong:

1. Tungkol saan ang balitang binasa?

2. Ano ang isinagawa sa Ipil Elementary School?

3. Sinu-sino ang naguna sa gawaing ito?

4. Tama ba ang ginawa ng mga mag-aaral ng Ipil Elementary School?

5. Bilang isang mag-aaral, gagawin din ba ninyo ang ginawa ng mga mag-aaral sa

Ipil Elementary Schoo? Bakit?

20 of 33

Pang-apat na Araw

21 of 33

Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral kung anu-anong paraan ang maaaring gawin ng mga mag-aaral upang makatulong sa kampanya laban sa pagkalat ng malalaswang babasahin at panoorin sa Gawain 1 sa Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

22 of 33

Piliin sa sumusunod ang kaya mong gawin.

1. Hindi ako bibili o manonood ng mga babasahing malalaswa ang nilalaman.

2. Sisirain ko ang anumang babasahing aking makita na may malaswang larawan at artikulo.

3. Isusumbong ko sa may kapangyarihan ang nagtitinda ng ganoong uri ng mga panoorin at babasahin.

23 of 33

4. Pakikiusapan ko ang aking mga magulang na huwag ng bumili ng ganoong uri ng mga panoorin at babasahin.

5. Lalahok ako sa mga kampanya laban sa paglaganap ng mga malalaswang panoorin at babasahin.

24 of 33

Paano mo maipapakita ang pagiging matalinong pagpapasya kapag dumating ang pagkakataon na ikaw mismo ang niyaya na manood o magbasa ng mga malalaswang gawain?

25 of 33

Pagtataya:

Isulat ang T kung tama at M kung mali.

_____1. Nakatutulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa at panonod ng mga malalaswang gawain.

_____2. Isumbong sa mga awtoridad ang mga nagtitinda ng mga malalaswang panoorin at babasahin.

26 of 33

_____ 3. Isipin lagi ang magiging epekto ng gagawing pagpapasya.

_____4. Hindi dapat lumalahok sa mga kampanya laban sa mga malalaswang panoorin at babasahin.

_____5. Makisiksik ka sa mga mag-aaral na nagsisiksikan palabas ng silid kapag may sunog sa paaralan.

27 of 33

Ikalimang Araw:

28 of 33

Pangganyak na Tanong:

Ano ang iyong saloobin tungkol sapagkalat ng mga babasahin at mga palabas na malalaswa?

29 of 33

Isapuso Mo:

Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?

1.Naiwan kang mag-isa sa bahay ng biglang lumindol.

2.Nakita mong pinaglalaruan ng nakababata mong kapatid ang posporo.

3.Nakita mong nagbabasa ng malalaswang babasahin ang iyong kaklase habang hinihintay ang umpisa ng inyong klase.

30 of 33

4.Hindi nakikinig ang iyong kaklase habang ipinaliliwanag ng inyong guro ang mga alituntunin para sa kaligtasan pag may kalamidad.

5.Sa hindi sinasadyang pagkakataon nakita mo ang iyong nakatatandang kapatid na nonood ng malalaswang panoorin sa youtube.

31 of 33

Pangkatang Gawain:

Gumawa ng poster na nagpapakita ng matalinong pagpapasya para sa kaligtasan ng nakararami laban sa pagpapalaganap ng malalaswang babasahin at panoorin.

32 of 33

Magbigay ng limang paraan sa loob ng kahon na nagpapahayag o nagpapakita ng matalinong pagpapasya para sa kaligtasan ng iba.

33 of 33