ESP 2
Quarter 2 Week 5-6
Paggawa ng Mabuti sa Kapwa
Sa nakaraang aralín ay natutuhan mo ang paggamit ng magagalang na pananalita sa kapwa batà at sa matatanda.
Opo at Po
Inaasahan sa araling ito na maibabahagi mo ang gamit, talento o kakayahan o anomang bagay sa iyong kapwa. Inaasahan rin na ikaw ay makagagawa ng mabuti sa kapwa at makapaglahad na mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa.
Layunin:
Mabuting gawain ba sa kapwa ang ipinapakita ng mga batang nasa larawan?
Bawat nilaláng ay espesyal, may kani-kaniyang katangian, talento at kakayahan. Maituturing ang mga ito na biyaya mula sa Maykapal. Kung gayon, nararapat ba na ito ay iyong pagyamanin at ibahagi sa kapwa? Paano mo ito gagawin?
Ang mga kakayahang meron ka ay hindi dapat ipinagdadamot. Magiging kapaki-pakinabang ka sa tuwing naibabahagi mo ang mga ito sa iyong kapwa nang walang pagaalinlangan. Kakambal ng mga kakayahang ito na taglay mo ay ang paggamit mo nito sa mabuting bagay.
Banggitin mo sa harap ng iyong mga magulang kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan sa ibaba. Lalagyan ng iyong mga magulang ng letrang A ang bawat kahon kung ito ay nailarawan mo nang wasto at letrang B naman kung kinailangan mo ng pagwawasto o paggabay. Isusulat ng iyong mga magulang o guardian sa iyong kuwaderno ang kanilang marka.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
Ang mga talentong taglay mo tulad ng pag-awit, pagtula, pagpipinta, pagtugtog ng instrumento, pagsasayaw ay biyayang maituturing. Nararapat na ito ay iyong pagyamanin. Tulad ng pagkakaroon ng isang talento o kakayahan, mahalaga rin na ito ay iyong ibahagi sa iyong kapwa.
Ikaw, ano-ano ang iyong mga talento o kakayahan? May mga bagay o pag-aari ka rin ba na maaari mong ibahagi sa iyong kapwa? Paano mo ito isasagawa?
Upang higit mong maunawaan ang leksiyon, basahin at unawain mong mabuti ang tula sa susunod na pahina.
Talento
Iba’t bang kakayahan, iba’t ibang katangian,
Pag-awit, pagsayaw, pagtula’y pinagyayaman;
Ibinabahagi sa kapwa o kahit kanino man,
Ang mga ito’y taglay ko bílang isang kabataan.
Kakayahan kong sumulat, gumuhit o magpinta,
Hindi ipinagdadamot, ibinabahagi sa kapwa;
Ginagamit sa mabuti, nililinang sa tuwina,
Sapagkat tinuturing ko itong malaking biyaya.
Sa aking mga kababata, kalaro at kaeskuwela,
Namamahagi ng laruan, damit kong sobra;
Madalas gumawa ng mabuti sa kapwa,
Dangal ng magulang, kaligayahan ni ama’t ina.
Isulat ang tsek(✓) kung ang pangungusap ay wasto at tumutukoy sa tulang binása, ekis (x) naman kung hindi. Sa iyong ságútang papel, kopyahin at sagutan ito.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
___1. Ang pamagat ng tula ay “Talento”.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
2. Ibinabahagi niya sa kaniyang kapwa ang kaniyang talento tulad ng pag-awit, pagsayaw at pagtula.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
3. Ang mga kakayahan niya tulad ng pagsulat, pagguhit at pagpipinta ay ipinagdadamot niya sa iba.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
4. Ibinabahagi rin niya ang kaniyang mga laruan at sobrang damit.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
5. Madalas siyang gumawa ng mabuti sa kapwa.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
Kopyahin ang gawain sa iyong sagutang papel. Lagyan ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nabanggit.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
Gawain | Madalas | Minsan | Hindi |
1. Binibigyan ko ng laruan at damit ang kaibigan kong mahirap. | | | |
2. Sinisikap kong turuang umawit o sumayaw ang aking mga kapatid. | | | |
3. Malugod kong tinatanggap ang paanyaya na magbahagi ng talento sa paaralan. | | | |
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
Gawain | Madalas | Minsan | Hindi |
4. Lagi kong ginagamit sa mabuti ang aking mga kakayahan. | | | |
5. Sinisikap kong mapagyaman ang aking mga kakayahan upang makatulong sa iba. | | | |
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
Hingin ang gabay ng magulang sa pagsagot ng gawain. Babasahin ng magulang mo ang bawat sitwasyon at pakikinggan nila ang iyong tugon. Kung wasto ang sagot mo, lalagyan nila ng letrang A ang kahon at letrang B naman kung nagkaroon ng paggabay sa iyong sagot. Isusulat ng iyong mga magulang o kasama sa bahay sa iyong kuwaderno ang kanilang marka.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
1. Inanyayahan ka ng iyong guro na magtanghal sa iyong mga kaklase dahil alam niyang ikaw ay magaling umawit. Ano ang gagawin mo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
2. Nagpapaturo ang iyong nakababatang kapatid sa paggupit ng mga disenyo dahil marunong ka nito. Ano ang gagawin mo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
3. Tambak na ang iyong mga laruan, nakita mo na gawa lámang sa pirasong kahoy ang sa iyong kalaro. Ano ang gagawin mo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
4. May kakayahan kang gumuhit ng mga larawan. Nilapitan ka ng iyong kaklase upang magpaturo. Ano ang gagawin mo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
5. Naubusan ng tinta ang bolpen ng iyong kamag-aral. Alam mong may isa ka pang sobra sa bag mo. Ano ang gagawin mo?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
Piliin ang tamang sagot na napapaloob sa panaklong. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
1. Nakita ka ng iyong kaklase. Siya ay tila nagugutom habang kumakain ka ng burger. Ano ang gagawin mo? (bibigyan, iinggitin)
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
2. May nakita kang magkakapatid na nangangalakal ng bote at diyaryo. Ano ang gagawin mo? (ipamigay ang inyong mga bote at diyaryo, pagtawanan sila)
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
3. Sinabihan ka ng nanay mo na handogan mo siya ng isang awit sa kaarawan niya. Ano ang gagawin mo? (sumang-ayon, tumanggi)
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
4. Nakita mong pinagtatawanan ng mga batà ang isa mong kaklase dahil sa punit niyang damit. Ano ang gagawin mo? (sawayin ang mga bata at bigyan ng damit ang kaklase, kutyain rin)
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
Basahin ang mga sumusunod na diyalogo sa ibaba. Isulat sa iyong kuwaderno ang TAMA kung ito ay mabuti at MALI naman kung hindi.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
1. “Mga pulubi, umalis kayo riyan.”
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
2. “Halika ka rito Ruben, tuturuan kitáng umawit.”
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
3. “Ate Thelma, maaari po ba nating bigyan ang mga bátang kalye ng luma kong mga damit kaysa nakatambak sa aparador?”
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
4. “Ma’am, gusto ko pong sumali sa ating choir, maaari po ba?”
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
Pag-aralan ang sumusunod na mga larawan. Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang naibabahagi kung ang larawan ay nagpapakita ng pagbabahagi ng talento o kakayahan o gamit at nagpapakita ng pagtulong o paggawa ng mabuti sa kapwa. Isulat naman ang baguhin kung ito ay nagpapakita ng gawain na dapat baguhin at dapat itama.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
1.__________
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
2.__________
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
3.__________
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
4.__________
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
5.__________
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
6.__________
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
7.__________
Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:
8.__________
Kopyahin at sagutan ang gawain sa iyong ságútang papel. Hingin ang túlong ng iyong mga magulang o nakatatandang kasapi ng inyong pamilya sa pagsasagawa ng gawaing ito. Punan ang Word Bubble. Isulat ang kahalagahan ng paggawa ng mabuti sa kapwa.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 8:
Gawain sa Pagkatuto Bílang 8:
Buoin mo ang mahalagang kaisipan sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Assimilation
Assimilation
Diyos
kapwa
talento
kapatid
Ang pagbabahagi mo ng gamit, ______________ kakayahan o anomang bagay sa iyong _________ ay isang kaaya-ayang gawain. Mas higit mong mapagyayaman ito kung gagamitin mo sa mabuti.
Assimilation
Diyos
kapwa
talento
kapatid
Ang pagbibigay mo ng pagpapahalaga sa mga gawaing mas makabubuti sa iyong kapwa ay higit na kahanga-hanga sa mata ng ________, sa iyong kapwa, sa mga nakatatanda at higit lalo sa iyong mga magulang.