1 of 20

Q4 FILIPINO 6�WEEK 1

Paggawa ng Patalastas at Usapan

2 of 20

Panuto: Basahin nang mabuti ang tula at ibigay ang mga salitang naglalarawan na ginamit dito.

Tanong:

Ano ano ang mga mga pang-uring ginamit sa tula. Isulat sa sagutang papel ang mga pang-uring makikita mo dito.

3 of 20

Patalastas - isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pang-madla.

 

Mga hakbang sa paggawa ng patalastas:

 

1. Alamin kung SINO ang bibili o tatangkilik ng produkto.

2. Alamin ang PANGANGAILANGAN ng mamimili na maaaring tugunan ng produkto.

4 of 20

3. Suriin kung anong KATANGIAN ng produkto ang dapat bigyan ng kahalagahan o diin.

4. Kadalasang may TAGLINE upang makahikayat ng mga mamimili.

5 of 20

Tagline – deskripsyon ng isang kumpanya or advertisement upang makahikayat ng tao - ginagawa para mas tumatak sa isip ng tao ang tungkol sa isang produkto, advertisement, kumpanya at maging sa brochure Ang tagline ay dapat konektado sa produktong gagawan ng patalastas, agaw-atensyon, maikli at tiyak

6 of 20

Narito naman ang halimbawa ng Tagline:

• Chowking Tagline: Tikman ang Tagumpay

• Mercury Drug Tagline: NAKASISIGURO GAMOT AY LAGING BAGO

• ALASKA Tagline: “Wala pa ring tatalo sa Alaska”

• Jollibee Tagline 1: Sa Jollibee, bida ang saya!

Tagline 2: Langhap-Sarap sa Jollibee

7 of 20

Halimbawa, gagawa ka ng patalastas ng sabon. Ikaw rin ang mag-iisip ng pangalan ng iyong produktong sabon.

 

Bago tayo gagawa ng patalastas gawin nating gabay ang mga tanong na ito na hango sa mga hakbang sa paggawa ng patalastas.

Narito ang mga tanong at ang karampatang sagot;

8 of 20

1. SINO ang bibili o tatangkilik ng produkto?

Sagot: mga magulang o nakatatanda, mga kabataan

2. Ano ang PANGANGAILANGAN ng mamimili na maaaring tugunan ng produkto?

Sagot: Problema sa maruruming kamay ng makukulit na anak

9 of 20

3. Ano ang mga KATANGIAN ng produkto na binigyan ng kahalagahan o diin?

Sagot: Sa mikrobyo, ito’y lalaban! Mura na. Iwas-sakit pa! Mabibili ito sa lahat ng tindahan sa buong bansa

4. Ano ang TAGLINE na ginamit upang makahikayat ng mga mamimili?

Sagot: Sabon ng Kabataan Iayos mo ang mga sagot ng mga tanong upang makabuo ka ng isang patalastas. Mula sa sagot ng mga tanong sa itaas, ito na ang nagawang patalastas.

10 of 20

11 of 20

12 of 20

Panuto: Basahin at unawain ang patalastas at usapan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay dito. Isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel o notbuk.

13 of 20

DAY 3

14 of 20

Basahin mo ang isang halimbawa ng patalastas.

15 of 20

Tanong:

1. Ano ang ipinapahayag ng patalastas? 2. Sino ang magsasagawa ng Lingap sa barangay? 3. Sino-sino ang inaanyayahang dumalo sa

naturang Lingap?? 4. Kailan gaganapin ang Lingap sa

barangay?Saan ito isasagawa? 5. Ano ang layunin ng programang Lingap sa

barangay?

6. Ano-ano ang mga librteng serbisyong

ipagkakaloob sa isasagawang Lingap?

16 of 20

Usapan- pag-uusap ng dalawa o higit pang tauhan tungkol sa isang paksa o isyu. Sa paggawa ng usapan dapat aalamin muna kung ilang tao ang mag-uusap, sino-sino ang mga ito at ano ang kanilang pag-uusapan. Isaalang-alang din ang paggamit ng iilan sa mga bahagi ng pananalita subalit ang bibigyan lang muna natin ng pansin ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, at pang-abay.

17 of 20

Basahin ang halimbawang usapan na ginawa batay sa patalastas ng JR Soap- Sabon ng Kabataan.

18 of 20

Mga tanong: 1. Sino-sino ang nag-uusap? 2. Ano ang kanilang pinag-uusapan?

19 of 20

Katulad ng halimbawa ng patalastas, ipinakita rin sa usapan ang mga ginagamit na bahagi ng pananalita na;

20 of 20

TANDAAN:

Lahat ng bahagi ng pananalita tulad ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig, ay maaaring gamitin sa paggawa ng patalastas at usapan subalit sa SIM na ito ang mas bibigyan muna natin ng pansin ay ang gamit ng unang limang uri; pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay