1 of 40

Pagtukoy, Pagbabahagi at Pagsasadula

ng mga Pangyayari sa Kuwento

MTB-MLE 1

Quarter 2 Week 5-7

2 of 40

Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwento? Ano ang pinaka-paborito mo sa mga ito?

3 of 40

Pag-aaralan mo simula sa linggong ito ang tungkol sa kuwento. Babasahin mo ang ilan sa mga ito.

4 of 40

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:

a) matutukoy mo ang sanhi at bunga ng pangyayari sa

kuwento;

b) matutukoy mo ang suliranin at solusyon sa kuwento;

5 of 40

c) mailalarawan mo ang ang mga tagpo sa kuwento;

d) maibabahagi mo ang binasa o napakinggang kuwento; at makatutugon ka sa teksto sa pamamagitan ng pagsasadula nito.

6 of 40

Nabasa mo na ba ang mga kuwentong iyan? Ilan lamang ang mga nasa larawan sa itaas sa mga magagandang kuwentong matutunghayan mo sa araling ito.

7 of 40

8 of 40

Ang kuwento ay isang malikhaing akda na maaaring likha ng isip o guniguni.

Mayroon din namang mga kuwento na hango sa totoong pangyayari sa buhay.

9 of 40

Ang kuwento ay umiikot sa mga tauhan at mga pangyayari. Ang kanilang mga kilos ang nagdudulot ng mga susunod na kaganapan. Sanhi at bunga ang tawag dito.

10 of 40

Wena, Weyt Lang

ni Dioneth Arzaga.

11 of 40

Ang sanhi ng pangyayari ay antok pa si Wena at bumalik siya sa pagkakatulog.

Dahil dito, ang naging bunga ay ang pagkakaiwan sa kaniya ng kaniyang nanay at tatay sa pagsisimba.

12 of 40

Ang bawat kuwento ay nagtataglay rin ng mga problema o suliranin.

Ang mga ito ang binibigyang sagot, lunas o solusyon ng tauhan sa kuwento.

13 of 40

Bakit Malungkot si Simong Salungo

ni Jorelie Dae A. Azores

14 of 40

Bakit Malungkot si Simong Salungo

ni Jorelie Dae A. Azores

15 of 40

Sa iyong pagbabasa ng kuwento, mahalaga na maunawaan mo ito. Kapag naintindihan mo ang mga pangyayari, makakaya mong ilarawan ang mga tagpo.

16 of 40

Espesyal na Lapis

ni Gerlie L. Bunag

17 of 40

Espesyal na Lapis

ni Gerlie L. Bunag

18 of 40

Masasabi mo na masaya ang tagpo dahil kaarawan ng nanay ng bata. Binigyan niya ito ng regalo. Magkatabi sila sa kama nang iniabot niya ito.

19 of 40

Isang espesyal na lapis na ginagamit sa kilay ang ibinigay niya. Ginamit ito ng bata sa kaniyang nanay. Inayusan niya ito. Pinuri ng bata ang magandang mukha ng kaniyang ina. Ito ay isang paglalarawan.

20 of 40

Maganda rin na ibahagi mo ang kuwentong iyong nabasa sa iba.

Malalaman din nila ang nangyari sa kuwento kapag ginawa mo ito.

21 of 40

Ang Paborito Kong Hugis

ni Salvacion C. Montenegro

22 of 40

Ang Paborito Kong Hugis

ni Salvacion C. Montenegro

23 of 40

Paano mo ikukuwento ang nabasa mo sa iba?

Tauhan

Ilarawan siya katulad ng anyo at iba pang katangian

Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

24 of 40

Maaaring ganito ang magiging laman ng iyong

pagku-kuwento:

25 of 40

Kailangan na matuto ka ring tumugon sa nababasa mong teksto o nilalaman ng kuwento. Isang paraan upang maipakita mo ito ay sa pamamagitan ng pagsasadula ng pangyayari.

26 of 40

Simon: Bakit parang ayaw ng mga tao sa akin. Pangit ba ako?

(Ikaw): Hindi ka pangit, Simon. Huwag ka nang malungkot. Espesyal ka dahil sa gawain mong pagkain ng mga lumot na sumisira sa koral.

27 of 40

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Tukuyin kung sanhi o bunga ang may salungguhit na pangyayaring hinango sa kuwento. Isulat ang S kung Sanhi at B naman kung Bunga. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

28 of 40

  1. Hindi tumitingin sa daan si Kara. Nadapa tuloy siya.

2. Masayang-masaya si Phillip. Binigyan kasi siya ng pasalubong ng kaniyang ama.

B

S

29 of 40

3. Gusto na niyang umiyak sa takot nang makita ang papalapit na aso.

4. Pinarangalan si Jessa ng kaniyang guro. Natapos niya kasing sagutan ang mga gawain sa modyul.

5. Masarap ang inihanda ni Nanay Cita. Naparami tuloyng kain ang anak na si Eric.

S

B

S

30 of 40

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Lagyan ng masayang mukha kung ang isinasaad ay solusyon. Lagyan naman ng malungkot na mukha kung ito ay suliranin. Iguhit ang sagot sa iyong kuwaderno.

31 of 40

  1. Hindi alam ni Carol ang gagawin. Natatakot siyang mapagalitan sa pagkabasag ng salamin.

2. “Aha, alam ko na. Aaminin ko na

kaagad kay nanay ang nangyari.”

3. “May sasabihin ka, Carol?” Seryosong

tanong ng ina.

32 of 40

4. “Ah, e wala po.”

Nauutal sa takot niyang sagot.

5. “Alam ko na ang nangyari. Huwag kang matakot. Papalitan na lamang natin. Mag-ingat ka sa susunod.”

33 of 40

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

Tukuyin kung ang pahayag ay paglalarawan ng naganap sa kuwento o hindi. Isulat ang Tama kung Oo. Isulat naman ang Mali

kung Hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

34 of 40

  1. Tinanong siya ng kaniyang ate. “Saan ka pupunta?”

  • Pawis na pawis si Aneth. Kumakabog din ang kaniyang dibdib dahil papalapit na si Cynthia. Baka mahulaan nito kung saan siya nagtatago.

Mali

Tama

35 of 40

3. Masayang pinagmamasdan ni Joey

ang bilog na buwan. Tila kinakausap din siya ng mga bituin na nagkikislapan.

4. “Bakit ngayon ka lang umuwi,” tanong ng ama. “Sorry po,” sagot ng bata..

Tama

Mali

36 of 40

5. Excited si Juana dahil ngayon na lang siya ulit makakalabas ng bahay. Isasama siya ng nanay niya sa pagsimba. Sinuot niya ang pinakamaayos niyang puting bestida.

Tama

37 of 40

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

Humanap ng isang kuwentong babasahin o pakikinggan. Pagkatapos ay i-kuwento ito sa mga kasama sa bahay. Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (✓) sa hanay ng Oo o Hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

38 of 40

39 of 40

Natutuhan mo sa aralin na ito

ang tungkol sa mga

malikhaing akda na tinatawag na:

k _ w _ n _ _

Mainam na magbasa ka. Ibahagi mo rin ito sa iba. Maraming aral ang mapupulot mula sa mga kuwento.

u e t o

40 of 40

Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-5 hanggang 7 Linggo sa Ika-2 Markahan ng ating aralin!