1 of 24

WEEK 3

Pakikipagkapuwa tao

2 of 24

    • Ang tao dito ay nasa hindi kaaya-ayang sitwasyon. Gamit ang positibong pananaw, bigyan mo siya ng magandang payo upang makakita siya ng magandang oportunidad sa sitwasyong pinagdaraanan.

3 of 24

Sino ang itinuturing mo na iyong kapuwa?

Bakit mo sila itinuturing na iyong kapwa?

4 of 24

“No man is an Island”

Ugat at Epekto ng Pakikipagkapuwa-Tao sa Paglinang ng Kaganapan Bilang Tao

5 of 24

Ang katagang “No man is an Island” ay nagpapahayag na hindi natin kayang mabuhay ng mag-isa, ng walang kausap at kasama sa pagharap sa problema. Bukod sa pamilya natin, andiyan ang mga kaibigan, na madalas ay kasama natin kapag masaya tayo, sila ang mga taong napaglalabasan natin ng sama ng loob sa oras ng problema, mga taong tumutulong sa atin sa lahat ng makakaya nila.

6 of 24

Ang pamilya ay ang siyang ugat ng pakikipagkapuwa-tao, kaya masasabi nating ang pakikisama sa kapuwa ay nagsisimula sa araw ng ating kapanganakan. Ang pamilya ang pinagmulan ng mga ugali at mga paniniwalang humuhubog sa pagkamamamayan at pakikipagkapuwa-tao.

7 of 24

Narito ang sumusunod na mga makabuluhang epekto ng pakikipagkapuwa-tao:

• Nakababawas ang mga pagkakabahabahagi at alitan

• Nakapagpapalakas ng ating mga relasyon, at nagbibigay ng kasiyahan at kaligayahan.

• Nakapagpapatibay sa pagkakaisa

• Nakapagtataguyod ng positibong pagbabago sa ating lipunan.

• Nakakatutulong upang mapatibay ang mabuting imahe ng sarili.

• Nakatutulong sa mga pangangailangan ng ibang tao na magbubunga rin ng pagtulong niya kung ikaw naman ang mangangailangan.

• Nakadaragdag ng iyong kapayapaan sa buhay. Masarap sa pakiramdaang walang kaaway

8 of 24

IKALAWANG ARAW

9 of 24

Ano ang mga dapat ugaliin o taglayin ng isang tao upang maisabuhay ang pakikipagkapuwa-tao? Sumulat ng lima sa loob ng kahon.

10 of 24

Tanong:

1. Alin sa mga ugaling iyong isinulat ang tinataglay mo na?

2. Alin naman ang uumpisahan mo pa lang gawin? __________

3. Bakit mahalagang pag-ukulan natin ng pansin ang mga ugaling makapagpapalago ng ating pakikipagkapwa-tao? ___________________

4. Ano ang magandang dulot ng pakikipagkapuwa?

5. Maaari bang makatulong sa pag-unlad ng ating bansa ang mahusay na pakikipagkapuwa? Pangatwiranan ang iyong sagot.

11 of 24

Panuto: Magbahagi ng iyong karanasan tungkol sa pagmamalasakit na iyong ipinapakita sa inyong tahanan. Lagyan ang iyong kuwento ng naaangkop na pamagat.

12 of 24

Tanong:

1. Ano ang nagtulak sa iyo upang magbigay ng tulong sa iyong pamilya?

2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong makapagbigay ng tulong?

3. Ano naman ang nakita mong naging reaksiyon ng miyembro ng iyong pamilya na tinulungan?

4. Bakit mahalagang pagmalasakitan mo ang iyong pamilya?

5. Kung ang pagmamalasakit sa pamilya ay laging isasabuhay ng lahat ng kasapi nito, may epekto ba ito sa kalagayan ng lipunan? Pangatwiranan ang iyong sagot.?

13 of 24

IKATLONG ARAW

Paglalapat ng mga Paraan ng Pakikipagkapuwa Bilang Isang Kabataan

14 of 24

Ano nga ba ang madalas na pinagkakaabalahan ng mga kabataan sa panahong ito?

15 of 24

Karamihan na sa mga kabataan sa henerasyon ngayon ay nakapokus kadalasan sa teknolohiya.

Maraming mag-aaral na nasa Baitang 8 sa panahon ngayon ay nakabilang sa Generation Z. Ang letrang Z ay kumakatawan sa salitang zoomer. Tinawag silang ganito dahil sinasabing sila ang kauna-unahang henerasyon na nag-zoom sa internet o gumamit ng internet.

16 of 24

Ngunit minsan ang kalamangan na ito ay nagdudulot ng hindi kaaya ayang epekto tulad ng pagkalulong ng maraming kabataan sa mga online games, streaming devices at social media katulad ng facebook, Instagram, tiktok at twitter. Nauubos ang kanilang oras sa mga ito kung kaya’t hindi nila nagagampanan ang mas mahahalaga nilang tungkulin para sa sarili, pag-aaral, pamilya

17 of 24

Ilan sa mga paraang maaari nilang gawin upang magkaroon ng maayos na relasyon sa kapuwa

1. Pakikisama

2. Pagtutulungan

3. Pakikiisa

18 of 24

Ilan sa mga paraang maaari nilang gawin upang magkaroon ng maayos na relasyon sa kapuwa

4. Paggagalangan

5. Pakikipagkasundo

19 of 24

IKAAPAT NA ARAW

20 of 24

Ang mga taong nasa larawan ay maaring minsan mo nang nakasalubong sa daan. Bilang kabataan, wala ka pang sapat na pera upang makatulong sa kanila ngunit mayroon kang pwedeng gawin at ibahagi. Kung sakaling makikita mo sila uli, paano mo maipapakita o maipadarama ang pagmamalasakit mo sa kanila bilang isang kabataan?

21 of 24

22 of 24

JOURNAL #2

23 of 24

Challenge & Solutions

    • Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua.
    • Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat.
    • Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur.
    • Excepteur sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum.

24 of 24

THANK YOU