1 of 20

Music 2

Quarter 2 Week 1

Pagtaas at Pagbaba ng Tono

2 of 20

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makikilala mo ang mataas at mababang tono.

Layunin:

3 of 20

Tumingin ka sa paligid. Makikita mo ang iba’t ibang mga bagay, halimbawa, kahoy, kutsara, latang may laman, at electric fan. Alin sa mga ito ang nagbibigay o lumilikha ng tunog. Subukan mong patunugin ito sa pamamagitan ng pagpalo, pag-alog o pagbuhay dito.

4 of 20

Napansin mo ba na may iba’t ibang tunog ito?

Gaya ito ng mga nota na sumisimbolo sa bawat tunog.

5 of 20

Tingnan ang larawan sa ibaba. Ilang bata ang nakikita mo?

6 of 20

Anong napansin mo sa kanila?

7 of 20

Oo nagsimula sa pinakamababa pataas ang mga bata. Tawagin nating do ang pinakamababa sundan ng re, mi, fa so, la, at ti.

8 of 20

Awitin ang mga so-fa silaba ayon sa pagkakasunud-sunod. Maging gabay larawan sa ibaba. Ang taas ng ang mga batang ang sumisimbolo ng pagtaas ng tono.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

9 of 20

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:

10 of 20

Paghambingin ang dalawang nota sa bawat sukat (measure). Isulat ang MT kung ang nota ay sumisimbolo sa mataas na tono at MB naman kung ang nota ay sumisimbolo ng mababang tono. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

11 of 20

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

12 of 20

Lagyan ng ang mataas na bílog at ang mababang bílog. Gawing gabay ang halimbawa sa unang sukat (measure). Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

13 of 20

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

14 of 20

Paghambingin ang apat na nota sa bawat sukat (measure). Isulat kung mababa, o mas mababa, mataas, o mas mataas. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

15 of 20

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

16 of 20

Kunwari ay sasali ka sa isang “Fashion Show.” Mag-isip ka ng mga posisyon/pose na nagpapakita ng mababa, mas mababa, mataas, at mas mataas. Magpa-picture ka sa kasama mo sa bahay. Idikit ang mga retrato sa kuwaderno at lagyan ng label ang bawat retrato kung mas mababa (RE), mababa (Mi), mataas, (SO) at mas mataas (LA).

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

17 of 20

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

18 of 20

Mag-isip ng 4 na uri ng hayop o bagay na makapagbibigay ng tunog na mataas, mas mataas, mababa at mas mababa. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Halimbawa: Mataas - tahol ng aso Mas mataas - huni ng ibon Mababa - tunog ng palaka Mas mababa - unga ng kalabaw

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

19 of 20

Tingnan ang limguhit (larawan ng iskala o scale) Basahin ang mga so-fa silaba sa ilalim ng Limguhit. Do, re, mi, fa, so, la, ti, do. Gumawa ng limguhit sa kuwaderno. Iguhit ang mga nota sa tapat ng so-fa silaba.

A.

20 of 20

A.