Tekstong
Deskriptibo
Deskriptibo
Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at malarawan ang isang partikular na karanasan
Deskriptibo
Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag.
Ano ang Deskripsyon?
Ang deskripsyon ay isang uri rin ng paglalahad at naisasagawa rin sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon, madalas na nahihirapan ang mga manunulat na gumawa ng sulating purong paglalarawan lamang ang nilalaman
Ano ang Deskripsyon?
. Pinatatag ng paglalarawan ang anomang porma ng sulatin kung mahusay at angkop ang paggamit nito. Samakatuwid, mahalagang gamit ng deskripsyon ang pagkuha sa atensyon ng mambabasa upang maipaliwanag ang oryentasyonng isang malikhaing akda. Kinapapalooban ito ng paglikha at paglalarawan sa tauhan at lunan o setting ng isang akdang pampanitikan.
Katangian ng tekstong Deskriptibo
1.Ang tekstong deskriptibo ay may malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa.
2. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo o subhetibo at maaaring ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan.
Obhetibong Paglalarawan – direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di mapasusubalian.
Halimbawa: paglalarawan sa isang kaibigan: pagbibigay ng taas, haba ng buhok, kulay ng balat, at pananamit.
• Subhetibong Paglalarawan – kinapapalooban ng matalinhagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsyon o ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
Halimbawa: paglalarawan sa kaibigan: hingahan ng sama ng loob, madalas na nakapagpapagaan ng suliranin, o kaya’y bukas na libro sa lahat dahil maingay at sa liberal nitong katangian.
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye.Ang pangunahing layuninnito ay ipakitaat iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na inilalarawan.
Layunin at kahalagahan
Katulad ng ibang uri ng teksto, mayroong mahalagang layunin ang tekstong deskriptibo para sa mga manunulat at mababasa. Ito ay ang iparating ang katangian ng isang tao, bagay, hayop, pangyayari,o lugar. Ang pagkilala sa katangian ng mga ito ay nakatutulong upang mas matandaan ang mga ito
Layunin at kahalagahan
Mahalaga ring pag-aralan at mabasa ang mga tekstong deskriptibo sapagkat malaking bahagi ng ating pag-unawa sa kapuwa ay pag-alam sa mga katangian nito. Kapag nalaman o natukoy ang katangian, magbubunga ito ng mas malawak na pang-unawa sa iba