PAG-IBIG MO, AMA
E. P. HONTIVEROS
Koro:
Ang liwanag mo
ang sumindak sa dilim.
Buong kalangitan,
nagsaya’t nagningning;
Kumislap, umindak
ang mga bituin
Na-likha ang lahat
ng mga lupain.
Pag-ibig Mo, Ama
ay hatid Mo sa amin,
malaya’t matindi,
hindi nagmamaliw.
II
Dinilig sa tuwa
ang buong nilikha,
pinuno ng aliw
ang aba at ang dukha
Ng pagmamahal,
binigay Mong sadyang
matupad sa gawa
ang ‘Yong Salita.
Koro:
Ang liwanag mo
ang sumindak sa dilim.
Buong kalangitan,
nagsaya’t nagningning;
Kumislap, umindak
ang mga bituin
Na-likha ang lahat
ng mga lupain.
Pag-ibig Mo, Ama
ay hatid Mo sa amin,
malaya’t matindi,
hindi nagmamaliw.
A-----MEN!
INSTRUMENTAL…