Math 2
Quarter 2 Week 3
Paglutas sa mga Suliranin Gamit ang Pagbabawas ng Buong Bilang at Pera
Ang paglutas ng isang suliranin ay nangangailangan ng malawakang pag-iisip kung ano ang wastong paraan na maaring gamitin upang hindi tayo magkamali sa hakbang na gagawin.
Maraming paraan ng maaaring gamitin sa paglutas ng isang suliranin.
Ngunit kailangan mong alamin kung ano o alin ba sa mga ito ang wastong gamitin upang masagot mo nang wasto ang tanong sa suliranin.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang wastong pamamaraan sa paglutas ng one-step routine at non-routine na suliranin kaugnay ang pagbabawas o subtraction of whole numbers na ang minuends ay hanggang 1000.
Layunin:
Si Amy ay binigyan ng kaniyang nanay ng halagang Php150.00 para sa kaniyang pamasahe at baon.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba:
Habang naglalakad siya patungo sa kantina ay nakita niya ang kaibigang si Danny na umiiyak dahil nawala ang kaniyang baon.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba:
Binigyan niya ito ng Php50.00 upang makabili ng pagkain.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba:
Magkano na lamang ang natirang pera kay Amy matapos bigyan ang kaniyang kaibigan?
Tingnan ang halimbawa sa ibaba:
Sa paglutas ng ganitong suliranin ay kailangan mong malaman ang wastong pamamaraan upang masagot ang itinatanong sa suliranin.
Narito ang mga paraan upang malutas ang isang suliranin.
Alamin ang itinatanong sa suliranin.
Halaga nag perang natira kay Amy.
Ano ang mga datos na inilahad sa suliranin?
Php. 150.00 at Php 50.00
at
Subtraction
Php. 150.00 - Php 50.00
-
= N
Ano ang tamang sagot?
Php. 100.00
Sagot:
Si Amy ay may natirang
Php. 100.00 matapos bigyan ang kaniyang kaibigan.
Mahilig maglaro si Miko ng holen.
Tingnan ang isa pang halimbawa:
Ang kabuoang bilang ng kaniyang holen na nasa kahon ay umabot na sa 849.
Tingnan ang isa pang halimbawa:
Ang 342 holen ay galing sa kaniyang kaibigang si Marlon at ang iba ay ibinigay ng kaniyang kapatid.
Tingnan ang isa pang halimbawa:
Ilan lahat ng holen ang ibinigay kay Miko ng kaniyang kapatid?
Bilang ng holen na ibinigay kay Miko ng kaniyang kapatid.
Itinatanong sa suliranin:
849 at 342
Mga ibinigay na datos o impormasyon sa suliranin:
Subtraction
Operasyong gagamitin sa suliranin:
849 – 342 = N
Pamilang na Pangungusap:
507
Tamang sagot:
Suriing mabuti ang suliranin. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto 1:
Ang magkapatid na Ron at Darrel ay may alagang 762 bilang na itik. 490 sa mga ito ay lalaki at ang iba naman ay babae.
Gawain sa Pagkatuto 1:
Ilan lahat sa mga alagang itik ng magkapatid ang babae?
Gawain sa Pagkatuto 1:
Ano ang itinatanong sa suliranin?
A. Ang kabuuang bilang ng alagang itik.
B. Bilang ng babaeng itik na na alaga ng magkapatid
C. Bilang ng lalaking itik na alaga nila Ron at Darrel
D. Ang kabuuang bilang ng namatay na itik
Ano ang mga datos na inilahad sa suliranin ang kinakailangan sa
paglutas ng suliranin?
A. 490 na lalaking itik, 762 kabuuang bilang ng itik
B. Ron at Darrel
C. 490 na laláking itik
D. 762 itik
Anong operasyon ang dapat gamitin?
A. Addition
C. Subtraction
B. Multiplication
D. Division
Ano ang tamang pamilang na pangungusap?
A. 762 + 490 = N
C. 762 – 490 = N
B. 762 + 490 >N
D. 762 – 490 < N
Ano ang tamang sagot?
A. 272 C. 722
B. 274 D. 1,252
Suriin ang talata sa ibaba. Kumpletuhin ang tsart upang lutasinang suliranin. Gawinito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto 2:
Balak ni Liza na bumili ng damit upang ibigay ito sa kaniyang nanay bilang regalo sa nalalapit na kaarawan nito.
Gawain sa Pagkatuto 2:
Siya ay may naipong pera na nagkakahalagang Php480.00.
Gawain sa Pagkatuto 2:
Magkano na lang ang kailangan niyang ipunin upang mabili niya ang damit na nagkakahalagang Php1000.00?
Gawain sa Pagkatuto 2:
Ano ang itinatanong sa suliranin?
Mga ibinigay na datos o impormasyon sa suliranin
Operasyong gagamitin sa suliranin
Suriing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Sagutan ang mga tanong na nasa ibaba nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto 3:
Ang nanay ni Kino na si Aling Emily ay likas na matulungin.
Gawain sa Pagkatuto 3:
Tuwing araw ng Linggo, pumupunta ito sa kanilang barangay upang mag-abot ng tulong para sa mga apektadong pamilya matapos pumutok ang Bulkang Taal.
Gawain sa Pagkatuto 3:
Araw ng Linggo, hindi sapat ang dala niyang 380 na balot na bigas para sa 940 na pamilyang apektado nito
Gawain sa Pagkatuto 3:
Ilang balot ng bigas ang kailangan ni Aling Emily upang lahat ng pamilyang apektado ay mabigyan niya?
Gawain sa Pagkatuto 3:
Anong katangian ang ipinapakita ni Aling Emily sa kuwento?
Ilan ang dala ni Aling Emily na balot ng bigas?
Ilang balot na bigas ang kailangan pa ni Aling Emily para lahat ng pamilya ay mabigyan niya?