1 of 24

Pag-unawa sa Mapa o Direksiyon

MTB-MLE 1

Quarter 2 Week 3

2 of 24

Alam mo na ba ang mga daan sa inyong lugar? Kaya mo na bang pumunta sa isang pook nang mag-isa?

3 of 24

Marahil ay hindi ka pa pinapayagang lumabas ng walang kasama. Tama ito dahil maaari kang maligaw. Maiiwasan mo rin ang mapahamak.

4 of 24

Upang magawa mo ito nang maayos kapag malaki ka na, tuturuan ka ng araling ito tungkol sa mga direksiyon o kinaroroonan ng mga lugar.

5 of 24

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang mauunawaan mo ang mapa sa pamamagitan ng pagtukoy sa tamang direksiyon.

6 of 24

Mayroong apat (4) na pangunahing direksiyon.

  1. Hilaga
  2. Timog
  3. Silangan
  4. Kanluran

7 of 24

Matatagpuan ang Hilaga sa itaas na bahagi ng mapa. Katapat naman nito sa ibaba ang Timog.

8 of 24

Makikita sa iyong kanan ang Silangan. Dito sumisikat ang araw. Nasa iyong kaliwa naman ang Kanluran. Dito lumulubog ang araw.

9 of 24

Kadalasang nakalagay sa mapa ng inyong lugar o komunidad ang kinaroroonan ng mga sumusunod na estruktura, gusali o pananda:

10 of 24

Ito ay bahay. Ito ay tirahan.

Ito ay paaralan. Ito ay pook

aralan.

11 of 24

Ang mga ito ay simbahan, sambahan o pook dalanginan.

Ito ay parke o plaza. Ito ay pook pasyalan.

12 of 24

Ito ay palengke. Ito ay lugar pamilihan.

Ito ay himpilan ng pulisya. Ito ay gusali na kinaroroonan ng tagabantay ng kaayusan.

13 of 24

Ito ay ospital o hospital. Ito ay pook pagamutan..

14 of 24

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Tukuyin ang tawag sa estruktura na nasa larawan. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno.

15 of 24

B. parke

A. palengke

C. pagamutan

E. bahay

F. simbahan

D. paaralan

16 of 24

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Tukuyin ang estruktura na

matatagpuan sa sumusunod na direksiyon. Gamitin ang mapa sa pahina 14. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

17 of 24

1. Hilaga - ____________________________

2. Kanluran - ____________________________

3. Silangan - ____________________________

4. Timog - ____________________________

paaralan

tindahan

parke/plaza

bahay / mga bahay

18 of 24

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

Tukuyin ang direksiyong iyong pupuntahan kung hahanapin ang sumusunod. Gamitin ang mapa sa pahina 14. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

19 of 24

1. Palengke o pamilihan -___________

2. Paaralan - _______________________

3. Bahay o bahayan - ______________

4. Parke o plaza - ___________________

kanluran

hilaga

timog

silangan

20 of 24

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

Iguhit ang mapa ng inyong lugar. Bilugan ang kinaroroonan ng inyong

bahay. Isulat ang mga pangalan ng estruktura o gusali na makikita sa iyong iginuhit. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

21 of 24

22 of 24

Natutuhan mo sa aralin na ito ang tungkol sa

apa

i

e

s

i

o

23 of 24

Mahalagang matutuhan mo ang mga ito upang hindi ka maligaw. Mainam na alam mo kung nasaan ang Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran at ang mga lugar na matatagpuan dito.

24 of 24

Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-3 Linggo sa Ika-2 Markahan ng ating aralin!