1 of 39

Pagsasabi nang Tama at Totoo

Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Quarter 2 Week 7-8

2 of 39

Nabatid mo sa nakaraang aralín ang tungkol sa pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kapwa.

Ngayon ay matututuhan mo naman ang pagsasabi ng totoo.

3 of 39

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang nakapagsasabi ng totoo sa magulang o nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon upang maging maayos ang samahan. Kabilang dito ang pagsasabi:

4 of 39

  1. kung saan papunta/nanggaling;

b) kung kumuha ng hindi kaniya;

c) ng mga pangyayari sa paaralan na nagbunga ng hindi pagkakaintindihan; at

d) kung gumamit ng computer sa paglalaro sa halip na sa pag-aaral.

5 of 39

6 of 39

Sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan ay mas higit kang magiging masaya. Mapapabuti ka bilang bata. Tiyak na matutuwa sa iyo ang iyong magulang.

7 of 39

Minsan ay natatakot kang magsabi ng totoo. Iniisip mo na magagalit ang nanay o tatay mo. Mas pinipili mong umalis ng bahay na hindi nagpapaalam. Ginagawa mo ito dahil baka hindi ka payagang lumabas.

8 of 39

Mali ang mga ito. Sabihin mo ang totoo. Dapat mong tandaan na ang pagsasabi ng totoo ay isang kagandahang–asal. Ikaw, nagsasabi ka rin ba ng totoo?

Alalahanin mo ang

mga pagkakataon na

naging mabuti ang

naidulot sa iyo ng

pagsasabi nito.

9 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:

Basahin ang mga nakasaad sa ibaba. Lagyan ng tsek (✓) ang kilos o gawain na nagpapakita ng pagsasabi ng totoo sa magulang o nakatatanda. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

10 of 39

_____1. Pinabili ka ng

iyong nanay sa tinadahan.

May natira pa. Sinabi mong walang sukli.

_____2. Hindi sinasadyang nabasag mo ang baso. Agad mo itong sinabi sa iyong nanay. Humingi ka rin ng paumanhin.

11 of 39

_____3. Pinagbabasa

ka ng iyong modyul. Tinatamad ka. Nagpunta kayo ng kaibigan mo sa may tabing ilog. Hindi ka nagpaalam sa iyong tatay.

12 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:

Basahin ang tula. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

13 of 39

14 of 39

15 of 39

1. Ano ang palaging

iniisip at winiwika ng

nagsasalita sa tula? ______________________

2. Ano-ano ang mangyayari kung magsasabi nang tama at kawili-wili?

_______________________________________

3. Ano-ano ang binanggit na hindi gagawin? ______________________

totoo at mabuti

Magkakaroon ng maayos na samahan.

Hindi magsisinungaling.

16 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:

Kompletuhin ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

17 of 39

1. Kinalulugdan ang batang_________.

matapat

D.

18 of 39

1. Kinalulugdan ang batang_________.

matapat

D.

19 of 39

2. _______________ ako sa tuwing hihiram ng gamit.

Magpapaalam

C.

20 of 39

3. Ako ay magsasabi ng _____________ sa tuwina.

totoo

A.

21 of 39

4. Hindi ako ______________ sa aking mga magulang.

maglilihim

B.

22 of 39

5. Ang pagsasabi ng totoo ay tanda ng ___________ sa sarili at kapwa.

paggalang

E.

23 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:

Piliin kung Tama o Mali ang isinasaad sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

24 of 39

_____1. Nasira mo ang

remote control ng

inyong TV. Inamin mo ito sa iyong nanay at agad nag-sorry.

_____2. Naglaro ka maghapon sa computer shop sa halip na mag-aral ng mga aralin.

Tama

Mali

25 of 39

_____3. Hindi mo sinabi

na nakita mong kinokopya lamang ni Carla ang sagot sa mga gawain.

_____4. Nais mong mamasyal sa parke. Ikaw ay nagpaalam nang maayos sa iyong magulang.

Mali

Tama

26 of 39

____5. Ipinaalam mo sa iyong ate na hihiramin mo ang kaniyang tsinelas.

Tama

27 of 39

Nalaman mo na ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoo sa iyong magulang, nakatatanda o kasapi ng mag-anak. Ngayon ay tutukuyin mo ang iyong sariling kilos o gawain.

28 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:

Lagyan ng tsek (✓) ang hanay ng iyong sagot sa bawat gawaing nakasaad. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

29 of 39

30 of 39

Alin-alin ang minsan lamang o hindi mo nagagawa? Ano ang gagawin mo upang maging madalas na ang pagsasagawa mo ng mga tagubiling ito?

31 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:

Balikan ang isang karanasan kung kailan sinabi mo ang totoo. Ipaliwanag kung bakit mo ito ginawa. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

32 of 39

Halimbawa: Nakita ko na

may nakapatong na pera

sa mesa. Gusto kong bumili ng pagkain sa tindahan. Humingi ako sa nanay ko. Dapat magpaalam muna bago kumuha.

Dapat na magpaalam muna ako bago ako kumuha ng pera. Ito ay pagpapakita ng pagiging tapat, respeto at paggalang sa aking magulang.

33 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 7:

Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagsasabi ng totoo. Isulat kung ano ang ginagawa o sinasabi ng nasa larawan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

34 of 39

Gawain sa Pagkatuto Bílang 8:

Kabisaduhin ang tula sa pahina 32. Bigkasin ito sa harap ng mga kasapi ng pamilya. Hingin ang kanilang reaksiyon gamit ang emoticons sa ibaba. Isulat sa iyong kuwaderno ang bilang na natanggap na reaksiyon.

35 of 39

36 of 39

37 of 39

Ang pagsasabi ng tama o totoo sa magulang, nakatatanda o sinoman sa kasapi ng pamilya ay lubhang napakahalaga. Ito ay pagpapakita ng respeto sa kapwa at maging sa sarili.

Laging sabihin ang totoo. Kaya mo ito.

38 of 39

Bilang pangwakas,

masasabi mo na:

Ang b _ t _ _ _ nagsasabi ng

totoo o t _ m _ ay higit na

m _ m a h _ l _ n ng

k _ _ w _.

a

a

n

g

a

a

a

a

i

a

p

a

39 of 39

Binabati kita! Natapos mo na �ang Ika-7 hanggang 8 Linggo sa Ika-2 Markahan ng ating aralin!