Filipino 2
Quarter 2 Week 1-2
Paghihinuha ng Pangyayari sa Nabása at Napakinggang Kuwento
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makagagamit ng personal na
karanasan sa paghihinuha ng mangyayari sa nabása at napakinggang teksto o kuwento at makabibigkas nang wastong tunog
ng patinig, katinig, kambal-katinig o klaster, at diptonggo.
Layunin
Ang patinig ay tunog na likha ng hindi pinipigil na tinig, gaya ng a, e, i, o, u. Ito ay pinakatampok na bahagi ng pantig na binubuo ng limang letra ng alpabetong Filipino. Halimbawa: aso, elesi, ibon, oso, usa.
Ang katinig ay binubuo ng dalawampu’t tatlong (23) letra ng alpabetong Filipino. Ito ay b, c, d, f, g, h, j, k, l , m, n, ñ, ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, z.
Halimbawa: bola, candy,
dila, fried chicken, gulong,
halaman.
Ang kambal-katinig o klaster ay ang magkasunod na tunog o ponemang katinig sa isang pantig. Ito ay maaaring makita sa unahan, gitna, o sa hulihang pantig ng salita. Ito ay kr, gl, bl, ks, br, pl. Halimbawa: krema, globo, blangko, komiks, braso, eroplano.
Katinig-Patinig (KP)
ma-ta wa-la ga-bi
Kambal-katinig (Klaster )
tray-sikel trans-por-ta-syon
Diptonggo (patinig at malapatinig na w at y)
ba-hay ngi-yaw
Tingnan ang sumusunod na larawan. Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong karanasan na kaugnay ng ipinakikita sa larawan.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1:
A.
B.
Tahimik at magkakalayo ang mga kinatatayuan ng mga bahay sa aming pook kaya’t nakakatakot. Higit na nakakatakot ang aming lugar kung gabí na.
Basahin at unawain ang maikling kuwento.
Bihira kang makarinig ng anomang tunog ng transportasyon na dumadaan, maliban sa traysikel.
Isang gabí, papauwi na ako na wala sa aking plano. Madilim na madilim at hindi nasasaklaw ng anomang liwanag ng ilaw ang daan. Wala ring bantay kapag ganoong oras ng gabí.
Habang ako’y naglalakad, may naramdaman akong kumaluskos
sa gawing likuran. Hindi ako makalingon sa takot. Pilit kong binilisan ang aking hakbang.
Ibig kong sumigaw subalit ang kaluskos ay nása gawing tagiliran ko na. Lalo kong binilisan ang aking lakad kaya’t ang tsinelas kong suot ay halos matanggal
sa aking paa.
Sa dakong unahan, may dalawang bolang apoy na papalapit. Nginig na nginig ako. Halos himatayin ako sa takot nang marinig ang kaniyang iyak.
“Ngiyaw! Ngiyaw! Ngiyaw!”
Sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
1. Sino ang nagsasalaysay?
2. Saan naganap ang pagsasalaysay?
3. Ano ang damdamin ng nagsasalaysay?
4. Ano ang dahilan ng damdaming iyon?
5. Sa iyong palagay, ano ang nangyari sa nagsasalaysay?
Tukuyin ang uri ng mga pantig na may salungguhit. Isulat sa iyong kuwaderno kung ito ay patinig, katinig, kambal-katinig, o diptonggo.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
1. bahay
2. plano
3. apoy
4. klima
5. ilaw
6. elepante
7. traysikel
8. bantay
9. susi
10. ngiyaw
Basahin ang kuwento.
Ang mga Alagang Manok ni Mang Nardo
Mahusay mag-alaga ng manok si Mang Nardo. Araw-araw niyang winawalisan at tinatabunan ng lupa ang dumi ng manok.
Ayaw niyang magrereklamo ang kaniyang mga kapitbahay na mabaho at marumi ang kaniyang manukan. Pagkatapos maglinis, nakikinig ng drama sa radyo si Mang Nardo.
Isang araw, habang kumukuha ng tubig si Mang Nardo, narinig niya ang kaniyang manok na nagpuputakan. Laking gulat niya, sapagkat
nakita niyang nangingitlog
na ang mga ito.
Inilagay niya sa tray ang mga itlog. Masayang-masaya si Mang Nardo dahil marami siyang maibebenta sa palengke. Ang ibang itlog naman ay ibibigay niya sa kaniyang mga kapitbahay. Hindi niya nakalilimutang ibahagi sa iba
ang kaniyang natatanggap
na biyaya.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba batay sa nabasang kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4:
1. Ano ang kakaibang katangian ni Mang Nardo?
2. Gaano kadalas niyang nililinis ang kulungan ng mga manok?
3. Bakit kailangang linisin ang kulungan?
4. Ano ang ginagawa ni Mang Nardo pagkatapos maglinis?
5. Saan niya inilagay ang itlog ng mga manok?
Basahin ang sumusunod na mga teksto. Gamitin ang sariling karanasan upang makabuo ng hinuha sa susunod na mangyayari sa sitwasyon. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5:
1. Mahilig kumain ng kendi si Rose. Bumibili siya lagi sa labas ng paaralan. Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari kay Rose?
2. May pagsusulit si Liam kinabukasan. Sa halip na mag-aral, naglaro siya ng computer games. Ano sa palagay mo ang mangyayari kay Liam?
Punan ang mga nawawalang letra upang mabuo ang wastong salita. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6:
Sa pagbibigay ng hinuha sa isang pangyayari, madali ko itong magagawa kung batay ito sa aking sariling k _ _ _ n _ _ a _.