Q3 – FILIPINO
– W3-day5
Nakasusunod sa panuto.
F4PU-IIIb-2.5
Gawin ang mga sumusunod.
1. Gumuhit ng malaki-laking hugis parihaba at isulat sa loob ang iyong unang pangalan.
2. Gumuhit ng isang bulaklak na may apat na talulot. Isulat mo sa bawat talulot ang mga paborito mong kulay.
3. Gumuhit ng isang hugis bilog at isulat mo sa loob ang paborito mong gulay.
4. Gumuhit ng baso, isulat sa harap nito ang palagi mong iniinom.
5. Sagutin ang tanong na ito….Bakit ka pumapasok araw-araw?
1. Gumuhit ng isang paruparo at lagyan mo ito ng tali na may nakadikit na papel na nakasulat dito ang pangarap mong maging sa paglaki mo.
2. Gumuhit ng isang ulap. Isulat mo dito ang mabuti mong katangian bilang isang batang mag-aaral.
3. Iguhit ang hugis puso at isulat sa loob nito ang I LOVE GOD.
4. Isulat mo ang ugali mo na nais mong baguhin.
5. Sagutin mo ito…. Bakit dapat maging magalang?
1. Gumuhit ng malaki-laking hugis tatsulok. Isulat dito ang salitang I LOVE MATH.
2. Iguhit ang isang parisukat at sa loob nito ang hugis bituin.
3. Isulat sa hugis pabilog ang mga salitang GOD IS GOOD ALL THE TIME.
4. Gumuhit ng kalahati ng hugis puso.
5. Isulat ang huling mga salita o linya ng “LUPANG HINIRANG.”
1. Isulat ang salitang nagsasabi na palagi kang gumagawa.
2. Ano ang mabuting gawa na nagawa mo sa araw na ito? Isulat mo ito.
3. Sino sa palagay mo ang taong tumutulong upang magkaroon ka ng kaalaman?
4. Sagutin ang tanong na ito… masama ba na ikaw ay pinagsasabihan? Bakit?
5. Isulat sa loob ng parihaba ang madalas mong maramdaman.
Isulat o sundin ang mga sumusunod na panuto.