)
Mahiwagang Pabo�(Pang- abay na Pamaraan)
Kuwento
Inihanda ni Gng.
Gng. ESTELA R. ANDA
Atimona I District
Atimonan, Quezon
PONON ELEMENTARY SCHOOL
Mahiwagang Pabo�(Pang- abay na Pamaraan)
Mabagal na lumakad ang pabo. Patingkayad itong sumisilip sa halamanan. Nakita niya ang nagtatalong kambing at usa.
Matuling tumakbo ang usa kaya nilagyan ng kambing ng harang ang daraanan nito upang makausap. Narinig niya ang pag-uusap ng dalawa.
“Huwag mong sirain ang mga pananim. Kailangan natin ito. Lahat nalang kinain mo. Prutas, gulay at mga dahon ng halamang gamot”,puna ng usa.
Dahan-dahang lumapit ang kambing sa usa at akmang sisipain ito. Mabilis na sinuwag ito ng usa. Lumitaw ang pabo.
“Tigil, ikaw kambing parurusahan kita sa ginawa mo,” sabi ni pabo.
“Aba , ang tapang ng pabo. Gusto mo kagatin din kita,”pagalit na sigaw ng kambing.
Nagalit ang pabo. Itinaas nito ang kamay. Ang matikas na kambing ay nagkaroon ng balbas at sungay tanda ng masamang ugali nito. Ang pabo ay naging diwata.
Sagutin:
Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Ito ay mga pang-abay na pamaraan
Tandaan:
Ang pang-abay ay salitang nagbibigay- turing o naglalarawan sa salitang- kilos o pandiwa.
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad ng paraan kung paano ginawa ang kilos.
GAWIN ang mga PAGSASANAY.
A.Bilugan ang pandiwa sa parirala at guhitan ang pang-abay.
4.matuling magmaneho
B. Angkupan ang mga pang-abay na pamaraan sa mga sumusunod na pandiwa.