1 of 40

ARALING

WEEK 2 DAY 1

PANLIPUNAN 5

2 of 40

    • 1. Nailalahad ang iba’t ibang mga teorya sa pagkakabuo ng kapuluan at pinagmulan ng Pilipinas.
    • 2. Natatalakay ang mga mito sa pagkakabuo ng kapuluan at ng Pilipinas.
    • 3. Nailalahad ang mga paniniwalang panrelihiyon sa pagkakabuo ng kapuluan at pinagmulan ng Pilipinas.
    • 4. Naibabahagi ang mga saloobin hinggil sa pagkakabuo ng Pilipinas.

PAMANTAYAN

SA PAGKATUTO

3 of 40

Panuto: Susuriin ng mga mag-aaral ang globo at mapa at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

4 of 40

5 of 40

1. Saan matatagpuan ang Pilipinas sa Asya? sa mundo?

6 of 40

2. Bakit mahalagang malaman ang kinalalagyan ng Pilipinas?

7 of 40

3. Paano mailalarawan ang katangian ng Pilipinas bilang isang arkipelago?

8 of 40

4. Paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas?

9 of 40

Panuto: Pasasagutan sa mga mag-aaral ang unang kolum K- Ano-ano ang nalalaman ko? at ang ikalawang kolum W- Ano-ano ang gusto ko pang malaman? samantalang ang ikatlo at ikaapat na kolum ay sasagutin ng mga mag-aaral pagkatapos ng aralin.

10 of 40

11 of 40

Panuto: Aayusin ang mga mag-aaral ang mga letra o jumbled letters upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng mga pahayag o paliwanag na may kaugnayan sa aralin. Isusulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

12 of 40

A. YAORET - itinuturing bilang tama o tumpak, na maaaring gamitin bilang mga prinsipyo ng paliwanag at prediksiyon.

B. IMOTOLIHAY- sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay.

C. ONKTINENET - isang malaking tipak o bahagi ng lupa o lupalop.

13 of 40

D. OBOGAB - mga katutubong naniniwala na si Melu, ang kanilang diyos ang gumawa ng Pilipinas.

E. SOYID - pinaniniwalaan ng relihiyon na siya ang gumawa ng daigdig kasama ang Pilipinas.

14 of 40

Pinagmulan Ng

Pilipinas

15 of 40

Maraming teorya tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas? Ngunit, ano nga ba ang teorya?

16 of 40

Ang teorya ay isang paliwanag tungkol sa isang penomena o pangyayari na itinuturing bilang tama o tumpak na maaaring gamitin bilang prinsipyo ng paliwanag o prediksyon.

17 of 40

Dagdag pa dito, ang teorya ay maaaring pundamental na batas, doktrina o paniniwala bilang sagot, paliwanag o gabay sa inoobserbahan o pinag-aaralang impormasyon o datos.

18 of 40

AGHAM

Sinasabi na ang teorya ay makaagham at hindi pa lubos na napatutunayang

totoo ang mga nasabing paliwanag.

19 of 40

Sa kasalukuyan, may mga teoryang naglalarawan ng pinagmulan ng mga lupain sa daigdig kabilang na ang pinagmulan ng Pilipinas.

20 of 40

1. Teoryang Bulkanismo o Pacific Theory- Ayon kay Dr. Bailey Willis, isang Amerikanong heologo (geologist), ang Pilipinas ay nabuo bunsod ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

21 of 40

Nabuo ang Pilipinas sa pagsabog ng Pacific Basin. Ipinalalagay na patunay nito ang pagkakatulad ng kalupaan ng kabundukan sa Pilipinas at ng mga batong nasa ilalim ng dagat.

22 of 40

Matatagpuan ang Pilipinas sa tinatawag na Pacific Ring of Fire, isang grupo ng mga lupain sa Pasipiko kung saan madalas ang pagsabog ng bulkan, ayon sa mga siyentipiko.

23 of 40

2. Teoryang Plate Tectonics- Nabuo ang teoryang ito dahil sa pinagsamavsamang ideya na bunga ng masusing pananaliksik at pag-aaral ng mga siyentipiko.

24 of 40

Ayon sa kanila, ang crust ng daigdig ay binubuo ng malalaki at makakapal na tectonic plate. Maihahalintulad sa bahagi ng ng isang jigsaw puzzle ang kalupaan ng daigdig.

25 of 40

Nakatungtong ang mga kontinente at karagatan ng daigdig sa malalaking tectonic plate na tinatawag na continental plate.

26 of 40

Patuloy sa paggalaw at pag-ikot sa mainit na magma ang mga plate tectonic na ito. At ang pagbabanggaan ng mga tectonic plate ang naging dahilan ng pagkakabuo ng mga bundok, isla at bulkan.

27 of 40

Naging sanhi din ito ng pagsabog ng bulkan, lindol, rock formation at tsunami. Ang kapuluan ng Pilipinas ay may sariling tectonic

plate na tinutungtungan at ipinalalagay ng teoryang Plate Tectonics na nabuo ang kapuluan ng Pilipinas bunga ng paggalaw ng mga continental plate.

28 of 40

Sagutin ng Tama o Mali.

1. Patuloy ang pagtambak ng volcanic material sa ilalim ng karagatan.

2. Unti–unting lumitaw ang pulo sa karagatan na siyang bumuo ng kapuluan ng Pilipinas.

29 of 40

Sagutin ng Tama o Mali.

3. Patuloy ang paikot na paggalaw ng mga tectonic plate sa ilalim ng mga

Karagatan.

4.Nababago ang anyo,,hugis at posisyon ng mga kalupaan dahil sa paghihiwalay at pagbanggaan ng mga plate.

30 of 40

Sagutin ng Tama o Mali.

5. Hindi tumitigil ang paggalaw ng tektonik plate sa ilalim ng karagatan.

31 of 40

Sagutin ang bawat tanong.

1. Paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas?

2. Ano ang tumutukoy sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto

gamit ang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik?

32 of 40

Sagutin ang bawat tanong.

3. Ano ang tawag sa malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bahagi ng crust?

4. Sino ang siyentistang Amerikano na naniniwala na ang Pilipinas ay nabuo sanhi ng pagputok ng bulkan sa karagatan?

33 of 40

Sagutin ang bawat tanong.

5. Sino ang siyentistang nagpanukala ng teoryang continental drift?

34 of 40

Panuto: Sasagutan ng mga mag-aaral ang ang ikatlo kolum, H -Paano ko pa ito matutuhan? at ang ikaapat na kolum, L - Ano-ano ang natutuhan ko?

35 of 40

Panuto: Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

1. Ang tawag sa malaking masa ng lupa na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas.

A. crust

B. bulkan

C. tectonic

D. Pangaea

36 of 40

2. Ang teoryang tungkol sa unti-unting paggalaw ng mga kalupaan mula sa isang supercontinent.

A. Teorya ng Bulkanismo

B. Teorya ng Tectonic Plate

C. Teorya ng Tulay na Lupa

D. Teorya ng Continental Drift

37 of 40

3. Ang teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa pagputok ng mga bulkan sa paligid ng Pacific Basin.

A. Teorya ng Bulkanismo

B. Teorya ng Tectonic Plate

C. Teorya ng Tulay na Lupa

D. Teorya ng Continental Drift

38 of 40

4. Ang mga ideya at posibleng paliwanag na binuo ng mga eksperto batay sa resulta ng kanilang ginawang pag-aaral.

A. batas

B. teorya

C. dekreto

D. panukala

39 of 40

5. Ayon sa teoryang ito, dating pinagdurugtong ng mga tulay na lupa ang mga pulo ng Pilipinas sa isa’t isa.

A. Teorya ng Bulkanismo

B. Teorya ng Tectonic Plate

C. Teorya ng Tulay na Lupa

D. Teorya ng Continental Drift

40 of 40

MARAMING

SALAMAT!