Mga Alituntunin at Pakikipag-ugnayan
ng Pamilya
ARALING PANLIPUNAN 1
Quarter 2 Week 7-8
A
L
I
T
U
N
T
U
N
I
N
Y
A
N
U
G
N
A
M
I
L
P
A
Y
A
Naaalala mo pa ba ang mga kuwento tungkol sa iyong pamilya? Ano pa ba ang mga naaalala mo na ginagawa at sinasabi sa iyo ng iyong mga magulang araw-araw? Matutukoy mo ba ang mga maaari at hindi maaaring gawin, tulad ng kapag kayo ay nasa hapag-kainan? Ang lahat ng ito ay mabibigyan mo ng kasagutan sa araling ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang makagagawa ka ng wastong pagkilos sa pagtugon sa mga alituntunin ng pamilya. Inaasahan din na ikaw ay makabubuo ng konklusyon tungkol sa mabuting pakikipag-ugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya sa lipunang Pilipino.
Kilala mo ba si Pinocchio? Ano ang katangian niya kaya siya ay nakilala sa buong mundo?
Sa tuwing magsisinu-ngaling ay humahaba ang ilong ni Pinocchio.
Ang pagtatago ng totoo at hindi pagsunod sa sinasabi ng nakatatanda ay may karampatang parusa.
Gusto mo rin bang humaba ang iyong ilong?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Masdan ang mga larawan. Alin sa sumusunod ang iyong ginagawa? Lagyan ng
( ) kung ang larawan ay iyong ginagawa at ( )kung ang larawan ay hindi mo sinusunod. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
2. Sino ang nagtakda ng mga alintuntunin sa bahay?
Maari akong mapagalitan dahil hindi ko ginagawa ang aking tungkulin.
Sina nanay at tatay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
3. Bakit itinakda ang mga alituntunin sa inyong tahanan?
Upang maging gabay ng bawat miyembro ng pamilya.
Upang alam at napapaalalahanan ang bawat kasapi ng pamilya sa mga dapat at hindi dapat gawin para sa ikabubuti ng bawat isa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Tukuyin ang mga alintuntunin na dapat gawin ni Mal at ng kaniyang mga kapatid gamit ang kuwento. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Hindi inaasahan ng marami ang pagdating ng COVID-19. Tinawag na itong pandemya sapagkat naapektuhan nito ang halos lahat ng mga bansa sa buong mundo. Sa Pilipinas, libo-libong tao na ang nagkakasakit dahil dito.
Isang araw, kinausap ni Aleng Marilyn ang kaniyang buong pamilya. Ipinaliwanag niya ang ilang mga pagbabago sa nakagawian sa kanila.
Hindi na sila pinapayagang lumabas. Sa loob na lamang ng bahay puwedeng maglaro. Bago ito, dapat ay tapos na silang maligo. Nakapagsuot na rin ng malinis na damit. Kailangang tapos na rin basahin ang mga aralin. Pinaghuhugas sila ng kamay ng mas madalas kaysa dati lalo na bago kumain.
Tinitingnan ng nanay nila kung tama nila itong ginagawa. Tumutulong si Mal sa ate Kate niya sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Pinupunasan din nila ang mesa ng basahang may sabon upang hindi dapuan ng langaw. Pinaghihiwalay din nila ang basurang nabubulok at di-nabubulok.
Halaw mula sa kuwento ni J. Lopo, (2020), Ang Malinis na si Mal.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Si Aleng Marilyn
2. Alin sa mga sagot mo ang katulad na alituntunin at ginagawa mo sa inyong tahanan?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Isulat o gumuhit ng isang alituntunin na mayroon sa inyong bahay, tulad ng halimbawa sa kahon. Ipakita sa nakatatandang kapatid o magulang ang iyong isinulat o iginuhit. Papirmahan ito bilang pagsang-ayon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Suriin ang larawan sa kanan. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
2. Maglalaro ka rin ba sa labas gaya nila? Bakit?
Maari silang mahawahan ng Covid-19
Hindi po. Upang makaiwas po ako na mahawahan ng Covid-19
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Basahin ang usapan nina Gina at Gino. Sagutin sa iyong kuwaderno ang mga tanong sa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Hi Gina, alam mo ba na ang mga ito ang alituntunin sa bahay namin: paggising at pagtulog nang maaga o tama sa oras, pagliligpit ng plato at iba pang pinagkainan, paliligo at paglilinis ng katawan araw-araw, pagsama o pagsali sa pagdarasal, pag-aalaga sa kapatid.
Ito naman ang sa amin, Gino: pag-aayos ng higaan bago matulog at pagkagising, pagpapaalam kung gagamit ng gamit ng iba, paggamit ng Po at Opo sa pakikipag-usap, pagtulong sa paglilinis ng bahay, pagsunod sa ipinag-uutos.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga alintuntunin ng kanilang bahay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
2. May magkapareho ba silang alituntunin na sinusunod sa tahanan nila?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
3. Ano sa mga nabanggit na alituntunin ang kapareho o mayroon sa inyong bahay?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:
Lagyan ng tsek (✓) kung ang larawan ay nagpapakita ng pagtupad sa mga alituntunin sa bahay. Lagyan naman ng ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
______1. Paghihiwalayin ko ang nabubulok, hindi nabubulok at maaari pang gamitin na basura.
______2. Mananatili akong matahimik habang nagdadasal ang aking kapitbahay.
______3. Makikipaglaro ako sa anak ng kapitbahay namin ng Mobile Legends hanggang alas dose ng hatinggabi.
T
T
M
______4. Hihingi ako ng pahintulot sa tiyahin ko kung kukuha ako ng bayabas sa puno nila tulad ng anak niya na kababata ko kapag kumukuha ng mangga sa aming puno.
______ 5. Hinahayaan ko lamang ang pagtulo ng tubig mula sa gripo kahit tapos na akong maligo.
T
M
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8:
Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng kung Tama at kung Mali ang nakasaad. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
______1. Ang alituntunin ay itinatakda ng mga magulang o ng mga nakatatanda.
______2. Ang alituntunin ay HINDI pinag-usapan at pinagkasunduan ng mga kasapi ng pamilya.
______3. Ang alituntunin ay ipinatutupad bilang tugon sa sitwasyon na mayroon ang pamilya.
______4. Napakahalaga na sumunod sa alituntunin ng pamilya dahil ito ay nagpapakita ng respeto.
______5. Ang pagsunod sa alituntunin ng ibang pamilya ay magbubunga ng magandang ugnayan ng sariling pamilya at iba pang pamilya.
Punan ang patlang upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Hanapin sa kahon sa ibaba ang tamang sagot.
Tandaan na ang _______________________ sa mga itinakda at napagkasunduang mga
_______________________ ay isang wastong pagkilos at pagtugon sa mga alituntunin ng _______________________.
pagsunod pamilya
pagsuway alituntunin
pagsunod
alituntunin
pamilya
Binabati kita! Natapos mo na �ang ika-7-8 linggo sa ika-2 markahan ng ating aralin!