1 of 15

Maria Ruby De Vera Cas

Pasong Buaya II E/S

Imus City, Cavite

Aralin 14

PANGKALIGTASAN AT PANGKALUSUGANG PANUNTUNAN SA PAGGAWA

Industrial Arts

2 of 15

Layunin

  1. Naiisa-isa ang mga pangunahing pangkaligtasan na kaugnay ng mga gawain

2. Nakasusunod sa mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan habang gumagawa

3. Naisaalang-alang ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggawa

3 of 15

Ano-ano ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan na dapat sundin sa paggawa?

Bakit kailangang maging maingat sa paggawa?

Bakit mahalagang sundin ang mga panuntunang ito habang gumagawa?

Panimulang Pagtatasa

4 of 15

Alamin

Natin

Ano-anong kagamitan at kasangkapan ang nagamit mo na sa paggawa ng iyong proyekto?

Paano mo ginamit ang mga ito?

Nagawa mo ba nang maayos ang iyong proyekto?

5 of 15

Alamin

Natin

6 of 15

“Panuntunan ay sundin, kaligtasan ay kamtin”

-Mae Roson

Alamin

Natin

7 of 15

Linangin

Natin

Ang pagsasagawa ng iba’t ibang proyekto ay isang gawaing kawili-wili, nakalilibang, at higit sa lahat ay kapaki-pakinabang na gawain lalo na kung isasaalang-alang ang pagsunod sa mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan habang gumagawa.

Ang mga sumusunod ay ilang tuntunin at paunawa na dapat mong sundin upang maiwasan ang anumang kapahamakan at hindi magandang insidente habang gumagawa. Gawin mong gabay ang mga ito sa lahat ng pagkakataon.

8 of 15

Linangin

Natin

1. Maglaan ng lugar, kahon o kabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa. Iayos ang mga ito sa uri at gamit upang mapadali ang pagkuha at pagbabalik sa mga ito.

2. Gamitin nang buong ingat ang mga de-koryenteng kasangkapan at kagamitang matalim at matatalas.

9 of 15

Linangin

Natin

3. Siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang mga kasangkapang gagamitin. Iwasan ang paggamit ng mga kagamitang kinakalawang, mapurol, maluwag ang turnilyo o kaya’y may sirang bahagi.

4. Ibigay ang buong atensiyon sa ginagawa. Huwag makipaglaro o makipag-usap habang humahawak ng mga kagamitan at kasangkapan.

10 of 15

Linangin

Natin

5. Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang de-koryente bago gamitin ang mga ito. Makabubuting gamitin ang mga kasangkapang ito sa patnubay ng guro o ng mga nakatatanda.

6. Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga kasangkapan tulad ng welding machine, lathe machine, mga kemikal, at ibang makapipinsala sa katawan.

11 of 15

Linangin

Natin

7. Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron at hairnet, at magpalit kaagad ng kasuotan matapos gumawa..

8. Maghugas na mabuti ng kamay bago at pagkatapos gumawa..

12 of 15

B. Basahin at isagawa.

Bumuo ng mga pangkaligtasan at pangkalusugang panuntunan sa paggawa na dapat sundin. Ayusin ang mga kasangkapan sa sining pang-industriya ayon sa panuntunang iyong nabuo.

13 of 15

Tandaan

Natin

Ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan ay dapat sundin habang gumagawa upang maiwasan ang anumang kapahamakan o disgrasya.

14 of 15

Gawin

Natin

Lagyan ng tsek ang patlang kung dapat gawin at ekis kung hindi dapat.

_____1. Gumamit ng kasangkapang angkop sa bawat gawain.

_____2. Ilagay sa bulsa ang mga kagamitan at kasangkapang matutulis.

_____3. Ingatan ang paggamit ng matalas na kagamitan at kasangkapan.

_____4. Makipaglaro habang gumagawa.

_____5. Maghintay ng pagkakataon sa paggamit ng kasangkapan kapag ito’y kulang.

15 of 15

Pagyamanin

Natin

Gumawa ng islogan tungkol sa mga dapat tandaan upang maging ligtas sa anumang gawaing isinasakatuparan. Isulat ito sa ibaba.