Industrial Arts
Aralin 4
PAGBUO NG IBA’T IBANG LINYA AT GUHIT
Maria Ruby De Vera Cas
Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
Layunin
ng iba’t ibang linya at guhit
2. Nakaguguhit ng iba’t ibang linya at guhit
3. Nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa
ginawa ng mga kaklase
Tingnan at pag-aralan ang mga sumusunod na mga larawan. Ano-anong mga linya ang makikita dito?
Anong mga linya ang nakita ninyo sa mga larawang ipinakita?
Bakit ang mga linyang nabanggit ang inyong ginamit?
Tumingin sa paligid, ilarawan ang mga linya o guhit na inyong nakikita. Kung ating mapapansin sa ating paligid, tayo ay napapaligiran ng linyang tuwid, patayo at pahilis. Mayroon ding mga pa-zigzag, pakurba, at pabilog.
Sa gawaing pang-industriya napakahalaga ang working drawing. Ito ay nagpapakita ng larawan o kabuuan ng proyektong gagawin.Ang working drawing ay binubuo ng alphabet of lines o alpabeto ng linya.
Ang isang larawan ay binubuo ng iba’t ibang uri ng linya o guhit. Ito ay tinatawag na alpabeto ng linya. May iba’t ibang uri ng alpabeto ng linya
Mga Alpabeto ng Linya
- linyang panggilid o border line
- linyang pangnakikita o visible line
- - - - - - - -
- linyang pang di-nakikita o invisible line
- linyang pasudlong o extension line
- linyang panukat o dimension line
- linyang panggitna o center line
Mga Alpabeto ng Linya
- linyang pantukoy o reference line
- linyang panturo o leader line
- linyang pambahagi o section line
- linyang pamutol o break line
Mga Alpabeto ng Linya
- linyang panggilid o border line
- linyang pangnakikita o visible line
- - - - - - - -
- linyang pang di-nakikita o invisible line
- linyang pasudlong o extension line
- linyang panukat o dimension line
- linyang panggitna o center line
- linyang panggilid o border line
Ang linyang panggilid o border line ang pinakamakapal o pinakamaitim
na guhit.
Mga Alpabeto ng Linya
- linyang pangnakikita o visible line
Ang linyang nakikita o visible line ay para sa nakikitang bahagi ng
inilalarawang bagay.
- - - - - - - -
- linyang pang di-nakikita o invisible line
Ang linyang di-nakikita o invisible line ay nagpapakita ng natatakpang
bahagi ng inilalarawang bagay.
Ang extension line ay ipinakikita ang pagkakatapat ng tanawin at
hangganan ng mga sukat ng inilalalarawang bagay.
- linyang pasudlong o extension line
- linyang panukat o dimension line
Ang linyang panukat o dimension line ay nagpapakita ng kapal, lapad
at haba ng larawan.
Ang linyang panggitna o center line ay nagpapakita ng axis o gitnang
mga hugis simetrikal tulad ng washer, gear at rimatse.
- linyang panggitna o center line
- linyang pantukoy o reference line
Ang linyang pantukoy o reference line ay tumutukoy ng isang bahagi
ng inilalarawang bagay.
Ang linyang panturo o leader line ay
nagpapakita ng sukat o
bahagi
ng isang bagay.
- linyang panturo o leader line
- linyang pambahagi o section line
Ang linyang ginagamit sa paghahati ng isang seksyon.
Ang long break line ay nagpapakita ng pinaikling bahagi ng isang
mahabang bagay na inilalarawan.
- linyang pamutol o break line
Ang bawat larawan ay binubuo ng
mga guhit. Ito ay naglalarawan ng iba’t ibang uri ng alpabeto ng linya.
Ang alpabeto ng linya ay kailangan upang mabigyang-buhay ang lahat
ng bagay sa ating paligid.
Tandaan Natin
Ang alpabeto ng linya ay gingamit sa pagbuo ng isang larawan katulad ng ortograpiko at ang sometrikong drowing. Ito ay mga uri ng drowing na nagpapakita ng bawat bahagi at kabuuan ng isang larawan.
Kilalanin ang mga linyang ito. Isulat ang pangalan ng bawat uri ng alpabeto ng linya.
Pagyamanin Natin
Pag-aralan ang gamit ng alpabeto ng linya sa pagbuo ng ortogapiko at ang sometrikong drowing.