1 of 76

QUARTER 1 - WEEK 7-2

Kolonyalismo at Imperyalismo

ARALING PANLIPUNAN 7

QUARTER 2 - WEEK 1

2 of 76

FADINRNED EMALGALN

Sino sya?

https://www.britannica.com/biography/Ferdinand-Magellan/Circumnavigation-of-the-globe

FERDINAND MAGELLAN

3 of 76

Noong September 20, 1519 sinimulan ni

Ferdinand Magellan

ang paglalakbay upang tuklasin ang isla ng pampalasa, ang Maluku o Moluccas (na kasalukuyang bahagi ng Indonesia).

https://www.facebook.com/Trivia and Facts Philippines/September 20, 2024 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗜 𝗠𝗔𝗚𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡

4 of 76

https://www.facebook.com/Trivia and Facts Philippines/March 16, 2023 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗜 𝗠𝗔𝗚𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

https://www.facebook.com/Trivia and Facts Philippines/March 31, 2021 #NgayongArawSaKasaysayan

5 of 76

https://www.facebook.com/Bohol Provincial Library/March 29, 2021 #OnThisDay

https://www.facebook.com/Trivia and Facts Philippines/April 14, 2021 #NgayongArawSaKasaysayan

6 of 76

https://www.facebook.com/Trivia and Facts Philippines/April 26, 2023 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗡𝗜 𝗠𝗔𝗚𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗖𝗧𝗔𝗡

https://www.facebook.com/Trivia and Facts Philippines/April 27, 2022 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗖𝗧𝗔𝗡

7 of 76

Tatlong tauhan ang pumalit bilang pinuno ng ekspedisyon matapos ang pagpanaw ni Magellan, : si Duarte Barbosa,

na nasawi sa Cebu;

si Juan Carvalho,

na nag-utos wasakin ang barkong Concepcion at kalauna’y naalis sa pagkapinuno; at si Gonzalo Gomez de Espinosa.

https://www.nationalgeographic.com/history/history-magazine/article/240-men-started-magellan-voyage-around-world-only-18-finished-it

8 of 76

Dalawang barko na lamang

ang nagawang makarating

sa Mollucas. Sa Ternate, Mollucas, naghiwalay ng landas sina Espinosa (kapitan ng barkong Trinidad) at Sebastian Elcano (kapitan ng barkong Victoria). Sinubukan maghanap ni Espinosa ng ruta pabalik sa Espanya ngunit sila’y nadakip ng mga Portugues.

https://en.wikipedia.org/wiki/Juan_Sebasti%C3%A1n_Elcano

9 of 76

https://www.facebook.com/Trivia and Facts Philippines/September 6, 2022

Samantala, matagumpay na nakabalik sina Elcano sa katubigan ng Espanya noong September 6, 1522.

Ang barkong Victoria, ang tanging barko ng Magellan-Elcano expedition na nagawang maikot ang mundo.

Tanging 18 mula sa 245 na orihinal na tauhan ng ekspedisyon ang nagawang bumalik sa Espanya.

10 of 76

https://www.facebook.com/Trivia and Facts Philippines/September 6, 2020 #NgayongArawSaKasaysayan

Ang Magellan-Elcano expedition ang siyang maituturing na kauna-unahang matagumpay na paglibot sa buong daigdig sa pamamagitan ng paglalayag (circumnavigation).

11 of 76

https://www.facebook.com/Bohol Provincial Library / April 27, 2021

12 of 76

Paano nga ba nakarating sina Magellan sa Pilipinas?

https://www.britannica.com/biography/Ferdinand-Magellan/Circumnavigation-of-the-globe

Paano nakarating

ang mga Europeo sa Timog-Silangang Asya?

13 of 76

https://www.britannica.com/place/Moluccas

https://www.worldhistory.org/uploads/images/14798.jpg?v=1726682891-0

Bakit maraming naghahangad

na masakop ang Moluccas?

14 of 76

  • Tinatawag ding Maluku
  • Kilala bilang Spice Island
  • Mataas ang paghahangad at pangangailangan ng mga Kanluranin sa mga pampalasa (nutmeg, cloves at mace, cinnamon, pepper)
  • Nais marating ng mga Kanluranin upang makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa
  • Halos kasinghalaga ang pampalasa ng ginto

Moluccas

15 of 76

Bukod sa pampalasa sa mga pagkain, ang SPICES ay ginagamit din ng mga Kanluranin upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks

at medisina.

16 of 76

Bago ang pagtuklas at pananakop

ay may ugnayan nang nagaganap

sa mga Europeo at mga Asyano.

ALAM NYO BA?

Nagsimula ang ugnayang ito

sa pamamagitan ng palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Ang pinaka-tagpuan nila ay nagaganap

sa tatlong pangunahing ruta

ng kalakalan sa Asya.

17 of 76

Una, ang Hilagang Ruta, na nagsisimula

sa China at binabagtas ang mga disyerto

ng Samarkand at Bokhara, tinatawid ang Caspian Sea at Black Sea at nagtatapos

sa Lungsod ng Constantinople.

18 of 76

Pangalawa, ang Gitnang Ruta, mula sa India,

ang mga kalakal ay dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang Ormuz sa Golpo ng Persia.

Mula rito ang mga kalakal ay inihahatid sa pamamagitan ng mga kamelyong naglalakbay patungo sa mga lungsod ng Antioch, Aleppo at Damascus.

19 of 76

At ang huli, ay ang Timog na Ruta

na nagsisimula sa India babagtasin

ang Karagatang Indian, babaybayin ang

Arabia tuloy sa Red Sea hanggang sa makarating sa Cairo o Alexandria sa Egypt.

20 of 76

Dumating ang panahon na ang ruta

ng kalakalan na nag-uugnay sa mga mangangalakal na Asyano at Europeo

ay sinakop ng naghaharing Turkong Ottoman. Tanging mga Italyanong mangangalakal

na lamang ang pinayagan na makadaan

at makipag-ugnayan sa mga

mangangalakal na Asyano.

21 of 76

Dahil dito, napilitang maghanap

ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo.

Ang pagnanais na makibahagi

sa kalakalan ng spices ng Asya

ang nagbunsod sa mga Europeo

na galugarin ang mga karagatan

at hanapin ang pinagmumulan

ng mga pampalasa.

22 of 76

Nagsimula ang

DAKILANG PANAHON

NG EKSPLORASYON O

ANG PANAHON NG PAGGALUGAD ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo noong ika-15 siglo.

Ang eksplorasyong ito ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig.

23 of 76

ANO AKO?

C_os_-S_a_f

C_m_a__

Kagamitan upang malaman ang latitude o layo ng barko pahilaga o patimog mula sa equator

M__a

Makitid at mahabang bapor na nagtataglay ng triyanggulo at lateen na layag

MGA GINAMIT NOONG PANAHON NG EKSPLORASYON:

Nagbibigay ng

tamang direksyon

Compass

Kagamitan upang masukat

ang anggulo sa pagitan ng dinaraanan at ng kalangitan

Cross-Staff

Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa heograpikal na katangian ng mga lugar

Mapa

A_t_o_a_e

Astrolabe

C_r_v_l

Caravel

1.

2.

3.

4.

5.

24 of 76

Mga Bansang Nanguna sa Eksplorasyon

Sa tulong ng mapa at watawat, tukuyin ang mga bansang Kanluranin na nanguna sa ekplorasyon.

https://www.pinterest.com/pin/513199320008267016/

25 of 76

Mga Bansang Nanguna sa Eksplorasyon

_p__n

P_r__g_l

F__n__

N__h_r__n_s

__e_t B__t__n

Portugal

Spain

France

Netherlands

Great Britain

1.

2.

3.

4.

5.

26 of 76

1.

Bakit mahalaga ang pagkakatuklas sa mga bagong lupain?

2.

3.

Pamprosesong mga Tanong:

Paano nakatulong ang mga manlalayag sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe?

Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit?

27 of 76

Ang EKSPLORASYON

ay nagbigay daan

sa KOLONYALISMO.

28 of 76

Ang KOLONYALISMO ay ang pagsakop

ng isang makapangyarihang bansa

sa isang mahinang bansa.

Tatlong bagay (3 G’s) ang itinuturing

na motibo para sa

KOLONYALISMONG DULOT NG EKSPLORASYON:

  1. pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God)
  2. paghahanap ng kayamanan (Gold); at
  3. paghahangad ng katanyagan at karangalan (Glory).

29 of 76

PILI-LETRA

Ang Europa ay dumepende sa mga matatagpuang spices sa Asya at sa India, ang mga sumusunod ay spices MALIBAN sa

  1. pepper
  2. cinnamon
  3. asukal
  4. nutmeg

1.

30 of 76

PILI-LETRA

Ang mga spices na natagpuan ng mga Europeo sa Asya ay ginagamit nila sa kanilang

  1. pagpreserba sa kanilang

mga karne

  1. pagpapahinga
  2. pakikipagkalakalan
  3. palitan ng produkto sa kalapit na bansa

2.

31 of 76

PILI-LETRA

Gumamit ang mga manlalakbay at mandaragat na Europeo sa kanilang mga eksplorasyon ng mga kagamitang makatutulong sa kanila upang tuntunin ang kanilang mga destinasyon,

ang mga sumusunod ay mga kagamitan

sa paglalakbay MALIBAN sa

  1. hourglass
  2. compass
  3. astrolabe
  4. caravel

3.

32 of 76

PILI-LETRA

Kagamitan upang malaman ang latitude o layo ng barko pahilaga o patimog mula sa equator

  1. hourglass
  2. compass
  3. astrolabe
  4. caravel

4.

33 of 76

PILI-LETRA

Ang kauna-unahang bansang Europeo na naglunsad ng eksplorasyon sa mga kalupaan at karagatan sa Silangan

  1. Espanya
  2. Portugal
  3. Olandiya
  4. Inglaterra

5.

34 of 76

PILI-LETRA

Ang kanyang ekspedisyon

ay nagpatunay na ang mundo

ay bilog

  1. Ferdinand Magellan
  2. Christopher Columbus
  3. Prince Henry
  4. Bartolomeu Dias

6.

35 of 76

PILI-LETRA

Ang instrumentong ginamit ng mga nabigador upang malaman ang heograpiyang direksiyon

sa kanilang paglalakbay

  1. astrolabe
  2. hourglass
  3. compass
  4. mapa

7.

36 of 76

PILI-LETRA

Barkong nakabalik sa Espanya noong ika-6 ng Setyembre 1522, ang barkong unang nakaikot sa daigdig

  1. Santiago
  2. Trinidad
  3. Victoria
  4. Concepcion

8.

37 of 76

PILI-LETRA

Ruta ng kalakalan na nagmumula sa India ang mga kalakal at dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang Ormuz sa Persian Gulf.

  1. Hilagang Ruta
  2. Gitnang Ruta
  3. Timog na Ruta
  4. Timog-Silangang Ruta

9.

38 of 76

PILI-LETRA

Siya ay isang Datu sa pulo ng Mactan sa Cebu, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa mga taga-Europa at naging dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Ferdinand Magellan. Itinuturing siya

bilang pinakaunang bayaning Pilipino.

  1. Rajah Humabon
  2. Duarte Barbosa
  3. Lapulapu
  4. Juan Sebastian Elcano

10.

39 of 76

JUMBLED LETTERS

Ito ang mga unang uri ng mga sasakyang pandagat na ginamit ng mga Portuges at Espanyol noong ika-14 hanggang ika-15 siglo.

LEVACRA

1.

CARAVEL

40 of 76

JUMBLED LETTERS

Ginagamit ito bilang pampalasa sa mga pagkain at mapreserba ang mga karne.

SCPEIS

2.

SPICES

41 of 76

JUMBLED LETTERS

Ang isla sa Silangan na kilala

sa dami ng mga pampalasa

na maaaring matagpuan at makuha dito

CASSLUMO

3.

MOLUCCAS

42 of 76

JUMBLED LETTERS

Ruta ng kalakalan na nagsisimula sa China at nagtatapos sa lungsod ng Constantinople.

NLIHGAGA RATU

4.

HILAGANG RUTA

43 of 76

JUMBLED LETTERS

Tatlong bagay na itinuturing

na motibo ng KOLONYALISMONG dulot ng EKSPLORASYON.

OGD, GDLO, OLGYR

5.

GOD, GOLD, GLORY

44 of 76

TUNAY NA MOTIBO SA PAGPUNTA NG MGA EUROPEO SA ASYA

Sa pagsusuri, nakita na

ang pangunahing layunin

sa pagsikap makapunta

ng mga Europeo sa Asya

ay pang-ekonomiya.

Kung nagpalaganap man sila

ng relihiyon,

ito ay pumapangalawang

layunin lamang.

45 of 76

Ang pagtuklas ng mga Europeo

ng daan papuntang Silangan na

dumadaan sa Kanluran ay nagbigay-daan para manakop sila ng mga teritoryo sa Asya na una nilang natuklasan. Nagawa nila ito sapagkat mas superyor ang kanilang mga armas, gaya ng kanyon at baril kaya’t kahit sila ay kakaunti, kayang-kaya nilang manlupig ng maraming katutubo.

46 of 76

Sa sandaling masakop ang isang lugar,

ito ay itinuturing na kolonya ng

Europeong bansa na sumakop dito. Mahalaga para sa Europeo

ang mga kolonya bilang mapagkukunan ng kayamanan.

Nagkaroon ng matinding kompetisyon

sa pagitan ng mga bansa

sa paramihan ng KOLONYA.

47 of 76

I-ugnay Natin!

Pag-ugnayin ang mga salita

upang mabuo ang konsepto ng Kolonyalismo.

bansa

likas na yaman

makagamit

sinakop

mamamahala

patakaran

sariling interes

sinakop

48 of 76

KOLONYALISMO

Isang PATAKARAN ng isang BANSA na MAMAMAHALA ng mga SINAKOP upang MAKAGAMIT ng LIKAS NA YAMAN ng mga SINAKOP para sa SARILING INTERES.

49 of 76

KOLONYALISMO

nagmula sa salitang latin na “COLONUS”

na ang ibig sabihin ay MAGSASAKA

50 of 76

KOLONYALISMO

Kadalasan, ang una nilang ginagawa ay pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha na nila ang loob ay saka nila isasakatuparan ang tunay nilang hangarin na pagsamantalahan at pakinabangan nang husto ang likas na yaman ng kolonya, magtatatag ng pamahalaang kolonyal at magtatakda ng paniningil ng buwis at magsasagawa ng mga batas na makabubuti sa mga mananakop.

51 of 76

KOLONYALISMO

Sa madaling salita, ito ang PAGSAKOP sa isang bansa at pagkaroon ng kapangyarihang politikal sa lugar na ito.

Ang tawag sa bansang sinakop ay KOLONYA.

Ang tawag sa mananakop ay KOLONYALISTA.

52 of 76

MGA LAYUNIN NG KOLONYALISMO

upang mapalawak ang industriya at kalakalan ng mananakop na bansa at matamasa ang hilaw na yaman ng nasakop na

teritoryo

Pangrelihiyon

Pangkabuhayan

Pagpapalawak ng Kapangyarihan

upang palaganapin ang paniniwala ng mga Europeo

sa iisang Diyos

(Ang Kristiyanismo ang naging bandila ng pananakop ng mga bansang Europeo)

na magbibigay daan para kontrolin ang isip at damdamin ng nasasakupang bayan

upang makapagtatag ng base-militar at malawakang kolonya

53 of 76

I-ugnay Natin!

sapilitang kinokontrol

mahihinang estado

sistema

makapangyarihang estado

pananakop

mas maliliit

Pag-ugnayin ang mga salita

upang mabuo ang konsepto ng IMPERYALISMO.

54 of 76

IMPERYALISMO

Ito ay isang SISTEMA ng PANANAKOP kung saan ang isang MAKAPANGYARIHANG ESTADO

ay SAPILITANG KINOKONTROL

ang MAS MALILIIT

at MAHIHINANG ESTADO.

55 of 76

IMPERYALISMO

Nagmula sa salitang latin na “IMPERIUM” na ang ibig sabihin ay COMMAND. Nagsimulang gamitin sa panahon ng Imperyong Roma. Nangangahulugan ng DOMINASYON ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong PULITIKAL, PANGKABUHAYAN at KULTURAL na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging PANDAIGDIGANG MAKAPANGYARIHAN.

56 of 76

IMPERYALISMO

Upang maituring na isang makapangyarihang estado

ay kinakailangang nagtataglay ito ng isang matatag na institusyong politikal at matibay na pagkakakilanlang kultural.

57 of 76

IMPERYALISMO

Ang POKUS NG PANANAKOP ay makontrol ang POLITIKAL at EKONOMIKAL NA INSTITUSYON ng mas mahihinang bansa, dahil dito kadalasan ay nawawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na namumuno at nauubos ang mga likas na kayamanan ng mga bansa sa ilalim ng isang imperyo.

58 of 76

IMPERYALISMO

Magkakaiba ang pangkat-kultural ng mga mamamayan

sa isang imperyo. Sa madaling salita, ang imperyo ay binubuo ng magkakaibang maliliit na pangkat ng tao na may magkakaibang pinagmulan, tradisyon, paniniwala at kasaysayan.

59 of 76

IMPERYALISMO

Ang pagkakaiba-iba ng mga ito

ay nagiging dahilan ng hidwaan

sa pagitan ng mga pangkat

at dahilan naman para sa

MAS MAKAPANGYARIHANG PANGKAT upang makontrol

ang mas mahihina sa kanila.

60 of 76

IBA’T-IBANG URI NG PAGKONTROL ng mga Imperyalistang bansa sa mga bansang kanilang nasakop:

KOLONYALISMO ay tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas mahihinang bansa sa Asya at Aprika.

Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan

ng mga dayuhan.

1.

61 of 76

IBA’T-IBANG URI NG PAGKONTROL ng mga Imperyalistang bansa sa mga bansang kanilang nasakop:

PROTEKTORADO na pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit KONTROLADO ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan. Kung mahaharap sa digmaan ang mahinang bansa

ay makasisiguro ng PROTEKSIYON mula sa mas malakas na bansa.

2.

62 of 76

IBA’T-IBANG URI NG PAGKONTROL ng mga Imperyalistang bansa sa mga bansang kanilang nasakop:

ECONOMIC IMPERIALISM kung saan kontrolado ng mga pribadoong kompanya o dayuhang mamumuhunan ang mga mahihinang bansa.

3.

63 of 76

IBA’T-IBANG URI NG PAGKONTROL ng mga Imperyalistang bansa sa mga bansang kanilang nasakop:

SPHERE OF INFLUENCE

ay tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa

na kinokontrol o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin.

4.

64 of 76

IBA’T-IBANG URI NG PAGKONTROL ng mga Imperyalistang bansa sa mga bansang kanilang nasakop:

CONCESSION ay ang pagbibigay ng pahintulot sa mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa na may eksklusibong karapatan

para sa kanilang pansariling interes.

Ang EXTRA-TERRITORIALITY ay kasunduan

sa pagitan ng mananakop at mahinang bansa kung saan paiiralin ang batas ng mga mananakop sa mga piling teritoryo na kabilang sa concession.

5.

65 of 76

IBA’T-IBANG URI NG PAGKONTROL ng mga Imperyalistang Bansa sa mga Bansang Kanilang Nasakop:

1.

Ibigay ang mga uri ng pananakop gamit ang mga larawan.

2.

3.

4.

5.

Kolonyalismo

Protektorado

Concession

Economic Imperialism

Sphere of Influence

66 of 76

DALAWANG PARAAN ng mga mananakop upang ipakita ang pagpapasunod nila sa mga bansang kanilang nasakop:

Ang TUWIRAN o DIRECT CONTROL ay direktang pinamunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop. Hindi hinayaan ng mananakop ang mga katutubo na humawak ng alinmang posisyon sa pamahalaan. Ang mga batas na ipatutupad ay alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa mga bansang pinanggalingan ng mga mananakop. Dahil KOTROLADO ang POLITIKA ng mahinang bansa ay nakontrol na rin ng mananakop ang EKONOMIYA nito. Maging ang KULTURA ng mga katutubo ay unti-unting nabago at ito ay napalitan ng mga kulturang dayuhan dahil sa patakarang ipinatutupad ng mga mananakop.

1.

67 of 76

Ang DI-TUWIRAN o INDIRECT CONTROL

ay pinanatili ang mga katutubong pinuno ng mahihinang bansa na may LIMITADONG KAPANGYARIHAN at ang HULING DESISYON

ay nasa kapangyarihan ng mga mananakop. Maaaring ipagpatuloy ng mga katutubong pinuno ang ilan sa kanilang mga LOKAL NA PANINIWALA ngunit sa paglipas ng panahon ay nahahaluan ito ng mga paniniwala

mula sa dayuhan.

DALAWANG PARAAN ng mga mananakop upang ipakita ang pagpapasunod nila sa mga bansang kanilang nasakop:

2.

68 of 76

SAGOT MO,BUUIN MO

Gumawa ng pangungusap gamit ang apat na salita:

IMPERYALISMO, DI-TUWIRAN, KOLONYALISMO, TUWIRAN

Sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo,

mayroong dalawang anyo ng pananakop, ang tuwiran

at di-tuwiran.

69 of 76

Dugtungan Na

Dugtungan ang angkop na mga salita upang mabuo ang kahulugan ng kolonyalismo at Imperyalismo.

Ang kolonyalismo ay

Ang imperyalismo ay

1.

2.

_________________________

________________________.

_________________________

________________________.

70 of 76

What’s inside the box?

Ipaliwanag ang ugnayan ng Kolonyalismo at Imperyalismo gamit ang Venn-diagram.

v

Imperyalismo

Kolonyalismo

71 of 76

Pili sa Kahon

Direktang pinamunuan ng mga mananakop ang mahihinang bansa. Ang kanilang pamahalaan ay nasa kapangyarihan ng mananakop.

1.

v

kolonyalismo

sphere of influence

imperyalismo

protektorado

direct control

indirect control

72 of 76

Pili sa Kahon

Isang sistema ng pananakop kung saan ang isang makapangyarihang estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at mahihinang estado.

2.

v

kolonyalismo

sphere of influence

imperyalismo

protektorado

direct control

indirect control

73 of 76

Pili sa Kahon

Tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas mahihinang bansa.

Ang pamahalaan at ekonomiya

ay tuwirang pinamamahalaan

ng mga dayuhan.

3.

v

kolonyalismo

sphere of influence

imperyalismo

protektorado

direct control

indirect control

74 of 76

Pili sa Kahon

Pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan.

4.

v

kolonyalismo

sphere of influence

imperyalismo

protektorado

direct control

indirect control

75 of 76

Pili sa Kahon

Tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol

o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila

lubusang sakupin.

5.

v

kolonyalismo

sphere of influence

imperyalismo

protektado

direct control

indirect control

76 of 76

Salamat po!