1 of 31

LOPE K. SANTOS

Carmela Suarez, Ethel Viray

2 of 31

PAGTATAPAT

3 of 31

Pagtatapat

Ibig kong kung ikaw ay may iniisip

sa ulo mo'y ako ang buong masilid;

Ibig kong kung iyang mata'y tumititig

sa balintataw mo ako'y mapadikit;

Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig

ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis;

Ibig kong sa bawat pagtibok ng dibdib

bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.

4 of 31

Pagtatapat

Hangad kong kung ikaw'y siyang nag-uutos

akung-ako lamang ang makasusunod;

Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog

kaluluwa ko lang ang makapupulot;

Hangad kong sa harap ng iyong alindog

ay diwa ko lamang ang makaluluhod;

Hangad kong sa altar ng iyong pag-irog

kamanyang ko lamang ang naisusuob.

5 of 31

Pagtatapat

Nasa kong kung ikaw'y may tinik sa puso

dini sa puso ko maunang tumimo;

Nasa kong ang iyong tampo't panibugho'y

maluoy sa halik ng aking pagsuyo;

Nasa kong ang bawat hiling mong mabigo

ay mabayaran ko ng libong pangako;

Nasa kong sa bawat luha mong tumulo

ay mga labi ko ang gamiting panyo.

6 of 31

Pagtatapat

Nais kong sa aklat ng aking pagsinta

ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa;

Nais kong sa mukha ng ating ligaya

batik man ng hapis ay walang makita;

Nais kong ang linis ng ating panata'y

huwag marungisan ng munting balisa;

Nais kong sa buhay ng ating pag-asa'y

walang makatagpong anino ng dusa.

7 of 31

Pagtatapat

Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y

hamog ng halik mo ang magpapasariwa;

Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala

ay wala nang ulap na makagambala;

Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y

mabaon ko hanggang tabunan ng lupa;

Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala

ay sa walang yao'y huwag kang mawala.

8 of 31

Pagtatapat: Analisis

  • confession
  • Gumagamit ng pagtutulad
    • Inihahambing ang pagmamahal sa mga tala, atbp.

9 of 31

SINO KA? AKO’Y SI..

10 of 31

  • Pagiging totoo sa sarili
  • Koleksyon ng limang tula sa pagiging mabuting tao sa iba at para sa bayan
  • Gumagamit ng pahambing at mga halimbawa sa buhay para maunawaan ng nagbabasa

11 of 31

AKO’Y SI WIKA

12 of 31

Ako’y Si Wika

Hangga ngayo’y suliranin kung saan ako mula;

kung sa bagay, may pasya na ang maraming dalubhasa,

na ako raw’y unti-unting nabigkas ng mga dila,

nang ang Tao’y mapilitan sa takot ay magsalita,

sa paghingi ng saklolo at tulong ng mga kapwa;

samantalang ang relihiyon, ayaw pa ring maniwala,

at bigay raw sa magkasing Ada’t Eba ni Bathala,

bilang kawing na pang-ugnay sa kanilang puso’t diwa;

isa pa ring walang linaw’t hangga ngayo’y talinhaga,

kung sa wika ay ang isip ang lumalang at bumugta,

o ang wika ang sa isip ay luminang at may gawa;

sa totoo’y walang isip, pag ang wika ay nawala...

13 of 31

Ako’y Si Wika

Nguni, ang di-mapupuwing na nagawa kong himala,

liping-taon’y natubos ko sa buhay na pamulala,

hanggang siya’y naging hari ng lahat ng nilikha;

sa bundok ng karunungan sa palad ko tumatala;

sa yaman kong bumabatis, lumalangoy ang makata;

sa tamis ko’t kabanguhan, paraluma’y nagsasawa;

sa tuyo’t na pagsasama’y panariwang dugo’t dagta;

kasangkapan sa paglupig, kasangkapan sa paglaya...

 

14 of 31

Ako’y Si Wika

Kaya, Tao: matuto kang magmahal ng iyong wika,

ingatan mong parang gulok na may talim na magkabila;

nagagamit sa mabuti’t nagagamit sa masama;

bumubuhay at nanatay, bumubuo’t nagigiba.

15 of 31

Ako’y Si Wika

  • Pagmamahal sa sariling wika
  • Paggawa ng wika dahil ginagamit ng mga tao
  • Unang naging wika dahil nagpakita ng mga damdamin ng ating mga ninunong Pilipino
  • Dapat alagaan dahil puwedeng gatin sa magandang o masamang paraan
  • Simbolo ng pag-iisip

16 of 31

AKO’Y SI BAYANI

17 of 31

Ako’y si Bayani

Konting putik, konting hangin,

kinipil ng kalikasan, at dinampot ng

Panahon at kung saan binitawan:

Ng sa lupa ay madikit, nagkadiwa,

nagkabuhay, naglumago sa pagtubo,

nagsumupling sa kapal, buntun-buntong

lumaganap sa lawak ng daigdigan,

may lumiit, may lumaki, nangabuhay – nangamatay...

sa gitna ng sangnalikha, tignan niyo’t ako’y iyan:

libu-libo, laksa-laksa, yata-yata, angaw-angaw

na tauhang nagbibigkis ng iisang kapalaran,

iisa lang ang kaluluwa’t iisa rin ang katawan,

sa ligaya’t sa pighati ay iisa rin ang pangdamdam,

kung mabuhay sama-sama’t kung mamatay damay-damay...

Nguni akong sa taguri ng makata ng Diyos daw, Amang tangi,

Inang bugtong, sintang Lupang tinubuan,

18 of 31

Ako’y si Bayani

Madalas din ang ngalan ko’t puri ko’y paglaruan

ng maraming mga tuso sa sariling kapakanan;

di iilang mananaggol ang sa aki’y umaalay;

sa harap ko’y anong daming nagbabaya-bayanihan,

samantala kung oras na ako’y dapat ipaglaban,

isa-isang nawawala’t ako’y tinatalikuran...

Ah, ang TAO! Hindi lahat ng bayani’t mapagkakatiwalaan:

kung ang baya’y nakikita sa panganib ng labanan,

ang bayani ay sa sugat nakikita kung matapang.

19 of 31

Ako’y Si Bayani

  • Gawa sa paghihirap
  • Kung walang paghihirap, hindi mapoporma ang kalakasan ng loob
  • Maraming bayani sa bansa at mas mabuti kung nagsasama sila
  • Ang pagiging bayani ay nakikita sa pagsusubok

20 of 31

AKO’Y SI LAYA

21 of 31

Ako’y si Laya

Sa gitna ng kabuhayan, ako’y kamay

ni Bathalang nagbabatas ng ginhawa sa

palad ng sangnalikha; sa madilim

na piitan ng pag-asa, ako’y diwang

tumatakas, lumilipad, hanggang langit

gumagala, sa likod ng kabundukan ng

Silangang mahiwaga, ako’y mukhang

maliwayway ng Hari ng mga Tala,

pagkatpos na sa laho ay magdamag na pasila,

maghapunang nagsasabog sa Daigdig ng

biyaya; araw-gabi pangarap ng busabos

na timawa, katubusan ng bilanggo’t

pag-asa ng bayang aba, kasintahan ng

Bayani’t paraluman ng makata,

kayamanang ang pangtubos ay buhay na

laksa-laksa.. nguni ako! Ibong kulong na

sa hawla’y kumakalawa, paru-parong

dati’y uod na sa supot nagsimula,

halimuyak ng bulaklak na unsyami’y

nanariwa at tubig na nakatagas sa

hadlang ng isang sala...! kung minsan ay

ako na rin ang sa aki’y sumisira!

22 of 31

Ako’y si Laya

anong hirap sa sariling ang sarili’y

mag-alaga!... sanggol akong, kung isilang

may kasamang dugo’t luha, kaya dugo at luha

rin ang kasama kung mawawala... Ah, ang tao!

kung mahirap ang umusig sa paglaya, mag-ingat

ng kalayaan ay hindi rin birong gawa:

ang laya ng tao’t baya’y kapalara’t

ginhawa nga, dapwat’t sa di bihasa pa’y

isang gintong tanikala.

23 of 31

Ako’y Si Laya

  • Mahalaga ang kalayaan para kanino man
  • Ito ay importante kahit mahirap o mayaman man ang isang tao
  • Ito ay nagbibigay ng respeto para sa ibang tao
  • Ito ay karapatan para sa lahat, hindi lang isang bagay para sa ibang tao lamang

24 of 31

AKO’Y SI DANGAL

25 of 31

Ako’y si Dangal

 

Anong pakay ng marunong, anong nais ng mayaman,

Anong layon ng bayani’t anong hanap ng matapang

ang iba naman ay salapi, ang iba’y kasiyahan,

ang lahat na ang sa akin halos nagpapakamatay;

pagka’t ako’y gantimpala ng talino’t kagitingan,

ako’y yamang namamana ng sang-angkat sanlohika,

  • sa lipunan ako’y tampok at panghuli sa lakaran,
  • upong bukod na tanghali’t purihin ng karamihan;
  • ako’y dahon at bulaklak, ginto’t batong makikinang
  • na sa ulo pagkaputong ay nagiging kabantungan,
  • ang ngalan ko’t halimuyak, papawirin, alingawngaw,
  • na kung minsan, di-magkasya na buo mang santinakpan.

26 of 31

Ako’y si Dangal

 

Nguni, ako’y palaging may isang kaaway,

at may isang sakdal-samang tagapayo’t sanggunian,

kagitingan yan una’t itong huli’y kahambungan;

kapwa sila walang mithi kundi ako’y maihapay,

ang alin man sa dalawa at talagang nangatawan,

nakikitil ang buhay ko sa sangkisapmata lamang

madalas na kahit ako’y sa langit namuhay,

.

 

Kaya, Tao: hindi pagkat may putong kang puri’t

dangal, maghahambog at akala’y marangal na habang-buhay

laking hirap, sakdal-luwat mag-impok ng karangalan.

27 of 31

Ako’y Si Dangal

  • Ito ay gusto ng lahat
  • Ang mga taong nagiisip bago gumawa ng kani-kanilang mga desisyon ay mayroon ito
  • Gusto ito ng mga mayaman pero mahirap itong kunin dahil kailangan ng mabubuting asal
  • Dapat gawing pangaraw-araw; hindi paminsan-minsan lamang

28 of 31

AKO’Y SI TAO

29 of 31

Ako’y si Tao

Sa gitna ng kalikasa’y sinasabing Hari ako,

bukod tanging kalarawan ng Maylikha, diumano;

anang Biblia, ako’y likha sa loob ng paraiso,

ani Darwin, ako’y galing sa lipi ng mag tsongo;

alinman sa dalawa ang totoo’t di-totoo,

katutubong sa daigdig ang isip ko’y nangungulo,

ang lakas ng aking bisig, ang ilaw ng aking noo,

ang lipad ng aking diwa’t ang sa puso kong simbuyo’y

nagbangon ng mga bayan, yaring Diyos ay binago,

gumawa araw-araw ng himalang libu-libo,

samanatalang ang panaho’y nagdaan nang patakbo,

lumilipad kasabay ang nasa ko at talino...

Ngunit akong, ianak sa dampa man o palasyo,

niniyak din, hubo’t hubad, pikit mata;y parang luno

30 of 31

Ako’y si Tao

kung mamatay at malibing sa putikan o bato,

uuwi rin sa kalansay at magiging bungo’t buto,

sa agawan ng ginhawa, parating natatalo’y ang marami,

ang iilan ay laging nang nanalo, at kung hindi nasusugpo ang

takaw ng mga tuso kaipala’y malaon nang nabaligtad itong mundo...

kaya, Ako! Ako’y dapat na lumagay sa uri kong hindi hayop,

ni Bathala, ni anuman, kundi TAO:

sa wala na ako galing, wala sa patutungo.

31 of 31

Ako’y si Tao

  • Kahit ganoo pa man importante ang isang tao, hindi dapat maging mapagmalaki at magbuhay para sa sarili lamang
  • Lahat tayo ay galing sa abo, at sa abo rin tayo ibabalik
  • Dapat bigyang halaga ang pamumuhay, pero bigyan ring halaga ang ating pagiging mabuting tao